CHAPTER EIGHT

2.2K 25 8
                                    

Author's Note

Thank you so much sa paghihintay ng update dearest! Super sorry na talaga. :( alam niyo naman ang nangyaring hack-an sa wattpad pati na rin yung pagharot ko. Hehe! Kaya hindi ako nakapag-update. Kaya super thank you!

Actually, medyo magiging mabagal pa rin po ang updates. Dahil po yan sa ginagawa ko ngayong story na part ng isang collab series. May deadline po kasi yon kaya sorry na.

Pero may super duper mega diamond good news naman ako sa inyo. Mapa-publish na po ang very first romance novel ko under Precious Hearts Romances ngayong March. Isa sa mga Miyerkules ng Marso ay ire-release na ang "Look at the Pair of Our Hearts". Hindi ko po yan nai-post dito sa wattpad pero pangako ko pong magugustuhan ninyo yan. Sana po ay suportahan niyo po ang una kong libro. Sana po ay makabili kayo. Sana po hanggang sa mga published books ko ay nandyan kayo. Maraming salamat po.

Social Media Accounts:
FACEBOOK- Neri Joy Jayson

INSTAGRAM -- @neri_joy_jayson

TWITTER -- @lady_25me

GMAIL -- jaysonaldama25@gmail.com

BOOKLAT-- http://www.booklat.com.ph/profile/14488 SpontaneousLady

Chapter Eight

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ni Sarah habang pinagmamasdan ang fianće. Dinudurog ang kanyang puso habang nakikita ito kung paano sumuko at mawalang pag-asa sa kalagayan nito. Yayakapin niya sana ito ng umiwas ito at nagawa pa siya nitong itulak dahilan upang malayo siya ng distansya rito.

"Ardel naman." Bulalas niya.

"Hindi mo ba ako narinig Sarah? Tama na. Umalis ka na. Hindi na tuloy ang kasal at hiwalay na tayo."

"Bakit Ardel huh? Bakit?!" nangingig ang kanyang boses habang sabay na sumisigaw at lumuluha. Para siyang pinapaulanan ng bala sa mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking pinakamamahal. Mamamatay siya. Hindi niya iyon kakayanin.

"Bakit? Sarah naman dapat ulit-ulitin pa natin? Dapat ipaliwanag ko pa sayo? Dapat ipamukha mo pa sa akin?" Sarkastiko at pabulyaw na tugon ni Ardel.

"Dahil dyan sa ari mo?!" Tugon niya.

"Oo dahil dito! Masaya ka na?" Saka ito umiwas ng tingin at parang batang lumuha.

Ilang sandaling napuno ng pagtangis ang loob ng silid. Sabay silang lumuha sa saliw ng lungkot at pighati. Nais niyang yakapin si Ardel. Alam niyang mas kailangan nito ng pang-unawa sa ngayon. Ngunit ayaw niya ring sabayan ang emosyon nito.

She composed herself. She took a deep breathe. She stared at him while they were both a mess. "Listen to me. Pakinggan mo ako Ardel. I have two reasons to stay." Hindi na siya naghintay pa ng tugon mula rito. "Una sa lahat hindi mababaw ang pagmamahal ko sayo. Hindi naman iikot lang sa s*x at kung paano mo ako mapapaligaya ang magiging buhay natin eh. Kaya natin maging masaya kahit wala yan."

Lumingon ito sa kanya. Gustung-gusto na niya itong yakapin. He was so helpless at alam niyang isang mahigpit na yakap ang makakapagpagaan kahit papano sa loob nito. Pero muli, pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Alam mo Sarah..." he paused and he cried in front of her. "Yang una mong dahilan para manatili ang una ko namang dahilan para palayuin ka. Bilang isang lalaki hindi lang naman din ito tungkol sa s*x kundi sa responsibilidad. Responsibilidad kong mapaligaya ka. Lalo't higit it's my responsibility to give you a family. Pangarap ko iyon alam mo ba? Pangarap kong bumuo ng isang malaking pamilya kasama ka. Natatakot ako ngayon na baka hindi ko na iyon magawa. Paano ko nga naman 'yon magagawa ngayon? Takot ako Sarah. Takot na ako dahil nasira na ang pangarap ko. Hindi ko na alam kung paano pa mabubuhay. Hindi ko na alam kung paano pa magiging asawa sayo."

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon