XV. Mga Alaala

197 19 0
                                    

Ang bolang tubig ay biglang sumabog at nabasa ang tatlo. Patakbong lumabas si Kevin habang hinahampas hampas siya ni Angel. Naiwan mag isa si Bea na basang basa ang mukha. Kinuha ang damit ni Jacob. Napatingin siya sa damit.

Naghahabulan sila Jacob at Bea sa sala. May dalang water gun si Jacob at binabaril baril si Bea. Nag tago si Bea sa kwarto ni Jacob. Maya maya nakita na siya ni Jacob. Binaril nang binaril nang water gun ni Jacob si Bea!

"Tama ta namumula ta mata to bata magatit ti mama" sabi ni Bea na basang basa na

"Tinin nga tung mumuta na mata mo" sabi ni Jacob na binabaril pa din si Bea

"Mumula ti mumuta" sabi ni Bea sabay hawak sa water gun ni Jacob

"Hala mumuta na nga!" Itinaas ni Jacob ang kanyang damit sabay ipinampunas sa mukha ni Bea.

"Torry!" Sabay kiss sa mata ni Bea at yumakap pa siya.

Napaluha si Bea. Niyakap ang damit ni Jacob.

"Asan ka na asawa ko?" Sabay iyak muli ni Bea at ginamit ang huling suot na damit ni Jacob para ipampawi sa mga luha niya.

Sa kabilang banda

"Hindi pa din lumalabas si Bea?" Tanong ni Kyla nang mag aahin na siya nang tanghalian sa grupo

Umiling si Zach.

"Hindi din niya kinain yung almusal kanina" sabi ni Gab

"Ay baka magkasakit na siya" sabi pa ni Kyla

"Sige ako na magdadala nang pagkain niya" sabi ni Angel, sabay kuha nang isang plato nang pagkain.

Dahan dahang sumilip si Angel sa tent ni Bea. Nakita niyang nakahiga si Bea at humihikbi hikbi pa rin.

"Pwedeng pumasok!?"

Biglang napatayo si Bea. Tinignan ang papasok na si Angel.

"Kumain ka na muna" sabay abot sa kanya

Tumingin si Bea sa plato.

"Ang konti nang kanin.. Jaccooobbb ohhh..." sabay abot sa likuran niya

Napatingin pa si Angel sa likuran ni Bea. Pumikit si Bea at dahan dahang ibinalik ang kamay sa harapan niya.

Mabilis na tinungo nila Bea at Jacob ang hapag kainan nang tinawag sila nang kanilang magulang. Pag kaupo nila. Kinuha ni Jacob ang kalahating ulam ni Bea. At kinuha ni Bea ang kalahati nang kanin ni Jacob. At sabay silang pumalakpak at nag pray.

"Wala si Jacob" mahinang sabi ni Angel

"Wala akong gana" inilayo ni Bea ang pinggan at muling humiga.

Malungkot na lumabas si Angel. Sinalubong siya ni Kevin

"Anong nanyari?" Tanong ni Gab

"Bawat galaw niya si Jacob naaalala niya" malungkot na sabi ni Angel

Nalungkot din sila. Nang matapos kumain ang bawat isa nagsipasukan sila sa kanilang tent.

"Di ako sanay na tahimik tayo. Wala ngang nangyayaring habulan o takbuhan pero ang lungkot lungkot." Sabi ni Zach

"Nasaan ba kase si Jacob? Puntahan kaya natin siya" sabi ni Kyla sabay kaskas nang kuko

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon