CHAPTER TWENTY TWO

685 9 1
                                    

Hello Dearest,

It's my birthday and I still want to share something to all of you kaya naman tuloy pa rin ang weekly updates natin! Mahal ko kayo eh! Yun oh! Enjoy reading!

Youtube update:
Dahil dyan! Birthday monologue vlog po ang handog ko sa inyo sa aking Youtube channel. Ano nga ba ang greatest gift na pwede nating ibigay para sa ating sarili? Alamin! Sana po ay mapanuod ninyo at higit sa lahat ay makapag-subscribe kayo! May perks po ang mag-subscribe! Promise! Hehe! Maraming salamat po!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Twenty Two

Pansamantalang umalis si Arwynn sa kanilang tinutuluyan hindi para sukuan si Aimee ngunit para gumawa ng paraan upang magkasundo na ulit sila. Nagpunta siya sa bar ng resort. Humingi siya ng tulong sa banda saka sila bumalik sa kanilang tinutuluyan.

Nag-set up sila sa sala. Pinuno niya iyon ng lobo at mga bulaklak. Halos maubos na ang mga nakalaang lobo, bulaklak at iba pang pang-dekorasyon ng resort at pinilit pagkasyahin ang lahat ng iyon sa maliit na sala. Wala ring ensayo pang naganap. Kasama ang dalawang gitarista ng banda at ang main singer nito na gagawin niyang back up sa singer sa pagkakataong iyon ay hinarana ni Arwynn si Aimee habang nasa loob pa rin ito ng kwarto.

Nagsimulang tumugtog ang nga gitara.

Kahit ikaw ay magalit
Sa'yo lang lalapit
Sa'yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na

Tatakbo, tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip ang lahat ng ito

O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
'Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?

Kahit sintunado ay inawit ni Arwynn ng mula sa puso ang kanta. Ilang sandali pa ay lumabas na si Aimee ng kwarto.

"Aimee..."

"Arwynn..."

"Aimee I'm really sorry. Sabi nga ng kanta kahit ayaw mo na iibigin pa rin kita." Saka siya lumuhod sa harap nito.

"Huy Arwynn para kang tanga tumayo ka nga dyan!" lumapit ito sa kanya saka siya sapilitang pinatayo. Hindi naman siya natinag sa pagkakaluhod.

"Alelele!"

"Ayun oh! Bati na yan!"

Umani sila ng panunukso at pangangantsaw sa mga taong naroon.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako pinapatawad at sinasabihang mahal mo ako. Mahal mo pa rin ako at hindi 'yon nagbabago." kinuha niya ang mga kamay nito at tinangan iyon ng mahigpit.

"Pinatawad na kita. Mahal na mahal kita. Hindi ako aayaw. Hindi magkakatotoo ang kanta. Sabay tayong tatakbo, tatalon at isisigaw ang pangalan ng isa't-isa hanggang sa dulo."

Saka siya tumayo at niyakap ito ng mahigpit. "I love you more Aimee. Believe me I can't do that to you. Nagbago na ako. Noong minahal kita alam ko iba na ako at masaya ako sa pagbabagong iyon." Then tears fell. Tears of happiness and sincerity for the woman he love.

"I believe you. Actually, narinig ko ang usapan niyo ni Sarah kanina. Lalabas na nga sana ako ng kwarto eh kaso bigla kang umalis. Tapos narinig ko ang ingay niyo na rito sa labas kaya ayun nag-stay nalang ako sa loob. Pero naniniwala na ako sayo Arwynn. I'll never doubt you anymore. I'm so happy for the love that you finally gave me. Hindi ako makapaniwalang iiwas ka na sa mga babae. Hindi ako makapaniwalang ako nalang ang nasa puso't isipan mo." tuluyan na ring pumatak ang luha sa mga mata ni Aimee.

Saka muling nagsimulang magpatugtog ang banda. Sa pagkakataong ito ay ang main singer na ng banda ang kumanta.

Ako'y sayo, ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Ayokong mabuhay nang malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina tayo'y humiga (san kaya?)

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Habang tila pinapatahan ang isa't-isa ay sumabay sila Arwynn at Aimee sa saliw ng musika. Magkayakap silang umindayog. Dinama ang magkadikit nilang dibdib na sinisigaw ang isa't-isa.

..........

Sa isang banda ay yayanigin si Sarah ng mga susunod na mangyayari. Nag-text sa kanya ang kaibigang si Mylene . Call me ASAP. Saka naman tumawag si Emil, ang head ng security kung saan pinasundan niya ang babaeng nanggulo kina Arwynn at Aimee.

Minabuti ni Sarah'ng sagutin na ang tawag ni Emil dahil naroon na rin naman iyon. Wala sa isip niyang baliwalain si Mylene. Plano niyang tawagan ito pagkatapos na pagkatapos kausapin ang isa.

"Hello Emil. Ano'ng balita?"

"Ma'am Sarah. Nagpunta po sa police station ang babae. Sa police station po na may hawak ng kaso ng asawa ninyo." tugon ng lalaki sa kabilang linya.

"A-anong ginawa niya dyan?"

"Nagbigay po siya ng statement regarding po sa kaso ng asawa ninyo." - Emil.

"Statement? Malalaman po ba kung anong mga sinabi niya?" she asked curiously.

"Sorry po ma'am. Ayaw pong sabihin sa akin ng mga pulis dito eh. Confidential daw po. Hindi po kasi talaga ako investigator kaya hindi ko po mabraso kung ano yung naging statement."

"Sige po. Salamat Emil huh? Sundan mo pa rin ang babaeng yan."

"Sarah." Pagkababa niya ng phone ay narinig niya ang boses ng asawang si Ardel.

"Ardel? Kanina ka pa ba nandyan?" tanong niya rito. Nakaligtaan niya tuloy tawagan si Mylene.

"Hindi naman. Pero may mahalaga kang kailangang malaman." seryoso ang tono ng boses nito.

"Ano 'yon?"

"May witness na pumunta sa police station at nagbigay ng statement regarding sa kaso ko."

Iyon ang babaeng pinapasundan ko. "Ano raw ang sabi?" bigla siyang kinabahan.

"Si Mylene daw ang utak sa lahat ng ito."

"Ano?!"

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon