Di sumagot ang dalawa sa tanong ni Bea
"Bea kaya mo bang magteleport pauwi sa atin?" Tanong ni Kevin
Umiling si Bea.
"Maraming beses na akong bumalik sa bahay!" Malungkot na tinig ni Bea
"Bakit ganyan ang mukha mo!?" Tanong ni Angel
"Rooftop please! Ang kati kati talaga eh" reklamo ni Jacob sabay yugyug kay Bea
Yumakap si Bea kay Jacob na nakapikit pa. Nagising ang diwa niya nang mabilis siyang hinawakan ni Jacob na nakakapit sa isang dingding nila sa rooftop
"Anong nanyayari!?" Sabay tingin ni Bea sa ibaba nang kanilang bahay na kinakain na nang rumarasagang tubig.
"Bilisan mo na magteleport ka na!" Sigaw ni Jacob
Natahimik silang apat. Napayakap si Angel kay Kevin
"Sila mama at papa asan sila" naiiyak na sabi ni Angel
"May lugar pa bang pwedeng puntahan!?" tanong ulit ni Kevin habang pinapawi ang luha ni Angel
"Wala nang pagkain si Clobie! Asawa ko!" Sabi ni Jacob habang itinataktak ang lata nang pagkain ni Clobie.
"Naubos na pala ilang araw na ba tayo dito!" Kinarga si Clobie at humawak siya kay Jacob
Ilang sandali lang nasa loob na sila nang mall
"Bakit walang tao dito?" Tanong ni Jacob
"Saka hindi basa ang mga bagay bagay dito ibig sabihin hindi rumagasa ang tubig dito!?" pagtataka ni Bea
Maya maya pa napayakap si Bea kay Jacob nang mapadaan sila sa dingding na salamin nang mall na yun. Lubog sa tubig ang mall at lumulutang ang mga nakakaawang nilalang na biktima nang trahedya.
"Bumalik na tayo!" Sabi ni Jacob sabay kuha nang pagkain ni Clobie at nag iwan nang pera.
"Ganun na din ba sa ibang lugar!?" tanong muli ni Kevin
Di na sumagot si Bea. Tinignan siya ni Jacob
"Sorry bro umaalis kami nang walang paalam! Hindi pa kaya ni Bea magpunta sa lugar na di pa niya nakikita o napupuntahan! Sa ngayon ito ang safe na lugar sa atin." Sabi ni Jacob at hinawakan si Bea na nalulungkot dahil naaalala niya ang mga nakitang di niya dapat makita.
Isang malakas na sigaw ang nagpatayo sa apat. Maya maya pag guho na ang naririnig nila
"Takbo takbo!" sigaw ni Zach sabay kuha nang bag sa tent
"Oh My God may kumakain nang lupa!" natatarantang sabi ni Kyla
Pumasok si Angel sa tent nila at inayos ang mga gamit nila.
"Bro gising! tara na bilisan mo!!" sigaw ni Kevin na di umalis hanggat hindi bumabangon si Gab
"Si Clobie " sabi ni Bea sabay kuha dito.
Nakatayo si Zach nang nagsilabasan na ang anim sa kanilang tent. sabay abot nang mga sulo ng ilawan
Nadulas ang isang paa ni Gab nang mawala ang kanyang tinatapakan.
"Gab!" sigaw ni Kevin nang makitang nakakapit na si Gab sa lupa.
Nagulat si Gab nang makita niyang si Bea ang sumulpot sa harapan niya at hinawakan siya.
BINABASA MO ANG
THE TREASURE
PertualanganPinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...