VII. Selos

342 26 2
                                    

Nagpapahinga na lang si Jacob matapos tignan ng doctor. Gising na siya ngunit kailangan pa ding magpahinga. Pilit binabasa ni Bea kung anong nasa isip niya pero puro pagkain at pagyakap sa kanya ang nasa isip ni Jacob.

Umupo siya malapit kay Jacob. Hinawakan ni Bea ang kamay ni Jacob at tinignan siya. Ibinuklat ni Jacob ang palad niya at sinipat sa kamay ni Bea pero napunta ang kanilang mga daliri sa bawat pagitan nito. Magkaholding hands ang dalawa nang may kumatok sa pintuan. Di pinabukas ni Jacob ang pintuan dahil ayaw niyang tumayo ito. Maya maya may kumatok ulit. Itinaas ni Jacob ang kamay nila at humalik siya sa kamay ni Bea.

"I love you" at dahan dahang tinanggal ni Jacob ang kamay niya at pumikit.

Tumayo si Bea at pinag buksan ang pintuan. Nagulat siya sa mga nakita. Tatlong estudyante at kabilang doon si Kyla. Maya maya nakita din niya ang isang guro.

"Tuloy po kayo" sabi ni Bea

Dirediretso naman ang tatlong babae sa higaan ni Jacob. Kinakausap siya nang guro pero ang kanyang mata ay nasa mga babaeng hinahawak hawakan siya.

"Nandito kami dahil si Jacob ang nagligtas sa amin sa kapahamakan" sabi nang guro sa kanya.

Tila nabibingi si Bea sa boses ng guro at nakukuha ang attention niya sa tatlong babae

"Oh my Gosh! ang guapo niya"

"Papa Hunk naman this man!"

"Manahimik kayo sa akin lang siya!" sabay hawak nang babae sa mukha ni Jacob at tila hahalik pa

Mabilis na lumapit si Bea at hinarang ang mukha nang babae.

"Bawal siyang lapitan sa mukha" pautal na sabi ni Bea

"Girlfriend ka ba?"

"Ay may magagalit pala"

"Like mo din ba siya?"

"Pogi niya diba?"

"Hero pa natin"

Hindi umalis si Bea sa harapan nang mukha ni Jacob.

"Oy miss ano bang ginagawa mo dyan"

Pilit siyang pinapaalis nang tatlo hanggang sa natulak siya palayo. Naiiyak si Bea dahil pinipisil pisil nila si Jacob at hinahawak hawakan pa sa mukha. Naiinis siya at gusto na niyang makipag away sa tatlo.

"Girls wag ninyong pisilin siya" saway nang kanilang guro

Maya maya dumating na sila Angel. Ang tatlong babae naman ay napatingin kina Gab.

"Oh my Gosh! nasa hospital ba talaga ako?"

"Ang guguapo naman!"

"Ay sakin pa din itong si papa na nakahiga"

Biglang lapit ni Gab kay Bea. Si Angel naman ang kinausap nang guro.

"Kamusta ka na Bea?" tanong ni Gab sabay yakap kay Bea

"Ehem si Jacob ang may sakit" sabi ni Kevin.

"What a name!"

"Papa Jacob sa akin ka lang"

Biglang dumilat si Jacob

"Wahahahaha siyete ang pogi talaga!"

"Pwede na akong mamatay"

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon