I. Si Bea

1.6K 57 17
                                    

Inulit ulit ni Bea ang pagkaway sa mata ni Jacob para mapansin lamang siya. Tumingin pa siya sa likod niya para malaman kung sino o ano ang dahilan kung bakit nakatulala ang kanyang bestfriend. Pag lingon niya nakita niya si Kyla. Lihim na nainis siya sa nakita. Hinawakan niya si Jacob at isang iglap pa..


"Ang labo naman eh!! Palapit na siya sa akin eh" ang reklamong sabi ni Jacob sabay tayo at lumingon lingon sa pwestong pinanggalingan nila.

"Ay sorry agad may tumulak kase sa akin kaya napahawak ako sayo, alangan namang magpauntog ako sa sahig diba?" Ang palusot na sabi ni Bea

"Yang powers mo ha nadadamay pati love life ko ha!! Nakakainis na" sabi ni Jacob sabay tinungo ang hagdan ng pababa mula sa 5th floor ng building kung saan siya dinala ni Bea


Nauunang naglalakad si Jacob nang mapatigil siya sa paglakad.


"May multo?" Ang sabi ni Bea sa sarili nang mabasa niya ang nasa isip ni Jacob.


Lumapit pa siya para magtanong. Namumutla na si Jacob habang nakatulala.


"Bakit?" Ang mabilis na tanong ni Bea sa kanya


Mabilis na yumakap si Jacob kay Bea, napakahigpit.


"UMALIS KAYO ALIS KAYO" Ang papaiyak nang sabi ni Jacob habang nakatago ang ulo sa katawan ni Bea.

"Bakit anong meron?" Ang tanong ni Bea na kunwaring walang alam

"Alis na tayo please. Magteleport ka na parang awa mo na" ang sabi ni Jacob na takot na takot


Pinili ni Bea ang simbahan para mapayapa ang takot na takot na Jacob. Pilit binabasa ang isipan ngunit wala siyang mabasa. Mahigpit pa din ang yakap ng kanyang kaibigan sa kanya. Damang dama niya ang resulta nang pag jigym nang kaibigan ang halos pahubog nang mga abs at ang katigasan ng mga muscles nito.


"Wag ka nang umiyak, ang laki nga ng katawan mo iyakin ka naman ano ka ba?" sabi ni Bea na inalis na ang kamay sa pagkayakap kay Jacob


Tumingin na si Jacob sa paligid at dahan dahang inilayo ang katawan kay Bea.


"Ano ba kase yun?" Sabi ni Bea sabay tingin sa kaibigan

"Macho ba ako? Nakahokage ka na naman sa katawan ko no!?" Sabay hawak sa ilalim ng pisngi ni Bea at tinitigan nang mabuti sa kanyang mata.

"Ay loko to ah!" Sabay tanggal sa kamay ni Jacob

"Hahahahha! Maiinlove na ba si Kyla sa akin?? hahahahahahaha" ang matunog na tawa ni Jacob sabay kurot sa pisngi ni Bea

"Asa ka pa!" ang nayayamot nang sabi ni Bea sa kaibigan


Nang asar pa lalo si Jacob sa kanya kaya nag taray taray na si Bea sa kanya pero ang totoo natutuwa siya sa pinag gagawa nilang dalawa.

Magkakabata sila Bea Garcia at Jacob Reyes. Sobrang mahiyain si Bea kaya si Jacob lamang ang naging kaibigan niya simula nung bata pa sila. Takot magpakita nang tunay na nararamdaman ngunit napa kabilis maasar kaya tuwang tuwa si Jacob na asarin siya. Masungit at mataray si Bea ngunit ayaw na ayaw ni Jacob humiwalay sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit panatag siya kay Bea sa tuwing may nakikita siyang di nakikita nang ordinaryong tao. Si Jacob lang din ang nakakaalam nang superpower ni Bea na natuklasan lang din nila nung sila ay bata pa. Normal na sa dalawa ang eksenang nanyayare. Isip bata si Jacob, matulungin at sobrang sweet. Nasa 1st year college na sila ngayon. Lumaking maganda si Bea na tama ang taas, may mahabang buhok at biniyayaan nang sexy na katawan. Yun ang dahilan kung bakit nagpalaki nang katawan si Jacob at ngayon ay meron na siyang pinapangarap na abs.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon