VI. Mga Lihim

311 25 1
                                    


Nanonood nang tv si Kevin matapos ang malakas na lindol. Habang nanonood nakikita niya ang kabundukan, bulkan at mga anyong tubig na tila nagwawala sa galit.


"Natural na may maganap pang natural phenomenom sa ibat ibang lugar dahil sa hiwa hiwalay na lindol. Anong kinatatakot nang mundo?" sabi niya sa kanyang sarili pero napatingin siya sa estante kung saan nandun yung libro.


Tumayo siya at kinuha yon. Sa unang pag kakataon kinabahan siyang basahin yun dahil may naalala siya.


"Hindi kayang marating nang naglalakbay sa isang iglap ang nakalaang lugar para nakakakita nang di makita. Ngunit kaya niyang makarating sa nais niyang puntahan saan mang sulok nang mundo o nang daigdig. Kahit kailan di niya kayang pasukin ang nakalaan sa natatangi" nagkamot nang ulo si Kevin "Hindi ko na talaga ito maintindihan."


Naglabas nang tubig siya mula sa kanyang kamay.


"Ikaw na may kapangyarihan nang tubig ang nakalaang gumamit nang makapangyarihang sandata na gawa sa busilak na puso. Ang kapangyarihan nang tubig ang kasalag nang natitirang 9 na kapangyarihan. Ipunin mo silang lahat dahil ang hudyat ay nagsimula na" nainis si Kevin at napamura at mabilis na binasa ang librong hawak niya. "Anong siyam pa?"


Tumayo siya at iniwan ang libro.

Nagising si Jacob dahil sa isang tinig. Nakita niya ang natutulog na Bea sa kanyang bisig. Tumingin lang siya dito ngunit patuloy niyang naririnig ang tinig na tinatawag siya. Nakakaramdam siya nang takot ngunit wala naman siyang nakikita kaya nakokontrol niya ang kanyang takot.


"Nasa tabi ko ang asawa ko wala akong dapat katakutan" bulong niya sa kanyang sarili

"Paano kung paghiwalayin ko kayo?"

"Sino ka?"


Kakahintay ni Jacob na muling marinig ang tinig niyakap niyang mabuti si Bea. Nag react ang katawan ni Bea sa higpit nang yakap niya. Nagising si Bea.


"Hindi tayo maghihiwalay, hindi kita hahayaang mag isang umiiyak nang dahil sa akin" sabi ni Jacob sa nakapikit pang si Bea sabay lapit nang labi niya sa labi ni Bea.


Hinalikan ni Jacob si Bea sa labi. Ngunit di tumugon ang labi ni Bea dahil tulog siya. Nangiti lang si Jacob.


"Humahalik ako sa asawa kong natutulog. Hanggang ngayon ba di ka pa ready? Jacob na ito Bea!" Bulong ni Jacob sa yakap niya.


Gumalaw si Bea at sapul ang mukha ni Jacob. Tumalikod si Bea.


"Gising ka ba?" Hinarap ni Jacob ang katawan ni Bea, nakita niyang tulog ito. Niyakap niyang muli si Bea.

"Sa akin ka lang ha? Akin ka lang." Sabi ni Jacob sabay pikit

"Nakakainis ka talaga" sabi ni Bea sa kanyang isip at natulog na din.


Tatlong araw na lang at mag cecelebrate na sila nang birthday nang mommy nang kambal. Pupuntahan na lamang nilang lima ang lugar kung saan hinihintay sila nang mommy nila.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon