XVII. Wag Kang Susuko Nandito Lang Kami

196 18 0
                                    


Nagluto nang masarap na pagkain si Kevin. Masaya silang kumakain habang nag aabang sa mga susulpot. Nakita ni Bea na masaya ang lahat. Lumabas siya habang di nakatingin si Gab para di siya masundan. Pumunta siya sa talon. Umupo siya


"Nakakakain ba kayo ni Clobie? Nasaan kayo?" Napa pikit si Bea nang may tumulong luha sa mata niya

"Nasa mabuti ka bang kalagayan? Baka naninigas ka na naman diyan! Marami ka bang nakikita?" Umiyak na muli siya

"Tawagin mo lang ako darating ako! Mag iingat ka asawa ko uuwi na tayo" tinakpan ni Bea ang kanyang mga mata


Inisip ni Bea ang mga nilalang na may pana. Inisip niya ang itsura ni Clobie. Pumikit siya at tinukoy ang paligid.


"Dalhin mo ako sa lugar na yun!" Sabi ni Bea sa kanyang sarili


Nakapagteleport siya. Nahuhulog siya sa kawalan. Tumingin siya sa paligid bago siya bumalik sa talon.


"May lugar ba talaga kung nasaan kayo Jacob?" Muling bulong niya.


Napalingon si Bea nang marinig niya ang boses nila Kyla. Kumaway si Gab sa kanya. Itinaas lang niya ang kanyang kamay. Napatingin si Bea sa kanyang kamay at dahan dahan niyang ibinaba yon at bumalik ang mata sa talon.


"Bakit ginagawa ko ito?" Sabi ni Bea sa kanyang sarili.


Papalapit na sana si Gab sakanya nang bigla siyang nagteleport. Nagpunta siya sa kanyang higaan.


"Hindi ka pa din kumakain" bungad ni Angel sa kanya.


Napatingin pa siya kay Angel nang inabutan siya nang pagkain.


"Wala akong gana" tanggi ni Bea "Saka ang kunti naman nang kanin niyan" dugtong pa niya

"Baka magalit si Jacob di ka kumakain" sabi ni Angel

"Kaya ko saka wala naman siya" biglang pag susungit ni Bea sabay higa at talukbong nang kumot.


Napatingin lang si Angel sa nagtalukbong na Bea. Gumagalaw ang bandang balikat ni Bea tanda na umiiyak na naman siya. Humawak si Angel sa kanya.


"Nandito pa ako bilang best friend mo at nahihirapan along makita kang nasasaktan" sabi ni Angel sabay tayo


Napabangon si Bea.


"Sandali!" Awat niya


Tumingin lang si Angel sa kanya


"Sorry!" Nahihiyang sabi ni Bea

"Naiintindihan kita" sabay ngiti niya


Ngumiti na lang din si Bea at muling humiga. Umupo si Angel katabi ni Kevin.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon