Hello Dearest!
Belated Happy Valentines! I love you all! Sana kahit ano ang status niyo ay naging masaya ang araw ng mga puso. Para naman 'yan sa mga taong nagmamahal eh, lover man yan, pamilya, kaibigan, kapitbahay, writer o reader man. Wink!
May handog din po pala akong Valentines vlog sa aking Youtube channel. Makikilala niyo roon ang isang Swiss na bakasyonista rito sa Pinas. Ang hot niya hehe. Balak kong gawin siyang character sa isa sa mga future story ko. Harot! Haha! Sana po ay mapanuod ninyo. Naka-attach po rito ang link ng video. Maraming salamat dearest! Enjoy watching! And enjoy reading!
Social media updates:
Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!Chapter Seventeen
"Oh my God!" Pinipilit ni Sarah na umisip ng paraan kung paano matatakasan kung sinuman itong may balak ng masama sa kanya. Sigurado siya. Kung hindi man ito ang utak ng mga nangyayari sa kanila ni Ardel ay kampon nito ang nilalang na bumabasag sa windshield ng kanyang sasakyan.
Nasa pribadong bahagi sila ng villa. Ang rest house mansion lang nila ang naroon. Nasa gate lang ang security guards. Malayo ang gate sa kanila. Kung nakapasok ito ng malayo sa villa, ibig sabihin ay kilala itong malapit sa pamilya. Sino ka? Sino ka? Alam ko kilala ka namin.
Sa pagnanais na malaman ang katotohanan. Inipon ni Sarah ang lakas at lahat ng tapang na mayroon siya. Bago pa tuluyang mabasag ang windshield ay lumabas na siya ng sasakyan. "Magpakita ka! Hayop ka! P*tang ina mo!"
Tumingin ang lalaking naka-bonnet sa kanya. Mata lamang ang nakikita niya rito. Nanlilisik ang mga iyon. Puno ng poot.
"Are you going to kill me now? Kill me! Pero wag kang duwag! Magpakita ka! Magpakilala ka! Tanggalin mo yang takip sa mukha mo! Hayop ka!" paghamon niya rito ngunit ang totoo ay nangingig na ang kanyang tuhod sa takot. Wala na siyang magagawa kundi lumaban hanggang sa huling hininga niya. Diyos ko kayo na po ang bahala sa akin.
"I will make you suffer then make you beg for your death." tugon nito. Kakaiba ang boses nito. Tunog cartoons. Tila sadyang binago nito ang boses upang hindi niya mabosesan.
"Do it! Pero wag kang... duwag!"
Akmang tatanggalin na nito ang suot na bonnet nang isang lalaki ang tumalon mula sa likod nito. Nahagis nito ang hawak na bakal. Nagsuntukan ang dalawa. Napansin niyang si Arwynn ang lalaking sumaklolo sa kanya.
"Sarah! Pumasok na tayo sa loob. Tumawag na rin ako ng security. Parating na sila." bigla namang lumabas at yumakap sa kanya si Aimee.
"Aimee! Salamat at dumating kayo!" napayakap siya rito ng mahigpit bago tuluyang pumasok sa loob.
"F*ck you! Bumalik ka rito!" Narinig nilang sigaw ni Arwynn. Saka naman dumating ang security ng villa. Muli silang lumabas ni Aimee.
"I want more securities around the villa pati na rito sa labas ng rest house. Keep us safe. At paki-trace kung sino po ang nakapasok na iyon at paano niya kayo nalusutan. Kung hindi siya papuslit na nakapasok dito ay malamang kilala namin siya kaya niyo pinapasok. Kung kaya niyo pa rin siyang habulin ay gawin niyo." saad ni Sarah sa head ng security.
"Narinig niyo ang sabi ni ma'am. Let's start the investigation and half of the team should continue searching baka hindi pa nakakalayo 'yun!" -head of security.
Humarap si Sarah kay Arwynn. "Thank you Arwynn. Thank you. Baka kung hindi kayo dumating ay malamig na bangkay na ako ngayon."
"Sakto ang dating namin. Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito.
"Yes I'm fine. Thank God. A-ano nga palang ginagawa niyo rito?"
"Tama. Ano'ng ginagawa ng magaling kong kapatid dito? Bakit basag ang windshield ng sasakyan ni Sarah? Pinagtangkaan mo bang patayin ang asawa ko!" nakatunog na sa mga nangyari si Ardel at lumabas na ito ng bahay. Mababakas ang galit ang pagdududa sa mukha nito.
"Kuya..." mahinang nasambit ni Arwynn.
"Ardel walang ginawang masama sa akin si Arwynn. Ang totoo ay niligtas niya ako." Saka siya lumapit sa asawa.
"Huwag mo na siyang ipagtanggol pa. Baka act niya lang 'yon para kunyari niligtas ka niya." pagmamatigas ni Ardel.
"No Ardel. Nilig-" hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Wag mo namang idamay ang asawa ko. Sa akin ka may galit hindi ba? Lumaban ka naman ng patas once and for all. Hintayin mo akong gumaling then we'll fight. Patas na laban ang ibibigay ko sayo. Dati kong kapatid." - Ardel.
..........
Ginustong dumaan ni Arwynn sa kanilang villa sa Batangas bago dumiretso sa kanilang resort. Malapit nalang naman iyon. Kahit papano ay gusto niya ring masilip at matanaw ang kanyang kuya pati na rin ang asawa nito. Hindi naman nila inaasahan ang madadatnan. May nagtatangka sa buhay ni Sarah. Agad niya iyong tinalon at pinagsusuntok. Hindi ganoon kagaling sa pakikipaglaban ang lalaking naka-bonnet. Sinipa lang siya niyo sa maselang bahagi ng kanyang katawan kaya ito nakatakas.
Ilang sandali palang silang naguusap ni Sarah ay lumabas na rin ang kanyang kuya Ardel. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. He missed him. Gusto niya itong yakapin. Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha dahil sa masasakit na salitang lumabas sa bibig nito.
"Hintayin mo akong gumaling then we'll fight. Patas na laban ang ibibigay ko sayo. Dati kong kapatid." saad ni Ardel.
"Kuya wala akong kinalaman sa nangyari sayo. Sana dumating ang oras na maniwala ka naman sa akin. Papatunayan ko 'yan. Mahal kita kuya." humahangos na sambit niya. Hinawakan naman siya ni Aimee sa braso.
"Hindi mo na ako maloloko. Hindi na. At uulitin ko, hindi na kapatid ang turing ko sayo. You're just a nightmare. Bangungot na ayaw ko ng balikan sa pagtulog ko. Bangungot na gagawin ko ang lahat para mawala sa buhay ko." saka ito nag-dirty finger sa kanya. "Umalis ka na rito. Subukan mo pa kaming guluhin at baka hindi na tayo dumating sa patas na laban na tinutukoy ko. Tara na Sarah."
"Mauna ka na sa loob. Kakausapin ko lang sila ng mabilis." saad ni Sarah.
"Don't talk to him. Wag kang magpapaniwala dyan."
"Oo sige. Mabilis lang. Si Aimee lang ang kakausapin ko. Mauna ka na please. You should be resting by now."
Bago umalis ay matatalim na tingin ang pinabaon sa kanya ng nakatatandang kapatid.
"Sarah sorry. Wala talaga akong kinalaman sa nangyari." Agad niyang pangungumbinse kay Sarah.
"Pinipili ko nalang din ang pagkakatiwalaan ko ngayon Arwynn. And I believe you." hinawakan siya nito sa kamay. "I believe you."
"Thank you Sarah. Thank you." kahit papano ay nabunutan siya ng tinik sa nalaman.
"Narito pa rin sa tabi mo si Aimee. I believe Aimee. She still trusts you. I just need your cooperation. If you can do something din sana. Actually, I hired a private investigator to have a separate investigation sa nangyari, sa mga nangyayari. Hindi kami tinitigilan ng kung sinuman yon. Yung nakita niyo kanina ay ilan lang sa maraming pananakot niya sa amin. Hindi ko nalang sinasabi kay Ardel dahil nagpapagaling pa siya. May kutob akong malapit sa amin, sa atin ang may gawa ng lahat ng ito. Iyon ang kailangan nating malaman."
"I'm in Sarah. Papatunayan ko kay kuya Ardel na wala akong kasalanan. Aalamin natin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito."
..........
Sa hindi kalayuan ay nakamasid pa rin ang lalaking naka-bonnet.
"Kampihan pala ah. Humanda kayo. Marami ka na ring kasalanan sa akin Arwynn."
![](https://img.wattpad.com/cover/87988307-288-k161349.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
Genel KurguThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.