XXIV. Ang Kapangyarihan ni Angel

167 15 1
                                    


Unti unting nalulusaw ang mga yelo sa kanilang katawan.

(Flashback nang usapan nila sa kweba)


"Wala kang kasalanan. Di ko pinagsisihan na mahalin ka."

"Pero may nagagawa ako na nasasaktan ka" yumukong sabi ni Bea

"Hindi! Wala kang ginagawang masama. Ginusto ko ito! Kasalanan kong lahat ito! Napaibig mo ako kahit napaka sungit mo sa akin! Kahit nagtataray ka palage sa akin! Minahal kita kase ikaw yan!"

"Pero alam mong...."


Inilagay ni Gab ang isang daliri sa bibig ni Bea


"Ssshhh! Kahit ramdam ko na nakalaan ang pagmamahal mo kay Jacob sana hayaan mo na lang mapagod ang puso ko na mahalin ka! Di ko na ito mapigilan" sabay hawak sa puso niya

"Pero.. nasasaktan kita!" pigil ni Bea

"Kung darating ang ibibigay na pagkakataon nang Diyos sa ating dalawa.. sisiguraduhin kong di ka na muling iiyak pa!" Humalik si Gab sa kamay ni Bea at iniwan na siya sa pagkaupo doon


"Gab" malungkot na sabi ni Bea


Pinawi ni Jacob ang luha ni Bea


(Flash back nang usapan nila nung nakatalukbong si Bea)


"Mahal na mahal kita pero bakit wala akong magawa para mawala ang sakit na nararamdaman mo?" Bulong ni Gab kay Bea


Nagulat si Bea sa tinig ni Gab. Di niya alam kung lilingunin ba niya si Gab o hindi. Maya maya pa ay naramdaman niyang hinawakan siya nito sa kanyang balikat.


"Alam ko mahal na mahal mo si Jacob, nandito naman ako bilang kaibigan mo, kahit mahirap, pagagaanin ko loob mo, nahihirapan na din kase akong makita kang ganyan! At alam ko ayaw ni Jacob na umiiyak ka nang dahil sa kanya."


Lalong bumuhos ang luha ni Bea. Nakagawa siya nang malakas na pag hikbi.


"Hayaan mong yakapin kita" sabi ni Gab at yumakap siya sa nakatalukbong pa ding si Bea


Mas naririnig na ngayon ni Gab ang pag iyak ni Bea. Namumuo na din ang mga luha ni Gab sa umiiyak na si Bea.


"Hindi ako nakatingin, umiyak ka lang! Nasa tabi mo lang ako!" Dugtong ni Gab


"Hanggang sa dulo pinorektahan ako ni Gab!" Umiiyak na sabi ni Bea


Niyakap siya ni Jacob


(Flash back nang pag-uusap nila sa Mall)


THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon