Nagtungo silang lahat sa roof top. Inabutan nilang yakap ni Jacob ang isang mabalahibong aso, si Clobie. Mabilis na lumapit si Angel at hinimas si Clobie. Pumunta naman sa sulok sila Gab at Kevin.
"Ang cute naman! Anong pangalan?" tanong ni Angel sabay kuha sa aso
"Clobie! anak namin ni Bea, cute diba? mana sa akin." sabi ni Jacob sabay salubong kay Bea na may dalang mga sapin, kumot at unan.
Lumapit din si Gab para tumulong.
"Bea tabi tayo ha!" sabi ni Gab na nakatingin sa kanya
"May anak na nga kami diba? ibig sabihin asawa ko siya!" sabi ni Jacob sabay pumagitna sa dalawa.
"Alin yung aso? anak ninyo?" naiinis na sabi ni Gab
"Oo! May problema ba dun?" tumingin pa siya kay Gab
"Boyfriend mo ba ito Bea?" sabay lapit muli sa kabilang side ni Bea
"Hahaha hindi!" natatawang sabi ni Bea na patuloy sa paglalatag
"Di ka naman pala boyfriend eh! maka asta ka dyan!" muling tingin kay Jacob
"Oo di nga kami mag boyfriend pero asawa ko na si Bea!" Muling pagitna niya sa dalawa.
"Hahaha asawa ka? eh ang duwag duwag mo!" naiinis nang sabi ni Gab na tila nag hahamunan na
Nagkatinginan ang dalawa. Tumakbo si Clobie kay Bea.
"Si Clobie ang katabi ko, wag na nga kayong mag away dyan" sabay karga kay Clobie at pumagitna sa dalawang magkadikit nang katawan at naglabasan na nang mga abs.
Inabot ni Bea si Clobie kay Gab. Pero napa atras lang siya. Kaya si Jacob ang kumuha.
"Clobie bite him!" sabi ni Jacob sabay lapit sa mukha ni Gab at tumahol si Clobie
Hinarang ni Gab ang dalawang kamay sa mukha niya. Tinulak pa nya si Clobie
"Hala!" sabi ni Bea sa ginawa ni Gab
Dumistansya si Gab at pumunta sa likod ni Kevin
"Takot sila sa aso!" sabi ni Angel na natatawa
"Wifey naman sinabi mo pa!" sabi ni Kevin na pumunta sa likod ni Angel
"Hahahaha aso lang bro ang duwag mo naman hahahahaha" pang aasar ni Jacob
Maya maya pa lumapit si Jacob kay Gab at inilalapit si Clobie. Todo iwas naman si Gab, lumalayo siya at madalas tinutulak niya si Clobie. Tawa lang nang tawa sila sa dalawa.
"Diba gusto mo katabi si Bea. Sige tabi na kayo ni Clobie" pang aasar pa niya sabay patong kay Clobie sa ulo ni Gab.

BINABASA MO ANG
THE TREASURE
AdventurePinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...