XVI. Puso Ang Aking Sandata

240 20 1
                                    


Nagsiupo ang lahat sa loob nang tent


"Anong meron?" tanong ni Bea, ipinakita ni Kevin ang isang libro.

"Ano yan?" tanong ni Zach

"Oh the book na last time nabasa?" sabi ni Kyla

"Oo pero tignan ninyong mabuti!" sabi ni Angel lahat ay tumingin.

"Gab bakit mo naman sinusunog yan?" tanong ni Zach sabay tingin sa kanya

"Hala! Wala akong kasalanan dyan!" Tanggi ni Gab

"Nauupos ang libro dahil binago ni Jacob ang nakasulat dito!" sabi ni Angel

"Si Jacob? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Zach

"Kung nakita ni Bea sa alaala nang mga nakakatakot na nilalang yun si Clobie ibig sabihin may isang lugar lang kung nasaan sila Jacob" Paliwanag ni Kevin

"At sa pamamagitan nang alaala nang mga nilalang na makikita natin dito, malalaman natin kung nasaan sila Jacob!" dugtong ni Angel

"Angel? Kaya ko bang makarating sa lugar na yun?" seryosong tanong ni Bea

"Makakaya mo para kay Jacob!" sabi ni Angel

"Kapag nakapunta na tayo kay Jacob ano nang mangyayari? Makakauwi na din ba tayo sa mga bahay natin?" tanong ni Kyla "

"Sabi ni Jacob pag natapos ito sabay kaming uuwi!" malungkot na sabi ni Bea

"Ako din gusto ko nang makauwi" sabi ni Zach

"Kung gusto nating makauwi! Ito lang ang way! Ang makipagsapalaran!" sigaw ni Kevin


Natapos ang tila pagpupulong nila. Lumabas silang may ningning ang mukha.

Pinagsama sama ni Bea ang mga tent sa gitna gamit ang kanyang kapangyarihan. Maya maya itinaas na ni Angel ang kanyang daliri. Naaaliw si Kyla sa pag buo nang bago nilang bahay. Sabay sabay silang pumasok at inayos ang mga bagay na ginagawa ni Angel. Naglagay na din nang matinong ilaw para maging maliwanag. Napapangiti na din si Bea sa ginagawa nilang pag hahanda at napapadalas ang pag akbay ni Gab sa kanya. Napapansin nila ang ginagawang pag aasikaso ni Gab kay Bea. At si Zach naman ang nasasaktan.

Sa di kalayuan nang kanilang ginawang bahay may ginawa silang maliit na kubo. Pagawaan nang kanilang sandata. Dahil tinutukoy ang mga sandatang gawa sa kapanyarihan nang apoy at tubig sa pamamagitan ni Angel ay makakabuo sila nang kanilang sandata. Wala silang ideya sa makakaharap nila kaya minabuti nilang protektahan ang bawat isa.

Mga nakadapa sa bagong kutson ang anim habang naglilista nang kanilang kukunin sa mall.


"Baril ang gusto ko! Natataranta kase ako kapag nandyan na sila, ayaw kong laging nag iimbisible gusto ko may fight fight din!" sabi ni Kyla

"Sa akin pana kase nakikita ko na sila malayo pa lang!" sabi naman ni Zach

"Katana sa akin!" sigaw ni Bea na nagtaas pa nang kamay hawak ang ballpen na pinasusulat niya nang mga kukunin nila sa mall

"Bakit naman katana?" pagtataka ni Gab

"Astig lang na astigan kasi ako nun nung kay michonne" nakangiting sabi ni Bea sabay naalala si Jacob habang nanonood sila ng The Walking Dead

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon