XI. Dalawang Sugatan

267 23 3
                                    


Nagteleport pabalik si Bea. Napasigaw sila Angel at Kyla nang bumalik pa si Bea doon.


"Hubby magpaulan ka sa lugar na yun" sabay pikit ulit ni Angel at pinababagal ang oras sa dalawa


"Wag mo naman akong iwan!" Sabi ni Bea na umiiyak sabay suntok sa dibdib ni Jacob "Akala ko ba mahal mo ako bakit mo ako iiwan?"


Hinawakan ni Jacob ang dalawa niyang kamay.


"Umalis ka na mapapahamak ka lang dito" mahinahon na sabi ni Jacob na pinipigilang umiyak

"Ayoko! Di kita iiwanan dito"

"Naghihintay sila! Di ko na kayang magpatuloy"


Binitawan ni Jacob si Bea at tumalikod palakad sa apoy. Bumuhos ang tubig sa paligid nilang dalawa. Niyakap ni Bea si Jacob sa likod nito


"Wag kang mag teteleport" matigas na sabi ni Jacob sabay harap at muling hawak sa kamay nito

"Wag mo naman gawin sa akin ito" nakikiusap na sabi ni Bea sabay nang pag tulo nang luha niya kahit basang basa na sila di nagsalita si Jacob. "Di ko kayang mag isa! Di ko kaya na wala ka" umiiyak na sabi ni Bea sabay dikit nang ulo sa dibdib ni Jacob "Mahal na mahal kita pakiusap wag mo akong iwan pakiusap" nagmamakaawang sabi ni Bea


Nakarinig sila nang sigaw nang may bumagsak na dalawang puno sa pagitan nila


"Sige na sige na pumunta ka na doon" muling pag layo ni Jacob sa katawan niya kay Bea

"Jaccccooobbb wag mong gawin sa akin itooooo"


Hindi makapag teleport si Bea dahil hawak ni Jacob ang kanyang kamay at maaaring maulit lang ang kanina kapag umalis siya. Tumingin sa paligid si Jacob. Gawa na lamang ni Kevin ang dahilan kung bakit nakakaya pa nilang manatili sa lugar na yun. Sunog na ang buong kagubatan


"Mahal na mahal kita asawa ko.... halika na alis na tayo" sabi ni Jacob pero siya pa din ang may hawak sa kamay ni Bea

"Mahal na mahal din kita... wag kang bibitaw ha" ang lumuluha pa ding sabi ni Bea

"Wag ka nang umiyak" sabay pawi ni Jacob sa luha ni Bea

"Tara na"


Naramdaman ni Bea ang pagbitaw ni Jacob nang magteleport siya.

Tumahol si Clobie.

Napasigaw ang lahat nang makitang sunog na sunog na ang kagubatan.


"Jacccccoooooobbbbb" sigaw ni Bea


Napasigaw din ang lahat sa pangalan ni Jacob.

Tahol nang tahol si Clobie.

Iyak nang iyak si Bea habang nakatingin pa din sa mainit at nasusunog na kagubatan Niyakap ni Gab si Bea na basang basa pa at lumuluha pa din.

THE TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon