XXII. Ang Galit ni Kevin!

162 17 1
                                    


Lumapit sila Angel kay Bea. Ganun din sila Gab. Niyakap siya ni Jacob.


"Si Zach nawala dahil sa akin!" Iyak nang iyak na sabi ni Bea

"Wag mong sisihin ang sarili mo!" sabi ni Gab

"Ginawa ni Zach yun kase mahal ka niya!" Sabi ni Angel sabay hawak sa kanya.


Ginamot ni Angel si Bea. Muling nagsalita ang dalawang gintong nilalang.


"Jacob bakit ka ba nila kailangan!?" Tanong ni Kevin

"May kayamanan silang gustong ipabukas sa akin!"

"Anong kayamanan yun!" tanong ni Kyla

"Ako daw ang susi para matupad ang kanilang kahilingan hindi lamang sa mundong ito pati na rin sa mundo nang tao. Ang mawala ang mundo natin" sabi ni Jacob

"Paano tayo makakauwi at matatapos ang lahat nang ito!?" Tanong ni Angel

"Ang talunin silang lahat!" Sabi ni Gab


Napatingin sila kay Gab


"Paanong talunin?" Sabi ni Angel

"Natatakot akong may mawala pa sa atin" sabi ni Kevin

"Lalaban ako hanggang sa dulo! Nandito na ako kaya gagawin ko ang lahat para sa ating pag uwi" matapang na sabi ni Gab

"Di ko hahayaang masayang ang pagsasakripisyong ginawa ni Zach para sa ating kaligtasan!" Seryosong umiiyak na sabi ni Kyla


Tumayo si Bea sa sinabi ni Kyla.


"Tapusin na natin ito! Uuwi tayong lahat!" Sigaw ni Bea sabay punas nang kanyang luha.


Gumalaw ang lupa. Napahawak sila sa sahig.

Nag apoy ang bawat puno. Napaatras ang lahat nang tila nabibiyak ang lupa.


"Anong nanyayari!" Tanong ni Angel nang magsalita ang hari nang apoy

"Susunugin daw nila tayo sa kaharian niya kapag di pa sumuko si Jacob" sabi ni Kevin

"Hindi nila makukuha si Jacob!" Sabi ni Bea


Maya maya pa mula sa nabibiyak na lupa ay may lumabas na apoy. At lahat nang nilalang na asul ay nalusaw.


"Ang init! Di ko na kaya!" Reklamo ni Kyla


Mula sa maiinit na apoy ay may lumalabas na pulang nilalang.

Mabilis na yumakap naman si Jacob kay Bea.


"May parating" sabi ni Jacob "Natatakot ako" sabay iyak


Napatingin si Angel sa direksyon na sinasabi ni Jacob. Napaatras siya. Mabilis siyang tumingin kay Kevin at Gab. Naging balisa siya. Napansin ni Kevin ang biglang pamumutla ni Angel Napatingin din si Bea. Nabasa niya ang nasa isip ni Angel.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon