"Gab hintayin mo ako ha!" sabi ni Bea sabay kuha nang malaking baril niya
"Saan ka ba pupunta?"
"Basta hintayin mo ako at umasta kang sasaluhin mo ako"
"Ganito ba?" sabay lagay nang kamay sa harapan.
"Oo!"
Umupo si Bea tulad nang pag prapractice niya sa helicopter. Nagteleport siya. Nahuhulog na naman siya sa kawalan. Nagagawa na niyang nakahiga habang nahuhulog
Hinugot ni Jacob ang kanyang espada.
"Wag kang lalapit! Diyan ka lang" sabay takbo ni Jacob
Nagulat siya nang sumulpot ang nilalang sa harapan niya.
Inilapit ni Jacob ang kanyang apoy ngunit biglang nawala sa harapan niya ang nilalang. Namutla si Jacob.
Inayos na ni Bea ang kanyang baril. Nakatutok na ito sa target niya pataas.
Kinuha nang nilalang ang apoy ni Jacob. Naninigas sa takot si Jacob. Masyadong malapit na ang nilalang sakanya at sobrang dami pa nila sa paligid niya. Unti unting namatay ang apoy ni Gab. Ginamit niya ang espada ngunit kinuha lang ito nang nilalang sa kanya. Napakadilim nang paligid. Mga kulay lamang nang nilalang ang nakikita niya. Palapit na din nang palapit ang ibang kulay na nilalang sa kanya.
Bumaril na si Bea nakikita niya ngayon ang pataas na apoy ni Gab namas dinoble pa ni Angel ang kalidad. Ngunit wala pa din siyang nakikita bukod sa liwanag nun
Tumahol si Clobie at umangat ang kanyang tenga. Lumapit ang nilalang kay Jacob. Itinaas ang kanyang kamay at itinutok sa mukha ni Jacob. Pilit ginagalaw ni Jacob ang kanyang katawan ngunit di niya magalaw. Umiiyak si Jacob nang makita niyang lumalabas sa kanyang alaala ang mga masasayang alaala niya sa kanyang pamilya, sa kanyang pag aaral hanggang sa makita na niya si Bea nung bata pa sila.
Naalala ni Bea ang ginawa ni Kyla sa pagtuktok niya sa bala. Itinulak pa paitaas ni Bea ang bala hanggang sa makakaya niya.
Tumahol si Clobie. Napatigil ang lahat nang nilalang sa liwanag na nanggaling sa ibaba.
Sumabog ang liwanag sa kadiliman.
Hindi maalis ni Bea ang mata sa nakikita niya sa itaas. Isang kulay ginto na hugis libro na nasusunog. Kinilabutan siya sa nakita niya. Nakikita na din niya ang tila lupang bumabagsak sa kanya. Kulay ginto ito mula sa imahe nang librong nauupos..
Parang isang bulkan na sumabog ang lupa. Nagkaroon nang malaking liwanag sa lahat nang paligid. Nagsitalsikan ang lahat nang nilalang at nawala lahat. Ang tinatapakang lupa ni Jacob ay nabubuwal hanggang sa matumba siya.
May malaking liwanag na pababa patungo sa direksyon ni Bea. Natakot siya nang mabilis yun napunta sa kanya. Nagulat ang lahat nang bumagsak si Bea sa likod ni Gab.
Nagulat din ang lahat nang bumagsak sa sahig ang nanahimik na libro ni Kevin.

BINABASA MO ANG
THE TREASURE
AdventurePinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...