III. Si Zachary

406 33 2
                                    

"Wifey salamat sa pag daan sa hospital kanina" sabi ni Kevin nang maihatid na niya si Angel sa bahay nila.


Mabilis na tumungo si Angel sa kanyang kwarto. Kinuha ang celphone at inooff. Binuksan ang mp3. At kumuha nang kutsilyo.


"Tama ba itong gagawin ko?" Sabi ni Angel sa sarili. "Photograph song no. 12, 9:26pm"


Maya maya sinugatan ni Angel ang kanyang sarili. Madaming dugo ang lumabas, tila mahihimatay pa sa daming dugong nakikita. Napapasigaw siya sa sakit na walang boses. Pumikit si Angel pag mulat, nag simula siyang titigan ang kanyang sugat. Unti unti nakikita niyang naglilihom ang kanyang sugat. Wala siyang naririnig sa kanyang paligid pero nakikita niya na umaandar ang kanyang mp3 na nasa no. 89 na at ang kamay nang orasan ay ang bilis nang pag ikot. Tumingin ulit siya sa kanyang sugat malapit nang mawala ang peklat. Di pa nagtagal nakita na niyang wala na siyang sugat. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay at paningin sa kanyang sinugatang kamay. Pumikit ulit at muli niyang narinig ang kantang photograph. Dumilat siya 9:27pm ang nakita niya sa kanyang orasan. Ngumiti siya. Kunuha ang kanyang celphone at tinurn on ito. Sunod sunod ang message na dumating sa kanya.


"Ang hubby ko 1minuto lang ang lumipas naka 9 na message na agad." Sabi ni Angel sabay higa sa kanyang kama at nagsimulang mag replay.


Pumunta si Jacob sa kwarto ni Bea.


"Sino kausap mo?" sabi ni Jacob nang makitang may kausap si Bea sa celphone

"Uso katok!" sabi ni Bea sabay hampas sa mukha ni Jacob


Humiga si Jacob sa kama ni Bea at may itinaas na undergarmet! Mabilis na hinatak yun ni Bea sabay hinampas pa kay Jacob


"Lumabas ka nga nkakainis ka talaga!" sabi ni Bea


Sabay hatak sa katawan ni Jacob para tumayo sa kama, di din namalayan ni Bea na nabitawan na nya ang kanyang celphone. Tawa nang tawa si Jacob sa itsura ni Bea at pilit na inaagaw ang undergarmet sa kamay ni Jacob.


"Hahaha sexy mo na sana eh! burara ka naman" sabi ni Jacob na umiiwas iwas pa sa paghataw ni Bea sa kanya

"Baka nakakalimutan mo kwarto ko ito! ako ang bahala sa gamit ko" pagtataray ni Bea sabay tulak sa katawan ni Jacob para maihulog niya sa kama


Dahil sa kakatawa ni Jacob nanlambot sya kaya nahulog nga siya. Nang mahulog si Jacob humiga na si Bea at kinapa ang celphone kung saan man ito nahulog. Tumatawa pa din si Jacob nang aktong tumatayo na sya para lumabas nang kwarto. Di pa nagtatagal napatalon si Jacob sa kama ni Bea na syang ikinagulat nito. Mabilis syang yumakap dito at nagtalukbong pa nang kumot. Sa taka ni Bea napasilip pa siya sa nkatalukbong na Jacob.


"May nakikita ka na rin ba dito sa bahay?" tanong ni Bea na natakot na din dahil namumutla sa takot si Jacob at hindi ito nag sisinungaling

"Asan sya?" sabi ni Bea na natatakot din


Inalis ni Jacob ang talukbong sa mukha at laking gulat ni Bea nang sumigaw patayo at naiiyak na sa takot. Mabilis na nabasa ni Bea na nakaupo sa tabi niya ang lalaking nakikita ni Jacob kaya napahabol siya kay Jacob at mabilis silang nagteleport sa roof top nang kanilang bahay. Mabilis na yumakap si Jacob kay Bea at umiyak nang tila batang takot na takot. Natatakot din si Bea dahil yun ang unang pagkakataon na may naligaw sa bahay nila at tinabihan pa sila

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon