IX. Tiwala

307 20 1
                                    

"Bro nakakakilabot pero nakita mo ba yung talon talon ko tapos nagsasaboy ako nang apoy!!?" sabi ni Gab with matching action pa habang kinakalas ang pagka gapos sa kapatid

"Your Great!" Sabay hawak sa balikat niya at napatingin sa kasama niya "sino yan?"

Tumingin din si Gab

"Ay oo nga sino ka nga ba?" habang pabalik sa sasakyan

"Zachary" maiksing sabi nito

"Multo ka ba? pa wala wala ka kase kanina habang hinahabol natin si kuya"

"Invisibility power?" Patanong ni Kevin

"Oo" sagot ulit niya.

Napatingin sila sa kanilang paligid. Lumiwanag na. Ang ingay nang paligid dahil sa iyakan at isagawan. Nanlambot sila Kevin sa nakikita.

Lumabas si Angel nang makitang pabalik na sila Kevin. Nang malapit na yumakap agad si Angel at yumakap din si Kevin Napatingin naman sila Zach at Gab

"Sana yakapin din ako ni Bea" sabay na sabi nila Zach at Gab

Nagkatinginan ang dalawa.

"Sa akin lang si Bea!" Muling sabay nang dalawa

Nakatingin na sila Angel sa dalawa na tila nag aapoy ang mga mata

"May Jacob na si Bea!" Sabi ni Kevin

Maya maya lumabas si Kyla at niyakap sila Kevin at Gab.

"Boys nag alala ako sa inyo! thanks God safe kayo."

Napatingin lang si Angel sa ginawa ni Kyla. Nakatingin lang si Bea sa kanila mula sa labas.

"Sorry asawa ko" sabi ni Jacob na nakayakap pa din at suksuk ng ulo sa dibdib ni Bea

"Huh!"

"Ang duwag duwag ko di kita naipag tatanggol"

"Hindi! Hindi! ano ka ba matapang ka" sabay himas sa buhok ni Jacob "Hinaharap mo nang mag isa ang laban mo"

"Ikaw nagpapalakas sa akin asawa ko. Kahit ramdam ko na nangangatog na yung kalamnan mo" sabay angat nang ulo at sinundot ang ilong ni Bea

"Ay nakakainis ka talaga!" Sabay hawak sa daliri nito


Kiniliti pa siya ni Jacob kaya naman lalong lumabas ang pagkangatog ng katawan ni Bea


"Hahahhaha nanginginig pati labi mo oh" tukso pa ni Jacob sabay hawak sa labi ni Bea

"Ehhh" inalis ni Bea ang kamay ni Jacob

"Bea!" Sabay kiss sa lips niya

"Hala ka!" Sabay tulak kay Jacob at tinakpan ang bibig

"Hahahaha oh di na nangangatog!" Sabay yakap ulit kay Bea

"Nagagawa mo pang mang asar sa oras na ito" sabi ni Bea na niyakap din si Jacob "Alam mo talaga paano ako pasayahin. Napapangiti mo ako kahit sa pinaka pangit na sitwasyon" sabi niya sa kanyang sarili

Ilang sandali pa nagsisakay na ang 5 sa sasakyan

"Oh my Jacob kamusta ka na" sabi ni Kyla nang makitang nakatago pa din ang ulo sa dibdib ni Bea.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon