XXV. The Treasure (Ang Kayamanan)

219 15 4
                                    


Iniwan ni Jacob ang dalawa. At mabilis na tumungo sa pwesto nang Punong Hari.

(Translation in our language)


"Mahusay ang ginawa mo Jacob!" Sabi nang Punong Hari

"Simulan na natin! Gusto ko nang makabuo nang mundo ko" sabi ni Jacob


Nagsimula ang seremonya nang Punong Hari. Pinagmasdan mabuti ni Jacob ang ginagawa ng Punong Hari. Hawak hawak pa din ni Jacob ang kanyang espada. Tumitingin din siya sa direksyon nila Bea.

Muling tumingin si Jacob sa kanyang espada.


"Bilisan mo Asawa ko! Kyla bilisan mo baka maging huli ang lahat!" Ang naiinip na sabi ni Jacob sa kanyang isipan


Tila nahuhulog sa isang madilim na kawalan si Bea. Nais niyang sumigaw ngunit walang boses. Nais niyang isigaw ang pangalan ni Jacob. Pumikit siya at hinayaan niyang mahulog na lamang sa kawalan. Di nagtagal lumiwanag ang madilim na lugar.


"Bea! Bea" Dinilat niya ang kanyang mata nang marinig ang pamilyar na boses.


Maliwanag at nag niningning na kulay puti na pilit siyang inaabot sa pag kakahulog.


"Angel!?" ang sabi ni Bea na may boses na


Biglang dumilat ang mata ni Bea nakita niya si Kyla na nakatingin sa kanya


"Girl ang tagal mong magising! Grabe ang pagkasaksak ni Jacob sayo ang tagal maghilom nang sugat mo!" Bulong ni Kyla na tila iniiwasang wag marinig nang mga nilalang.

"Si Angel!" Sabi ni Bea

"Oo ang galing ni Angel diba! Nag anyong molecules para makaalis sa pagkabalot sa ugat at nag anyong espada!" Manghang sabi ni Kyla

"Sinabi ni Jacob sayo?" Tanong ni Bea kay Kyla nang mabasa niya ang isipan nito

"Oo bago niya ko sinugatan! Sabihin ko daw sayo pag nagising ka na!"


Napatingin sila Kyla at Bea sa direksyon ni Jacob nang makaramdam sila nang lamig at init.


"Si Clobie!" Ang napabangong sabi ni Bea

"At ang kamay ni Gab!" Sabay turo sa nakabalot na tela.


Napatingin si Jacob sa direksyon nila Bea.


"Asawa ko basahin mo isipan ko pls.!" Sabi niya sa kanyang isipan

"Bilisan daw natin!" Sabi ni Bea.

"Dito tayu" sabi ni Kyla


Naglakad palayo sila Bea. Tinungo ang lugar kung nasaan si Clobie


"Angat na angat si Jacob sa mga gintong hari!" Sabi ni Kyla

"Hanggat hawak ni Jacob si Angel hindi masisira ang pusong tao ni Jacob!" Sabi ni Bea.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon