CHAPTER NINE

1.8K 17 3
                                    

Author's Note:

Surprise! Yes po dearest may update na si Ardel at Arwynn. Tuluy-tuloy na po ito. :)

Sino na po pala ang nakabili sa inyo books ko na "Look at Our Pair of Hearts" at "Ugly Truth about Love" by Neri Joy Jayson published by Precious Hearts Romances? Available na po siya in all leading book store including National Book store nationwide! Sana po makabili kayo. Please tag me or message me sa mga susunod na social media accounts. Maraming salamat po. I'm back!

Please follow me po sa mga sumusunod:
Facebook: Neri Joy Jayson
Wattpad: @Neri_Joy_Jayson
Twitter: @lady_25me
Instagram: @neri_joy_jayson

Chapter Nine

"A-arwynn?" Patanong na nasambit ni Aimee ang ngalan ni Arwynn. Hindi siya makapaniwalang mapupunta ito sa kanyang lugar sa ganoong oras. Nagkakasama lang sila hanggang malalim na ang gabi kung may mga okasyon. Napakadalang lang ng mga gayong tagpo dahil ayaw niya ring sumasama sa matalik na kaibigan sa mga party. Masasaktan lamang siya kapag nakita itong makipaglandian sa ibang mga babae.

"Aimee." Unulit nito ang pagsambit ng kanyang pangalan saka siya niyakap.

"Huh..." Nabigla siya. Her heart skip a beat. Yakap siya ng lalaking pinakamamahal. Nang lalaking pilit niyang inaalis sa kanyang puso ang pagtingin dito. He was just a trouble. Siya ang babaeng nirerespeto nito, ginagalang, pinagkakatiwalaan at higit sa lahat minamahal... bilang isang KAIBIGAN. Alam na nito ang nararamdaman niya ngunit hindi nito nagawang ibalik ang pagmamahal niya. Mahirap man but she was trying to forget her feelings for him. Mahirap man dahil ayaw naman niyang mawala ang pagkakaibigan nila.

"Sorry Aimee kung pinagtabuyan kita. Sorry. Hindi ko kayang mawalan ng isang tunay na kaibigan na masasandalan lalo na sa pinagdadaanan ko ngayon." He said while he seems to be crying.

Kaibigan. "Arwynn naman eh." She was deeply touched by his effort to go to her place in the middle of the night but the pain of being just a friend to a man you love snap her one more time. Pero muli ay wala naman siyang magagawa. She caressed his back. Ginantihan niya ang yakap nito. Sininghot niya ang amoy nito mula sa paborito nitong pabango na humahalo sa amoy ng alak. "Okay na. Lasing ka. Magpahinga ka na."

Inalalayan ni Aimee si Arwynn papasok sa loob ng kanyang condo. Hiniga niya ito sa couch sa may sala.

"Sorry Aimee. Sorry." Paulit-ulit nitong sinambit hanggang sa tuluyan itong makatulog.

Naupo siya sa gilid ng malaking couch. Pinagmasdan ang maamong mukha ng kaibigan. "Bakit Arwynn?" Agad na pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Bakit mas gusto mo pa yung mga babaeng 'yon? Bakit ako 'yung napili mong saktan at paasahin? Bakit ako 'yung hanggang kaibigan lang? Bakit kapag gusto ko ng kalimutan lahat ng feelings ko sayo ay saka mo naman ibabalik lahat? Bakit patuloy akong nagpapakatanga?" Agad din naman niyang pinunasahan ang nagkalat na luha sa kanyang mga pisngi.

Kumuha siya ng bimpo saka iyon binasa. Hinubad niya ang suot na polo nito. Hindi naman ito natinag sa pagkakatulog. She looked at his body. "Yang katawan at mukha mo lang naman ang habol nila eh. Idagdag pa ang pangalan at yaman mo. Kung alam lang nila na madumihin ang pusod mo at madalas mong linisin yan sa pamamagitan ng daliri mo saka mo aamoyin na parang bangung-bango ka." Natawa siya ng mag-isa. Alam na niya ang mga lihim ng kaibigan.

Nang matapos niyang linisin ang katawan nito ay saka siya kumuha ng kumot upang ilagay dito. "Goodnight Arwynn." Nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha nito. Gusto niyang halikan ang mapupula nitong mga labi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. She was centimeter away from his lips when he stood up. Dagli siyang pumasok sa kanyang kwarto.

"Very good Aimee! Very good! Tama lang na hindi mo itinuloy na halikan si Arwynn!" Pagkausap niya sa sarili pagkahiga sa kanyang kama. Nagtalukbong siya ng kumot. "Di ba nga ginagawa mo na ang lahat makalimutan mo lang siya. You're there to support him sa pinagdadaanan niya ngayon pero suportahan mo rin ang sarili mo para kalimutan ang feelinga mo sa kanya. Have more rakets and try to appreciate other guys! Maraming mas matino sa kanya na mamahalin ka ng higit pa sa isang kaibigan." Napakarami niyang sinabi sa kanyang sarili just to convince herself na tama lang ang ginawa niyang hindi paghalik dito. For the record she never kissed him when he's asleep. She tried but she always failed. Alam niyang isang halik lang ay mas mahuhulog na naman siya dito. Kahit hindi pa nito sinasadya ang halik na iyon. Kahit tulog pa ito. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog habang nakikipagtalo pa rin sa sarili.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon