XIV. Nasaan Ka Jacob?

220 21 1
                                    

Pumasok si Bea sa tent ni Zach.

"Zach" yugyug nito para magising. "Zach! Zach!" Gising nito

Nagising si Gab. Naingayan siya Kay Bea na humihikbi sa pagtawag kay Zach. Napatayo na din si Zach. Humihikab hikab pa siya at patingin tingin sa labas para matantya kung anong oras na. Ngunit mas napako ang mata niya Kay Bea na nasa harapan niya hawak pa siya sa kanyang balikat.

"Zach tulungan mo ko!" Habang inaalog alog pa siya

"Bakit ano bang nanyayare sayo" sabay punas sa pinagpapawisang si Bea

"Si Jacob nawawala! Tulungan mo ako hanapin natin siya" ang papaiyak nang boses ni Bea

Ngayon lamang nakita nila Zach at Gab si Bea na nangangatog ang labi, pawisan at pahikbing umiiyak. Tumingin muna si Zach kay Gab sabay tapik dito.

"Ilawan mo kami" sabay alalay Kay Bea palabas sa tent

Paglabas nang tent. Napaatras sila sa nakita nila. Tila isang nilalang na hugis tao ngunit walang ulo may hawak itong espada na kasing kulay nito, pula. Napa invisible sila Bea at Zach nang itinaas at akma silang patatamaan sa ulo. Natumba naman si Gab sa kanyang pag ilag.

"Anong nilalang yan?" Ang sabi ni Zach na naka invisible pa din.

Nakatakip naman ang mata ni Bea nang muntik na silang tamaan.

Muling umangat ang espada at patatamaan si Gab. Umatras ng umatras si Gab na takot na takot. Dumilat si Bea, nakita niyang pagulong gulong na si Gab sa pag iwas. Napapagod na si Gab at malapit na sa tent nila Angel. Nakorner na siya. Napasigaw na siya at napapikit nang itutusok na sa kanya ang espada. Naghintay nang isang saglit pa si Gab pero walang tumatama. Napatingin siya wala naman si Zach sa tabi niya. Tumingin siya sa harapan niya. Tila may kumokontrol sa espada nang nilalang. Mula sa likod nang nilalang nakikita niya si Bea nakataas ang isang daliri at nakatingin sa kanila. Mabilis na tumayo si Gab at sinuntok ang nilalang. Laking gulat nilang tatlo nang tumagos lang ang kamay niya. Mabilis na tumungo si Gab sa tent nila Angel.

"Kuya kuya tulungan mo kami" gising ni Gab kay Kevin.

Napabangon naman si Angel, lumabas na din nang tent. Nagulat siya sa kanyang nakita. Napaatras din si Kevin nang makita ang nilalang na nasa kapangyarihan ni Bea.

"Kuya basain mo siya" sabi ni Gab

Nagpaulan si Kevin. Nalusaw ang nilalang.

"Paano mo nalamang tubig ang magpapalaho sa kanya!?" Tanong ni Kevin

"Mainit kase siya nung sinuntok ko" paliwanag ni Gab

"Si Jacob!" Sigaw ni Bea

Napatingin sila Angel sa kanya.

Tumakbo si Bea sa lagusan kung saan sila dumaan nung una. Sumunod si Zach sa kanya. Laking gulat ni Bea na wala na ang lagusan. Natulala siya. Muling nangatog ang kanyang dibdib. Napahawak siya sa kanyang bibig. Nagsimula nang lumuha ang kanyang mata. Tumingin siya sa paligid niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa pisngi niya.

"Nasaan ka!! Jacob!!" Sigaw ni Bea "Magpakita ka! Jacob!!" Umiiyak na sigaw ni Bea.

Napahawak si Bea sa kanyang mga mata para pawiin ang luha niya.

"Jacob nasaan ka? Uuwi na tayo!" Pasigaw ngunit papahinang boses ni Bea.

Napaupo si Bea tinakpan ang mata at umiyak. Napakalakas nang kanyang pag hikbi. Naluluha din sila Zach at Gab. Tila nadudurog ang puso nila sa nakikita nilang nahihirapang si Bea. Humawak sila sa balikat ni Bea ngunit iginalaw lamang niya yun na nais alisin nila ang kanilang mga kamay sa balikat niya.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon