Mas nasaktan si Gab sa pagbasak ni Bea. Tinignan niya ito pero hindi gumagalaw.
"Angel!" sigaw ni Gab
Napatingin si Angel kay Gab
"Angel!" sigaw ni Zach
Tumingin din si Angel sa kanya
"Wifey!" tawag ni Kevin habang hawak ang libro
Sa direksyon naman ni Kevin siya tumingin.
"Angel Angel!" sigaw ni Kyla mula sa labas
Napalabas ang lahat ngunit naiwan si Gab sa loob
Natulala silang lahat sa nakita nila. Mga silver na kawal ang biglang nawawala. At biglang nasa harapan na nila.
"Doon Kyla" sigaw ni Zach sa wala namang nakikita
"Huh saan!?"
"Bumaril ka na!" sabi niya
Ipinutok naman ni Kyla at lumabas ang silver na kawal
"Yung isang baril gamitin mo!" sigaw ulit ni Zach sabay kuha sa dalawang magkaibang kulay napalaso at tira sa kawalan ngunit may tinatamaan naman siya.
"Sabay mong iputok yung mga baril mo" sabi ni Zach
"Ang dami nila wala na akong bala" sabi niya
Hinawakan ni Zach si Kyla at pumasok sila sa bahay. Nakita nilang niyuyugyog ni Gab si Bea na kanina pang di nagigising. Lumapit si Zach sa dalawa.
"Bakit anong nanyayari kay Bea?" sabay hawak sa ulo niya
"Hindi ko alam!"
"Ang init niya!"
"Si Angel nasaan na siya?"
Lumabas na si Zach. Napansin na din niyang wala na si Kyla at ang baril ni Bea.
Lahat nang malapit sa tubig o sa talon ay tila kusang nilalamon ng tubig sila. Lahat nang kulay pula nalulusaw at ang ibang kulay naman ay tumitigas at tila basong nababasag at naglalaho.
Si Angel naman ay pinag lalaruan ang mga silver na kawal. Ginagawa niya itong mga barya, baso, pinggan kutsara tinidor kaserola at iba pa.
Lumapit si Zach kay Angel. Nakita niyang may mga pasulpot pang mga nilalang.
"Angel kailangan ka ni Bea" sabi ni Zach
"Sige sige susunod ako! Ikaw na bahala dito."
Maya maya napatakip nang mata ang lahat sa napakaliwanag na dulot nang baril ni Bea. Nabangga naman si Kyla kay Kevin nang mapaatras siya nang bumaril siya. Nawala ang mga nilalang sa target ni Kyla.
BINABASA MO ANG
THE TREASURE
MaceraPinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...