XIX.xxxv. Tunay na Pagmamahal

210 19 0
                                    


Sa Mall


"Paano ba umakyat nang rooftop?" Sabi ni Bea

"Rooftop ng mall, baka lubog din ito tubig?" Sabi ni Gab


Muli silang nag lakad paakyat.


"Hindi mo ba kayang mag teleport papuntang roof top?" sabi ni Gab na napapagod nang lumakad

"Kanina ko pa sana ginawa kung pwede lang!" Pagtataray nito

"Bakit di mo kaya?"

"Kapag di ko pa nakikita di ko pa kayang puntahan"


Nakarating sila sa rooftop. Sa unang pagkakataon nakita nila ang kapangitan nang paligid.


"Kaya mo pa bang manatili sa lugar na ito?" sabi ni Gab

"Tignan mo ang kalangitan." Sabi ni Bea

"Anong meron?" sabay tingala

"Ibang iba ang langit dito, doon sa langit sa isla" Di masabi ni Gab ang pinagkaiba nang langit sa isla at sa langit na tinitignan niya ngayon.

"Bea!!" sigaw ni Gab nang biglang nawala ito.


Di nagtagal sumulpot muli siya at kasama na si Angel. Mabilis na ginawa ni Angel ang hiling ni Bea sa kanya dahil kailangan niyang makabalik sa isla para protektahan ang ibang kaibigan.


"Wow! Helicopter?? Para saan ito?" tanong ni Gab

"Tara sakay!" hila ni Bea kay Gab

"Teka di ako marunong magpalipad niyan!" pigil ni Gab

"Oh sige maiwan ka diyan" sabay sakay ni Bea


Humabol si Gab kay Bea at sumakay na din


"Marunong ka bang magpalipad nito?" tanong ni Gab at umupo sa likuran

"Hindi!" sabay ngiti nito.

"Wala akong maintindihan kung bakit mo ginagawa ito!" sabi ni Gab

"Kahit ako di ko din maintindihan kung bakit ko ginagawa ito, pero sinusunod ko lang ang puso ko" nakangiting sabi ni Bea.


Maya maya pa ay umaangat na sila. Di na nila kinailangan nang mag papalipad nito dahil sa powers ni Bea napaandar niya ito.


"Parang sobrang taas na natin" sabi ni Gab na humawak sa kamay ni Bea

"Baka kase kulang pa ang taas natin eh!" sabi ni Bea

"Kulang saan? Gaano ba kataas dapat?"

"Hindi ko din alam eh!"


Pataas pa nang pataas ang helicopter nila.


"Jacob malapit na kitang makita! Malapit na tayong umuwi! Tutuparin na natin ang lahat nang pangarap natin" sabi ni Bea sa kanyang sarili habang nakatanaw sa ibaba.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon