Bumalik ang lahat sa kani kanilang higaan. Nasa pinaka dulo nang hilera ang higaan ni Bea. Sunod doon si Kyla at Angel. Si Kevin Gab at Zach. Hindi na lumapit si Gab kay Bea nang makita niyang nakapikit na ito. Natulog na ang bawat isa.
"Bakit ka ba iyak nang iyak diyan!?" Sabi ni Jacob sa nakahigang si Bea
Napatayo si Bea at mabilis na niyakap si Jacob
"Mahal na mahal kita! Saan ka ba galing?" Tanong ni Bea habang nakayakap kay Jacob
"Mahal na mahal din kita! Nahihirapan na ako asawa ko!" Sabay kalas sa pagkayakap
"Anong ibig mong sabihin?" Pag tataka ni Bea
Tumalikod si Jacob
"Samahan mo naman ako! Takot na takot na ako dito!" sabi ni Jacob sabay laho sa paningin ni Bea
"Jjaaacccoooob!!!" sigaw ni Bea
Napamulat nang mata si Bea. Kitang kita niya ang lima na nakatingin sa kanya
"Kanina ka pa namin ginigising!" Sabi ni Angel
"Umuungol ka girl! Binabangungot ka ba!?" Tanong ni Kyla
"Pinagpapawisan ka ha!" sabi ni Gab sabay punas sa mga pawis niya.
Napako lang ang tingin niya sa mga nagsasalita ngunit wala siyang tugon.
"May bisita nga pala tayo dito kanina! Kulay asul! Nagpapalipad nang mga yelo." Sabi ni Kevin
"Ang haba nang tulog mo!" sabi ni Zach sabay turo sa orasan
Napatingin siya alas 12:47 na nang hapon.
"Meron ding nilalang na kakaiba!" Sabi ni Kevin
"May mga pakpak sila kulay itim" sabi ni Angel sabay turo sa boteng hawak niya
Napapikit si Bea sabay tumba nang katawan. Nasalo siya ni Kyla na nasa uluhan niya.
"Asawa ko!" Sigaw ni Jacob
"Kanina pa kita hinahanap ha!" Sabay palo kay Jacob
Niyakap siya ni Jacob
"Ano bang klaseng pag hahanap ginagawa mo nasa puso mo lang naman ako eh!" Sabay hawak sa mga labi ni Bea
Humawak naman si Bea sa balikat ni Jacob. Dahan dahang inilapit ni Jacob ang mga labi niya sa labi ni Bea. Unti unting naglalaho ang katawan ni Jacob.
"Tulungan mo ako!" Sigaw ni Jacob
Napabangon si Bea. Muli niyang nakita ang lima.
"Anong nangyare?" Sabi ni Angel
"Bigla ka nalang nahimatay diyan!" Sabi ni Kyla
"Ok ka lang ba mahal ko!?" Sabi ni Gab sabay hawak sa pisngi niya.
Biglang namuo ang luha ni Bea humawak siya kay Angel at nagteleport sila. Napunta sila sa labas nang bahay. Yumakap siya kay Angel at nagsimulang umiyak. Niyakap din siya ni Angel.
"Bakit ano bang nanyari?" Alo ni Angel
"Parang totoo yung panaginip ko! Kailangan ako ni Jacob!" Paputol putol na sabi ni Bea
BINABASA MO ANG
THE TREASURE
AvventuraPinangarap mo ba na makapunta sa isang lugar sa isang iglap lang? Mapagalaw ang isang bagay na tinitignan lamang? At mabasa ang iniisip nang ibang tao? Paano kung ibigay lahat sayo ito at sasamahan ka pa nang ibang kaibigan na may kakaibang kapangya...