TAKE ME LORD!
JESKEPO!
BAKIT DI AKO NA-INFORM NA MAAGA ANG UWI NILA MAMA AT PAPA?!
"A-ah ahy?" Sabi ko with matching kamot sa noo.
Oh-no bad breath what to do? Mag Listerine ka mu-----
Tae mamaya na yang corny jokes mo Sarah Hermione!
Isipin mo kung ano ang sasabihin mo sa nanay at tatay mo!
"Mama Papa! Ang aga niyo pong nakauwi? Wala k-kayong g-gaanong paperworks?" Kabang tanong ko na parang sisistensyahan ng none bailable sa kasong paglilihim ng boyfriend ng isang araw?
Letse.
"Sandra doon na natin kausapin si Sarah sa loob." Mahinahon na sabi ni Papa habang hinihimas ang balikat ni Mama na parang pinapakalma.
Sumangayon naman si Mama kay Papa.
Nakasunod lang ako sakanila saktong pagpasok namin sa living room ay nakita ko si Manang Yolie na nakasimangot na parang badtrip habang si Ate Faye ay nakangisi.
Umupo ako sa mahabang sofa habang si Mama at Papa ay doon sa dalawang maliit na sofa.
Bakit ba feeling ko may ginawa akong masama?
Saglit Sarah... May ginawa ka naman talagang masama ah? Ang maglihim na may nobyo ka na?
Pero counted parin ba iyon kung naghihintay lang hanggang kung kailan sila Free para ipakilala ko si Fernando?
"Sarah Hermione baka gusto mong magsalita?" Istriktang usad ni Mama.
"Diba po sabi niyo male-late kayo umuwi?" Kamot-noo kong tanong.
Ba't yoon yung naisipan mong itanong?
"Tumawag si Faye. Na may lalaki ka daw na sinamahan. pina-cancel namin ng mama mo ang schedule namin buong araw. Anak 12 tumawag ang Ate Faye mo tapos umuwi ka 6 ng gabi. Napagalaman pa naming 8 ng umaga ka umalis." Mahinahong sabi ni Papa.
Napayuko ako.
"Ang masaklap pa doon ni hindi ka manlang magtext o tumawag para magpaalam saamin." Singit ni Mama
"Wa-la...po a-kong...Load?" Utal na sabi ko.
"Kami ba niloloko mo? Anak postpaid ang sim mo hindi prepaid! " Sabi ni Mama.
Hay nako Sarah naman kasi eh sa dami ng palusot na pwede mong sabihin iyon pa?!
Napakamot na lang ako sa noo ko at di makatingin ng diretso.
"Sino ba yung lalaking iyon?" Maka lalaking iyon naman itong si Papa.
"Wala po p-pa." Utal na sagot ko.
"Wala pero may pag-I love you?" Paguusisang tanong ni Mama.
"Sabihin mo na saamin Sarah." Buntong hininga ni Papa.
Sorry Love... Mukhang mapapa-aga ang pagpapakilala ko sayo kila Papa.
"B-boyfriend ko po." Nakatungong sabi ko.
"BOYFRIEND MO?!" Sabay na sigaw nila Mommy at Daddy.
"Yun ba yung Fernando'ng kinekwento mo?" Nagulat ako sa tono ng pagsabi ni Mama.
Excited yung tono eh.
Habang si Daddy halos umusok na ang mukha.
"O-opo." Guilty'ng tugon ko.
BINABASA MO ANG
Love Cuts
Mizah◈Crush Kita respeto naman aba! Pag sinabi kong crush kita dapat crush mo din ako◈ "Sarah ,Sarah, Fernando, Sinong mahulog syang talo"