CK's Chapter 3: Unexpected

694 23 0
                                    

Ang kinalabasan ng conversation namin ni Harry Potter at ng nicknames namin?

Ayun mega eyebag!

Para akong hindi natulog ng isang buong linggo sa laki ng eyebag! Dagdag mo pa yung nangingitim na yung baba ng mata mo!

"HALA MAY ZOMBIE!" Nagulat naman ako sa sigaw nila Vonne ano po?

Sinusundo na kasi nila ako samin!

Hindi pa ko ready pumasok (;ω;)

Kahit na naka damit na ako at nakakain kanina pang 5:00 Akala kadi ni Mother Earth wholeday ko ngayon.

Si Mother Earth syempre yung nanay ko!

Saklap diba? Nakatulog ako 3:00 am ginising ako ng 5:00 am? Nasermonan pa!

Sabi ni mama ganito 'Sarah Hermione! Pupuyat puyat ka eh may wholeday ka ngayon! Tapos alas singko na di ka pa gising! Gumising gising ka nga dyan at baka mabuhusan kita ng kumukulong mantika!'

Oh diba? Sinong di magigising sa ganyang litanya o speech ng nanay mo?

Tiyak pag kwinento ko ito kila Alexei pagtatawanan nila ako! Lalo na ni Amethyst fan na fan yun ni Mama eh!

-______-'

Sumakay na lang ako sa kotse at nakikinig sa mga kwentong barbero ni Trish.

" Isang araw may isang 18 years old na babae at 60 years old na lalaki na nagpakasal..." Todo tutok naman sila Vonne at Alexei sa kalokohang kinekwento ni Trish.

"O tapos?" Nakisali pa itong Amethyst na ito! Kala mo seryoso sa pagddrive.

"Syempre pagkatapos ng kasal at reception may honeymoon... Naghoneymoon sila sa Amanpulo." Pagpapahaba pa ni Trish sa kwento niya.

" Oh tapos?" Nakisawsaw na rin ako sa uaapan nila.

"Syempre ginawa nila yung ginagawa sa honeymoon. Kinabukasan natagpuang patay yung babae sa kwarto nilang mag-asawa." Patuloy ni Trish.

Bakit?

"Bakit?" Sabay sabay naming sabi.

Halatang nakikinig sa kwentong barbero ni Trish.

"Dinala nung lalaki yung babae sa ospital at pinapunta yung kamag-anak nilang dalawa." Pagpapatuloy na kwento ni Trish.

"Pagkalabas nung doktor dineklarang dead on arrival na yung babae... Nung tinanong nung umiiyak na nanay nung babae yung cause of death ang sabi ng doktor...." Pambibitin pa ni Trish.

Hala ang tragic naman ng story nila.

(p′︵‵。)

"Cause of Death: Nakakain ng expired na hotdog at bugok na itlog."

" epyu ka tricia!" Sabay batok na sinabi ni Alexei.

Muntik na nga kaming msubsob sa biglaang pagpreno ni Amethyst eh!

"Tangina mo po!" Sinabi namin yun kay Trish with tune of 'How to be you po!'

At ang baliw na Trisha ayun tawa ng tawa!

Paano ba ako nagkaroon ng baliw na kaibigan?

Ay! Oo nga pala nagkita-kita kami sa mental hospital. BWAHAHAHAHAHAHAHAH

Pero weyt lang sumobra yata pagka-hyper ni Trish ngayon? Kahapon bitter... Hays Trisha talaga pag merong piryud.

Nang makapunta na kami sa classroom namin ay agad kaming umupo sa proper seating arrangement namin at inilapag doon ang gamit namin.

Love CutsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon