"Ate Angel" tawag ni Gab sabay taas sa napulot niyang kahoy
"Bakit?"
"Gawin mo namang sulo ito"
Maya maya ang mga sulong pinagawa ni Gab ay inalagay niya sa bawat gilid nang pwestong titigilan nila. Kumuha si Angel nang tatlong bato.
"Woooowwww!" Sabi ni Kyla nang maging tent ang 3 bato
"Bea tabi tayo ha" sabi ni Gab kay Bea
"Ah eh ih" ang nabiglang sabi ni Bea
"Oo tabi kayo ni Clobie" masamang tingin ni Jacob kay Gab
Ang mga bato ay naging lutuan. At nagsimulang magluto sila Angel at Kevin.
Nahiga muna si Zach sa isang tent Nasa ilawan naman sila Bea, Jacob, at Gab
"Totoong pagkain dapat ang iluluto natin hindi pede yung iniisip mo" sabi ni Angel
"Kailan matatapos ito? Di ko alam kung bakit nanyayari ito" nakasimangot na sabi ni Kevin
"Sama sama naman tayo dito anong kinalulungkot mo?" Muling tingin ni Angel sa kanya
"Natatakot ako! Baka maulit yung aksidente sa atin"
"Nandito ako Kevin! Kung pangungunahan mo nang takot ang sarili mo wag mo na akong kausapin" naiinis na boses ni Angel
"Angel" tawag ni Kevin sa papalayong si Angel
"Ikaw magluto!" sabay alis ni Angel na naiinis.
Naglakad lakad siya palayo nang tent.
"Nakakainis siya! Masyadong naaapektuhan sa nanyayari! may isip naman ang lahat ng tao dito ah" bulong ni Angel
"Oh Angel my dear! kumakain na kami doon eh wala ka kaya hinanap kita" sabay abot sa pagkain
"Wala akong gana" sabi ni Angel
"Ay sumasakit ba tiyan mo?" sabay tingin sa mga batong nasa harapan nila "Gagawa ka ba nang cr dito?" Napatingin si Angel kay Kyla "Gawa ka na para makaligo na din ako" sabi muli ni Kyla
"Masakit ba tyan mo?" ang biglang natanong ni Angel
"Hindi pa nga eh! sige una ka na babantayan kita" kaswal na sabi ni Kyla
Nangiti si Angel sa loka lokang si Kyla.
"Akin na nga yan! Si Kevin nagluto nito diba?" tumingin muna sa bato at ginawa niyang upuan"Umupo ka"
"Ay salamat naman"
Natahimik ang dalawa
"Natatakot ka ba?" tanong ni Angel kay Kyla habang sinusuklay ang buhok
"Bakit ako matatakot eh ang galing galing nang weird and crazy groups na ito"
"Hmmm" Napaisip si Angel at naalala ang lahat nang nanyare sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/90588552-288-k332143.jpg)
BINABASA MO ANG
THE TREASURE
AvventuraPinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...