II. Si Angel

631 42 6
                                    

Ilang oras na din ang lumipas nang makauwi na ang tatlo. Pero tila di umiinit ang tainga ni Kevin habang kausap sa celphone si Angel. Nakatingin lang si Gab sa kanya habang hawak ang gitara ni Kevin.


"Bro! Turuan mo na kase akong mag gitara!" Pangungulit ni Gab sa kapatid.


Tumingin lang si Kevin sa kanya at muling tumalikod para ipagpatuloy ang pakikipag usap sa kasintahan.

Sa kabilang banda.


"Jacob nakakapagod ka na!" Reklamo ni Bea na inayos ang nalulukot nang damit

"Bakit ayaw mo ba sa katawan ko?" Sabay lapit nang mukha sa mukha ni Bea


Tumibok nang mabilis ang puso ni Bea pero nababasa niya sa isipan ni Jacob na wala talagang gusto si Jacob sa kanya.


"Ano ba lumayo ka nga" sabay tulak sa mukha ni Jacob.

"Hmm sungit mo talaga! kaya nga ako nag palaki ng katawan para masarap akong yakapin tapos tapos itutulak mo lang ang pogi kong mukha!" Pang aasar ni Jacob sa kanya sabay yakap ulit kay Bea.


Di makapagsalita si Bea mayroon siyang nararamdaman na di na niya nagugustuhan.


"Ok naman tayo diba? nirerespeto naman kita kahit niyayakap kita. Saka sayo lang ako komportable." Panunuyo ni Jacob sabay lapit muli sa mukha ni Bea habang nakayakap nang mahigpit.


Di makatingin si Bea kay Jacob kaya di niya mabasa kung ano ang nasa isipan ni Jacob sa oras na yun. Nanigas ang katawan ni Bea nang hawakan ni Jacob ang dalawang pisngi ni Bea. Iniangat pa niya ang ulo para humarap si Bea sa kanya. Nag papogi pa si Jacob habang nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam ni Bea ang mabilis na pag tibok ng puso niya sa ginagawa ni Jacob sa minutong yun. Maya maya kunurot na ni Jacob ang dalawang pisngi ni Bea.


"Hmmmm ang ganda ganda mo talaga!" Nakatawang sabi ni Jacob sa kanya sabay higa sa mga hita ni Bea.


Di makapagsalita si Bea tinitignan lang niya si Jacob na nakahiga na ngayon at umunan pa sa kanya.


"Wag kang mag piling sexy ha! Nahihirapan akong yakapin ka tila ka madudurog sa macho kong katawan!" Sabi ni Jacob sabay tingin sa kanya.


Hinampas lang ni Bea ang mukha ni Jacob.


"Pero maganda ka! Kung kay Gab ka lang mapupunta, aagawin kita mula sa kanya!" Seryosong sabi ni Jacob


Lalong tumaba at tumibok nang mabilis ang puso ni Bea. Madami pang sinasabi si Jacob sa kanya pero di na niya masyadong naiintindihan yun dahil mas rinig pa niya ang pagtibok ng puso niya na tila sasabog na. At lahat ng sinasabi ni Jacob ay alam niyang totoo dahil sa kakayanan niyang magbasa nang iniisip nang iba.


"Bea!?" Tawag ni Jacob sabay tingin sa kanya

"Bakit?" Ang sagot ni Bea na napakagat nang labi

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon