XXI. Ang Kaharian ni Zach

208 18 3
                                    


Nagtungo ang bawat isa sa loob nang bahay. Hinihanda ang mga sandatang ginawa ni Angel.

Samantala nagteleport na sila Bea at Gab dala ang isang bahagi nang gondola at malaking bag. Nanigurado si Bea na madadala niya ang kanilang mga gamit patungo doon. Magkahawak kamay sila Gab at Bea habang nahuhulog at naka bantay sa orasan.


"15 Mins. din kitang makakasama" nakangiting sabi ni Gab

"Maglagay ka nang ilaw" utos ni Bea nang mapansing nakatitig na si Gab sa kanya

"Ito na ang huling minuto na magiging masaya ako"


Kahit alam na ni Bea ang nais sabihin ni Gab ay nahihiya pa din siya at natatakot na marinig pa dahil alam niya na nakakasakit siya at di din alam ang sasabihin


"Masaya ako mahal ko kahit sandali lang ito"

"Masayang masaya ako nakasama kita sa ganitong pag subok"

"Kung pwede ko lang baguhin ang ating mundo gusto ko ikaw ang makasama ko"

"Bakit kase ang bait bait mo! Natuto akong kontrolin sarili ko!"

"Kaya kong hamakin lahat, patayin si Jacob ma pa sa akin ka lang!"

"Hala wag naman si Jacob!" Biglang sabi ni Bea

"Mahal na mahal kita mahal ko" niyakap niya si Bea

"Sana mapa sakin ka na!" Bulong ni Gab


Lumipas ang 15mins at lahat nang nadaanan nila pababa ay may ilaw na. Dalawang araw na ang lumipas nang sila'y makabalik sa isla.


"Bro sukat mo!" Bungad ni Kevin sabay abot sa fitted na damit na kulay pula.

"Black naman sayo tutal mukha ka namang nagluluksa" sabi ni Kyla sabay abot kay Bea ng damit


Natawa si Bea nang makitang nasa bagong bihis ang lahat at handa nang umalis ang lahat.


"Kinuha ni Zach yan para mas makagalaw daw tayo." Sabi ni Angel


Kinuha ni Bea ang kanyang katana. Tumingin siya dito.

(Flashback)


"Ganito ang tamang paghawak sa katana" sabi ni Jacob sabay hawak din sa kamay ni Bea


Maya maya nakayakap na si Jacob sa kanya at kunyaring nag iis-sway pa nang laruang espada


"Bulok ka talaga!" Sabi ni Bea nang makitang nakapulupot na si Jacob sa kanya "Style mo ha!" Sabay tawa


"Handa na akong hanapin ka! Magsasama na muli tayo" sabay ngiti ni Bea


Sa kabilang kama.

Inaayos ni Kyla ang mga sisidlan nang kanyang baril.


THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon