"Bea! Bea! Gumising ka!" yugyug ni Jacob nang may marinig siya at nakikitang papalapit sa kanya.
"Gif tu Jacob!" sabay turo sa natutulog na si Bea
Tumahol si Clobie. Hinawakan ni Jacob si Clobie
"Umalis ka umalis ka! Anong ginawa mo sa kanya?" sabi ni Jacob nang di magising si Bea
Itinaas nang nilalang ang katawan ni Bea. Mabilis na niyakap ni Jacob si Bea.
"Lumayo ka! Huwag ang asawa ko! Umalis ka" tumingin si Jacob kay Bea at ginigising pa din siya
Inangat nang nilalang ang kanyang katawan at itinapat sa ulo ni Jacob. May tila hinihigop ito sa kanyang alaala. Tumahol si Clobie at kinagat ang nilalang. Itinulak ni Jacob ang kamay nang nilalang.
Naalimpungatan si Gab nang marinig niya ang tahol ni Clobie. Sumilip siya sa labas kung bakit ganon na lamang ang pag tahol ni Clobie
"Nilalamig siguro siya" sabi ni Gab sabay angat nang kamay at nag lagay nang mga pailaw sa paligid nang bawat tent nila.Bumalik muli si Gab sa tent at natulog.
Nagulat ang nilalang sa liwanag na binigay ni Gab. Tinulak siya ni Jacob at kinagat pa siya ni Clobie kaya napaatras ito. Nadikit ang nilalang sa ginawang liwanag ni Gab
"Hig dir hud Jacob" mahinahon pa ding sabi ng nilalang.
Hinawakan na niya si Jacob. Ningatngat ni Clobie ang nilalang. Sa isang iglap pa naglaho sila sa lugar na yon.
Napatingin si Jacob sa paligid. Wala ang lahat! Nagsimulang manginig ang kanyang katawan sa dami nang nakikita niya. Sinipa nang nilalang si Clobie. Kitang kita niya na nasaktan si Clobie at may bahid nang dugo. Kinuha niya si Clobie. Umiiyak ito. Nagalit si Jacob sa ginawa nang nilalang. Tumayo siya at sinakal niya ang nilalang.
"Ibalik mo ako sa asawa ko!"
Tawa lang nang tawa ang nilalang.
Napatingin sa ibaba si Jacob nang tumahol si Clobie. Umatras si Jacob nang may nakitang nakasukbit na espada ang nilalang. Mabilis niyang kinuha yun at tinaga ang ulo nito. Naputol ang ulo dinampot ni Jacob ang kapirasong damit na nasusunog sa damit nang nilalang nang madikit ito sa ilawan ni Gab.
"Hindi nawawala yung ilaw niya ang galing!" sabi ni Jacob sabay ayos sa ilawang hawak na niya.
Napahawak si Jacob kay Clobie nang tila lumindol. Ang mga bagay bagay doon tila lumilipad sa ere ang mga bato. Ang mga dahon ay sumasayaw sa hagin. Napahawak siya sa espada nang may nakita siyang nilalang na palapit sa kanila. Kinarga niya si Clobie. Madilim ang lugar na tinatahak niya ngunit dahil sa liwanag na dala niya mula kay Gab nagpatuloy siya.
"Parang si Bea kung magtampo ang paligid dito! Kailangan na nating mahanap ang pabalik bago pa mabaligtad ni Bea ang mga puno dito sa galit niya" sabi ni Jacob sabay takbo.
BINABASA MO ANG
THE TREASURE
AdventurePinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...