CHAPTER SIX

2.9K 33 11
                                    

Author's Note:

Unang update sa #PerformanceBrother for 2017. Weekly na po ang update simula ngayon. Pwedeng once or twice a week depende po sa matatapos ko. Kung hindi po mismong weekend ay Lunes po tulad ngayon. Wink! Susubukan ko po talagang panindigan na ito. Hehe! Please help me by voting ,giving your feedback and sharing. Pa-inspire pa more lang po. Hehe!

Pa-follow na rin po sa mga social media accounts ko. Get to know me, ang mga hugot ko, alamin ang mga regalo ko sa inyo at kilalanin ang mga real life characters ng story ko lalo na ang mga paparating kong mga nobela kasama na ang Hot Hunks Chamber na very soon na. Maraming salamat po dearest! I love you all! Happy New Year!

Social Media Accounts:
FACEBOOK- Neri Joy Jayson

INSTAGRAM -- @neri_joy_jayson

TWITTER -- @lady_25me

GMAIL -- jaysonaldama25@gmail.com

BOOKLAT-- http://www.booklat.com.ph/profile/14488 SpontaneousLady

Chapter Six

"Putang ina!" Napamura si Arwynn sa nakita. Hindi niya alam ang gagawin. Binalingan niya si Fely. "Ano'ng ginawa mo kay kuya?!"

"Y-yan ang dapat sa kanya. Sa inyong mga manloloko at paasa." Nauutal at tila nangangatog na tugon ng babae.

"Kung may nagpapaasa man sayo rito ako 'yon! Walang kinalaman ang kuya ko!" Pasigaw at galit niyang tugon. Halos magdilim na ang kanyang paningin. Hahablutin na sana niya ang babae upang ipaghiganti ang kanyang nakatatandang kapatid. Ngunit narinig niya ang mag-ungol nito sa sakit.

"A-arwynn tulong. Hindi ko na kaya. Natatakot ako. Tulong." Napalingon siya sa umiiyak na si Ardel. Dagli siya ritong lumapit at tuluyang hindi pinansin si Fely dahilan upang makatakas ang babae. Tumawag siya ng tulong sa staff ng hotel pati na rin ng ambulansya at medical personnel sa pinaka malapit na ospital. "Aaaaah!" Ilang saglit pa'y muling sumigaw si Ardel. He can see the pain. Naaawa siya sa kanyag kapatid.

"Kuya saglit lang parating na ang mga 'yon. Tangna sabi ko dalian nila eh." Hindi na rin siya mapakali. Hanggang sa hindi na siya nakapaghintay pa. Hindi niya alintana kung mabigat man si Ardel. Binuhat na niya ito. Alam niya kasing hindi ito makakalakad at namamalipit pa ito sa sakit. Buong lakas niyang itinakbo sa elevator ang kanyang kapatid. Kahit sa loob ay humihiyaw ito sa sakit. Napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat. Parang ito ang mas bata sa kanila na walang kalaban-labang humihingi ng tulong.

"Kuya malapit na..." sambit niya habang pinagmamasdan ito. Hindi na niya napansin na may luha na palang pumatak sa kanyang mga mata.

Pagbukas ng elevator sa baba ng hotel ay sakto namang pagdating ng mga medical staff na tinawagan niya.

"Iligtas niyo ang kuya ko! Gawin niyo ang lahat!" Bilin ni Arwynn. Sumama siyang sumakay sa loob ng ambulansya. Nanginginig niyang sinabihan ng nangyari ang matalik na kaibigang si Aimee. Alam niyang kasama nito sa bridal shower ang fiancei ni Ardel na si Sarah. Pinarating na rin niya sa ama at sa kanilang mga ina ang nangyari.

Sa labas ng operating room siya naghintay pagdating sa ospital. Unang dumating ang kanilang ama na si Arwynn Sr kasunod ng kanilang mga ina. Agad siyang inusisa ng mga ito sa nangyari.

Ilang sandali pa ay sina Aimee at Sarah na ang sumunod na dumating. Siya ang diniretso ni Sarah upang bigyan ng isang malutong na sampal.

"How dare you?! Gago ka talaga! You are an asshole from then till now! Paano mo nagawang magpatabi ng babae sa kuya mo?! Alam mo namang ikakasal na siya! Wala ka talagang kwenta!" Isang masakit na paratang at panghuhusga ang natanggap niya mula sa fiance ng kanyang kuya. Basang-basa na ang pisngi nito sa luha.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon