22.2 ZaVonne Version 2.0

179 5 0
                                    

Since hindi talaga naka-focus yung first sa ZaVonne kaya eto.

-------------------------------------

Nang kumakain na kami ay patuloy sa pagdakdak si Zack ng kung ano anong hugot niya.

"Yung baboy sa adobo flakes niyo parang puso ko... Hinimay himay ng taong mahal ko! NAPAKAMANHID TALAGA." Pagpaparinig nya kay Yvonne habang kumukuha ng adobo flakes na

I bet si Faye ang gumawa this past few days tinuruan siya ni Manang Yolie kaso bawal talaga siya pagsolohin sa kusina kaya ayon prito prito na lang siya ng leftover na onting garlic gisa adobo flakes gisa tapos.

"Yung iba kasi diyan parang sinigang. Pinapakilig ka lang tapos joke lang. Talagang mamanhid lalo na kung in the first place paasa lang siya." Pagpaparinig ni Yvonne pagkatapos humigop ng sabaw ng sinigang na baboy.

"Yan kasi yung problema... Akala lahat biro na hindi nalalaman na seryoso ako. Katulad nitong baboy na'to kala mo buto pero malaman hindi puro katigasan o kalokohan ang laman." Bwelta ni Zac at tinuro pa ang baboy sa plato niya na maliit at may malaking buto pero tama siya... Na maraming laman yung akala mong buto lang.

"Kelan ba naman magsiseryoso ang katulad niya? Parang buto ng baboy Walang kwenta bakit pa sinasama?" Bwelta naman ni Yvonne at itinapon ang buto sa plato ni Zack.

Halata sa mata ni Zack na nagtitimpi na siyang masigawan si Yvonne.

Sino ba namang hindi magagalit na tapunan ng buto ang pagkain niya?

Ano bang problema ng mga ito?!

Biglaang tumayo si Zack at ibilalibag sa mesa ang kutsara't tinidor.

"Ano bang problema mo?" Hindi man isinigaw ni Zack iyon ngungit sa diin nito ay halata mo ng galit na galit na siya.

"Ikaw ang problema ko Zack!" Sigaw ni Yvonne.

Nagkakatinginan nalang kaming walo na parang tulala habang hawak ang kutsara't tinidor.

"Ako pa?! Ako problema mo? Pwes problema kita! Napaka arte, napaka manhid, napaka pabebe! Kung problema mo ko eh di problemahin mo lang!" Diin ni Zack.

"TUMIGIL NA NGA KAYO! RESPETUHIN NIYO ANG PAGKAIN! KALMA TAYONG LAHAT! KUMALMA KAYONG DALAWA." Pagbasag ni Troy na kumain na lang.

Padabog na umalis si Zack sa kinatatayuan niya kanina.

"Zack kala namin gutom ka na?" Tanong ni Amethyst na medyo malapit sa kinalulugaran ni Zack.

"Hindi na. Busog na ko. Happy eating guys. Pahangin lang ako." Malumanay niyang sabi at umalis.

Busog? Eh ni hindi pa siya nakakasubo kahit isang kutsara ng pagkain?

Buti na lang at pinauna ko na sila Manang Yolie kumain. Kailangan kasi ni Manang uminom ng mga gamot niya kaya fixed na kakain siya tuwing 7:00 pm.




Pagkaalis ni Zack ay hindi na namin matiim na kumain pa. Kahit si Troy hindi na nakasubo pa sa pagkain niya.

"Alam niyo mamaya na tayo kumain lahat." Pagbasag ko sa katahimikan at ayos naman sa kanila except kay Yvonne na kumain pa rin.

Love CutsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon