After 30 minutes ready na lahat ng booths at hinihintay nalang ang signal ko para papasukin silang lahat.
May mga outsiders at inimbita ng Montenegro University ang eskwelahang pwedeng pumasok.
Sobrang dami parang magkaka- stampede pa sa pagmamadali ng iba.
Me and the SSG Officers raised our hands as a signal na pwede ng magpapasok.
Sa awa ng Diyos ay maayos naman ang pagpasok nila.
Someone grabbed me paglingon ko si Eyme hinihila ako.
"Eyme pwede calm down?!" Sabi ko dahil nakakaladkad na yung suot kong sapatos medyo masakit din sa paa.
Medyo kumalma naman siya.
At mahinahon akong kinaladkad patungo sa tapat ng Horror Booth.
Natanaw ko doon sina Fernando, Angelica, Maximo, Mia, Patricia, Yvonne, Alexei, Troy, Zac at Lucas.
"Ate 13 po kami." Sabi ni Max sa babaeng nagbabantay sa Horror Booth.
"Ay Kuya by six lang po ang pwedeng pumasok." Sabi ni Ate habang kinukuha ang mga id namin, bracelet, necklace, at kung ano anong cheche bureche na pwedeng mahablot sa loob.
"Ate hindi mo ba nakikita kasama namin? President at Vice President ng SSG ng Montenegro University kasama din namin yung anak ng may-ari ng Montenegro University. " Hayop na Maximo ito! Ginamit pa posisyon namin!
Hinyaan na lang kami ng babaeng nagbabantay at pinapasok.
Pagpasok pa lang namin sobrang dilim na at may iilang green laser lights at red laser lights na nawawala-wala.
Tapos may nakakatakot na tawa.
"UY SI CHUCKIE! ANG KYOOT!" Sigaw ni Eyme na manghang mangha.
Hindi kami katulad nung ibang babaeng tili ng tili pag nasa horror booth 'no! Actually pinagti-trip-an pa namin yung mga fake ghosts.
"KUYA PAARBOR NG RED HAIR MO!" Sigaw ni Patricia habang naka-hawak sa pulang wig ng lalaking nakaupo at biglang gumagalaw.
Paikot-ikot kami and I heard Fernando's giggles.
"Teka san ba talaga tayo dadaan?" Tatawa-tawang tanong ni Fernando dahil paikot-ikot kami sa lugar.
"KUYA Red hair mami-miss ko ang pulang wig mo kaso kailangan naming lumabas dito baka hindi makapasok ang iba." Pagkausap ni Patricia sa naka pulang wig.
"Doon sa baba ng table." Malaking boses na sabi ni Kuya Red wig.
Nagtulakan kaming lumusot sa ilalim ng lamesa.
At ako ang malas na nauna. Bakit malas? Aba nauntog-untog pa nila ako! Worst part?! NUNG NAKALABAS NA SILA AT NAKATAYO ABA TINULAK TULAK PA AKO!
MGA LESHE!
"OI DI AKO MAKATAYO OI!" Sabi ko and I felt Fernando's hands around my waist.
Bakit ko nalamang siya? YUNG AMOY NIYA SHEMS SO HOTTTTTT!
My eyes adjusted sa dilim at may nakita akong white lady.
"Oy Ate trip ko yang suot mo! Pang Oscar's ang dating pak na pak na bet na bet as in PINAKBET!" Sabi ko sanaka-costume ng white lady na naka white wig.
BWAHAHAHAHAHA
Meron din kaming nakitang painted na putol na kamay na hawak ng duguang lalaki.
"ANG COOL! AKIN NALANG ITO!" Sabi ni Fernando habang hawak ang art na kamay.
Binawi naman iyon ng naka-costume na lalaki.
"UY PAGKAIN YAN BRO?PENGE?!" Sino ba ang matakaw na kasama namin?
Edi si Maximo!
Sunabi niya yun sa goon na kumakain sa isang sulok ng kunyaring bituka pero ang totoo kinakain niya longganisa.
"DITO ANG DAAN." Parang robot na sabi ng white lady habang tinuturo ang bakanteng space sa gilid niya.
Pagkapasok namin doon ay biglang napasigaw si Mia.
"OMO ANG GWAPO NI KUYA DRACULA! KUYA PENGENG NUMBER NG CELLPHONE MO!" Natawa na lang ako sa sigaw niya.
"ANG GANDA NUNG BABAENG YUN OH!" Sigaw ng dalawang kulokoy na si Troy at Zac habang nakatingin sa babaeng asawa ni Dracula.
Marami pang lumapit na Zombie saamin.
"SINO MAY ANGHIT SA INYO! ANG TINDI NG SAPAK!" Sigaw ni Max habang naka-takip ang kamay sa ilong
"KILI-KILI MO YUNG NAAAMOY MO" Sabi ng mga Zombies.
LUMUSOT KAMI SA PAA NILA AT SA ILALAMI NG LAMESA PARA MAKALABAS.
WHAT A HELLA HORROR BOOTH ADVENTURE.
BINABASA MO ANG
Love Cuts
Humor◈Crush Kita respeto naman aba! Pag sinabi kong crush kita dapat crush mo din ako◈ "Sarah ,Sarah, Fernando, Sinong mahulog syang talo"