XXIII. Ang Kamay Ni Gab

154 15 3
                                    


Pinuntahan ni Kevin si Bea.


"Dalhin mo ako sa dalawang yun!" Sabay turo sa dalawang hari

"Kuya delikado dun!" Pigil ni Gab kay Kevin


Hindi niya nilingon si Gab. Humawak siya sa balikat ni Bea at niyugyug niya.


"Dalhin mo ako sa dalawang yun Bea!!!" Pasigaw na sabi ni Kevin na galit na galit

"Nasasaktan si Bea" sabi ni Jacob


Tumingin lang si Bea. Ramdam na ramdam niya ang galit ni Kevin sa nanyari kay Angel at handa na itong gumanti. Ginalaw galaw pa ni Kevin ang balikat ni Bea na di pa din kumikibo dahil sa nanyari kay Angel.


"Naririnig mo ba ako!? Dalhin mo ako dun!" Sigaw ni Kevin

"Kuya wag mong sigawan si Bea!" pigil ni Gab


Hinawakan ni Jacob ang kamay ni Kevin


"Bro nasasaktan si Bea!" Pigil din ni Jacob


Itiniklop ni Kevin ang kamay nito.


"Napaka duwag mo! Huwag mo akong turuan nang gagawin ko!" Galit na sabi ni Kevin kay Jacob sabay suntok!


Nabigla si Bea sa ginawa ni Kevin.

Nakasuntok pa nang pangalawa si Kevin bago pa ito bumagsak sa sahig.


"Dahil sayo! Nawala si Angel!" Sabay labas nang yelo sa kamay niya at itutusok na kay Jacob

"Kevin!!!" Sigaw ni Bea at lahat nang yelo ay lumutang.


Humarang si Bea sa katawan ni Jacob.

Niyakap agad ni Gab si Kevin na umiiyak at dahan dahang ibinababa ang dalawang kamay nito.


"Kuya! Tama na!" Pigil ni Gab sa kapatid

"Bro si Angel!" At tuluyang yumakap na din at umiyak nang umiyak


Itinayo ni Bea si Jacob.


"Kasalanan kong lahat ito" sabi ni Jacob

"Ako ang may kasalanan! Hindi ikaw!" Sabi ni Bea na nagtatapang tapangan.


Napalingon si Kyla sa kanyang paligid. May itim at puting lumilipad.


"Ikaw pala ang may salarin eh!" Sigaw ni Kyla sabay baril sa dalawang nilalang na lumilipad.


Maya maya.


"Angellll!" Sigaw ni Kevin sabay layo nang katawan kay Gab

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon