V. Ang Simula

370 34 2
                                    


"Jacob! Jacob!" yugyug ni Bea


Dinilat ni Jacob ang mata at nakita niyang nasa rooftop sila. Tinalikuran niya si Bea


"Sorry na oh! promise makikinig na ako" sabi niya nang mabasa niyang nagtatampo si Jacob sa kanya.


Humarap si Jacob kay Bea.


"Talaga makikinig ka na sakin?" sabi niya sabay senyas kay Bea na mahiga din.


Hind siya sumunod kay Jacob, tinalikuran niya ulit si Bea


"Wag ka nang magtampo, sorry na talaga" nag aalalang sabi ni Bea mulang mahimatay si Jacob

"Tabihan mo ako at yakapin." nakatalikod pa ding sabi niya


Lumipas pa ang ilang segundo. Humiga siya dahan dahang yumakap. Tumulo ang luha ni Bea nang mabasa niya kay Jacob na baka di mo talaga ako mahal, kaya humiga siya at niyakap siya. Humarap si Jacob sa kanya, nakita niya ang luha sa mata niya. Mabilis na pinawi ni Jacob ang luha ni Bea. Pumikit si Bea para tumigil ang pagtulo nang kanyang luha.


"Please dont cry, I Love you Bea" sabay yakap sa kanya

"I love you too" bulong ni Bea sa mga tenga ni Jacob

"Pakakasalan mo ba ako?" sabi ni Jacob nang marinig mula kay Bea ang matagal na niyang gustong marinig

"Sa ganitong paraan ka ba talaga magpopropose?" sabay palo sa mukha ni Jacob

"Sasagot ka lang naman ng oo eh! mahiyain ka talaga!" sabay higpit sa pag kayakap kay Bea


Di na sumagot si Bea at saka pumikit



"Ang aga mo ah!" sabi ni Kevin nang madatnan niyang hawak ni Gab ang kanyang gitara

"Inikot ko na ang buong campus! Di ko nakita mahal ko!" naiinis na sabi niya

"Eh kase nga nasa asawa na niya" sabay kuha sa gitara

"Hindi naman kase sila bro!" sabay higa

"Tigil mo na kase yan! Wala kang patama kay Jacob" sabay intro nang photograph

"Ano ba kaseng meron si Jacob na wala ako?" sigaw ni Gab

"Mag aral kang mag gitara, yan ang wala mo!" sabay labas ni Kevin

"Huh?" nagtatakang sabi ni Gab.


Lumabas na si Kevin at tumungo sa kusina. Naghanap nang pagkain sa ref. Napatingin siya sa taas ng ref at inaalala niya kung doon nga ba niya nailagay yung librong binabasa niya. Dinala niya ang mga pagkain sa sala at nag bukas ng t.v. Humiga siya at kinuha ang libro.


"Maraming may kakayahan ngunit siya lang ang natatangi. Isang gabay ang di nakikita ang makakausap at maririnig. Ito ang hudyat na magsisimula na ang lahat kapag umabot na sa ganitong level ang kanyang kapangyarihan. Matutuklasan na ang mga lihim na kapangyarihan nang bawat isa sa di inaasahang pagkakataon." ang pagbabasa ni Kevin sa libro.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon