Guys please do read the foot note. It is a clue not only for this book 😉
------------------------------------
Pagkatapos namin magmeryenda ay saktong isa isang nagsi-puntahan dito ang barkada na may dala dalang bag...
Maliban kila Amethyst, Alexei, Patricia at Yvonne dahil may mga damit na naman sila sa kwarto ko.
"HI MANANG!Hi Faye." Masaya nilang bati kila Manang Yolie at Ate Faye na nakaupo sa sofa.
"Oh Di ka pa nauwi Fernando?" Tanong ni Lucas na may nakasukbit na purong itim na back pack sa likod habang may nakasukbit na pinaghalong asul at itim na gym bag.
Ganun rin ang dala ng ibang mga lalake.
"Oo eh mamaya maya na. Dami niyong dala ah." Kantyaw ni Fernando nang makita ang dala ng boys.
"Sabi nila Mama samahan namin kayo dito buong linggo na wala sila Tita eh." Tawa ng mga lalaki.
Mga letseng 'to! Na-gets kaya namin yon!
"Boys doon kayo sa guest room doon sa tinutuluyan niyo palagi. Fernando just follow their lead doon ka din matutulog. Girls dating gawi doon tayo sa room ko." Paliwanag ko at nagsi tango naman naman sila.
"Yes Ma'am! C'mon Fernando Man!" They salute that made me laugh.
"Nag merienda na kayo?" I ask habang umuupo kami.
"Yup." Sagot nils at nag-usap kami ng random stuffs.
Hanggang sa nagdecide kami na pumunta na sa kwarto ko.
From: FPJ ❤
Love... Baka matagalan kami bago bumaba nagkakatuwaan pa kami eh. I love you 😘
To: FPJ ❤
Sure Love. We're at my room now. I love you too 😘
At pinatay ko na ang phone ko at nakipagkulitan na sa girls.
"Anyare Sarah?" Tanong nila habang tumatawa.
Nakatali ako ng messy bun in case na hindi niyo alam na I'm confident na hindi niyo talaga alam.
After the 'session' namin ni Fernando kanina nagtali ako ng messy bun dahil naiinitan talaga ako.
"Wala naman. Kwentuhan lang atsaka nagluto." I said... Half lie.
Totoo yung sinabi kaso hindi kumpleto.
Biglang pumunta sa likod ko si Eyme at nagtawanan sila... Trip netong mga 'to?
"Maglugay ka nga Sasa." Sabi ni Eyme na tinawanan nilang lahat maliban sakin.
Alien yata 'tong mga 'to eh?
"Huh?" Tanong ko at fi-nace si Amethyst.
"Ganda ng posisyon ah. Tagong tago. But you won't be able to hide it if you'll tie your hair into messy bun." Nagtawanan nanaman sila sa sinabi ni Eyme.
MGA ALIEN! Ano ba masa isip ng mga 'to.
"Huh?" Sabi ko na gulong gulo.
"You're not good at lying Sasa. Itago mo yang chikinini mo!" Pabulong na sigaw niya
"BWAHHAHAHAHAHAHAHAH" Sabay sabay nilang tawa.
Tngn! Oo nga pala! PUSANG GALA NGA NAMAN OH OH!

BINABASA MO ANG
Love Cuts
Humor◈Crush Kita respeto naman aba! Pag sinabi kong crush kita dapat crush mo din ako◈ "Sarah ,Sarah, Fernando, Sinong mahulog syang talo"