XIII. Isang Pangako

295 23 1
                                    

Nakapikit si Kyla habang hawak siya ni Kevin at lumalangoy sila. Nag aalala si Angel dahil sa biglang pagkawala nila Bea. Palalim na nang palalim ang nilalangoy nila at nahihirapan na ding huminga. Itinuturo lang ni Zach kung saan sila pupunta. Maya maya ang payapang tubig ay gumalaw. Dire diretso ang nahuhulog na katawan nang tatlo dahil na rin sa pwersang nag bagsak sa kanila sa tubig na yun. Hindi pa nakakaporma sa pag langoy sila Bea may malakas natila ipo ipong tumulak sa paligid nang tubig at pinagsama sama silang 7 sa gitna nang buhawi sa tubig at hinampas sila sa maliit na pasukan na may hangin.

Idinilat ni Kyla ang mata nang makahinga na siya

"Am I alive!?" sabi niya sa mga kasamahan niyang nilalamig.

"Anong nanyari!" Ang nasabi na lang ni Zach

"May nag hampas sa ating lahat sa lugar na ito" sabi ni Angel

Liwanag lang mula sa buwan ang nagsisilbing tanglaw sa lugar na yun.

"Hala dali Angel pagalingin mo muna si Gab." Sabi ni Jacob sabay alis nang pagkatali sa mga kamay at paa niya

"Anong nanyari sa kambal ko!?" Sabi ni Kevin na lumapit sa kapatid

Inalis ni Jacob ang ginawang compress sa sugat ni Gab. Napaatras si Kyla sa nakita.

"Ohh my bones!" Sabay lapit kay Zach na sinisipat ang lugar.

Maya maya pa dumilat na si Gab. Hindi lang siya gumaling, nanumbalik agad ang lakas niya. Mabilis siyang niyakap ni Kevin. Napatingin siya sa kamay niya wala na ding pilay. Naalala niya bigla si Bea nang sumulpot ito sa harapan niya para tulungan siya.

Tumingin siya sa nakaupong Bea. Hawak si Clobie.

Hinanap si Jacob na sa unang pagkakataon ay wala sa tabi niya.

Lumapit si Gab kay Bea.

Napaatras nang tumahol si Clobie. Basang basa si Bea at hapit na hapit pa ang basang damit sa katawan niya. Nakikita ang kasexyhan niya kaya lalong tumibok ang puso ni Gab. Tumayo si bea at inabot si Clobie kay Angel

"Hala ok ka na ba!?" Pagaalala ni Bea sabay hawak pa kamay niya.

Umupo si Gab at tinabihan naman siya ni Bea.

"Salamat ha!" nahihiyang sabi ni Gab

"Kahit sino gagawin yun! Ano pa at naging magkaibigan tayo!" Masiglang sabi ni Bea sa seryosong mukha ni Gab

"Kaibigan lang ba talaga!?" tanong ni Gab at humawak sa dalawang kamay ni Bea Hindi sumagot si Bea. "Mahal na mahal kita" niyakap ni Gab si Bea

Humihiling si Bea na sana di sila makita ni Jacob sa ganung posisyon. Naramdaman din niya na malungkot ito kaya yumakap din siya dito.

"Im sorry!" Sabi ni Bea nang may mainit na tubig na tumulo sa leeg niya.

Muling humawak si Gab sa dalawang kamay niya at ngumiti.

"Wala kang kasalanan. Di ko pinagsisihan na mahalin ka."

"Pero may nagagawa ako na nasasaktan ka" yumukong sabi ni Bea

"Hindi! Wala kang ginagawang masama. Ginusto ko ito! Kasalanan kong lahat ito! Napaibig mo ako kahit napaka sungit mo sa akin! Kahit nagtataray ka palage sa akin! Minahal kita kase ikaw yan!"

"Pero alam mong...."

Inilagay ni Gab ang isang daliri sa bibig ni Bea

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon