Chapter 10

3.6K 74 5
                                        


Chapter 10

Threatened


Kahapon, naabutan ko si Kier sa aming sala abala sa kanyang telepono. Tumayo siya kaagad noon at nagtanong kung pwede kaming lumabas pero inayawan ko. Hindi na siya nakaangal dahil dirediretso akong pumanik papunta sa kwarto ko. I felt exhausted and tired but I don't care. Bumuhos ang mga text messages ng mga kaklase ko tungkol sa activity saka sa exam na nangyari pero ni isang butil ng kaba wala akong naramdaman. Ngayon, mamayang hapon pa ang pasok ko pero hindi ako makabangon-bangon mula sa kama. Ilang beses na 'kong tinawag nina Ate Barbara para sa almusal pero hindi pa rin ako tumatayo.

I checked only the text message from Harry.

From Harry:

Good morning, Nats.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe.

To Harry:

Good morning din! ;)

Ewan ko ba't nagkaroon kaagad ako ng energy na bumangon at ngumiti ng malaki. Hindi man ako nakatanggap ng pabalik na mensahe mula sa kanya, okay lang no! Tumingin kaagad ako sa salamin upang pagmasdan ang ngiti ko. Hindi pa rin ako sanay sa buhok ko na ganito kaikli kaya panay hawak ko nito. I am not regretting it. Okay naman siya...yata. Harry likes it so, it is fine!

I combed my hair by my hand. Inayos ko ang pajama ko pagkatapos ay lumabas na 'ko ng kwarto. Halos patakbo akong bumaba mula sa hagdan. Naabutan ko si Ate Barbara saka si Manang na nagpupunas ng vase. Napatingin ako sa orasan at may dalawang oras na lamang ako para maghanda. I mean para sa pagpasok sa university. Tinatamad nga 'kong pumapasok. Ang lakas ng hatak ng katamaran sa akin ngayon kaysa kasipagan. I wish there are pills that will make you persevere on some things.

"Natty, bumangon ka na rin..." ani ate Barbara at napatawa.

"Opo, si Mommy po pala?" tanong ko at umupo sa sofa.

"Maaga silang umalis ng Daddy mo..." ani Manang.

"Ah, ganon po ba?"

Napatingin ako sa lamesita. Napansin ko ang ilang chocolate bars doon. Naningkit ang mga mata ko. Wala kong maalala na bumili ako nito o maski sina Mommy saka Daddy bibili nito? Imposible!

"Galing 'yan kay Kier kahapon," ani Manang, abala pa rin sa pagpupunas. Si Ate Barbara nama'y naglakad papuntang kusina. My brow arched for seconds while looking at the bars. Hindi ako mahilig sa chocolates!

"Gusto niyo po? Sa inyo na lang po..." Tumayo na 'ko.

"Talaga 'nak?"

Napatawa ako sa galak ni Manang. "Opo."

"Salamat 'nak!"

"Wala po 'yon!"

Tumuloy na ako sa kitchen pagkatapos. I ate my late breakfast then I rush to the bathroom. I took a bath quickly. I am wearing casual clothes, denim skirt and a black statement tee shirt that I bought in Boracay last year. Naglagay lang ako ng powder then lip gloss. Mahigit 1 and half- hour din ang preparasyon ko bago ako ihatid ni Manong sa unibersidad. Traffic pa! 'Kala ko mahuhuli ako! Naabutan ko sa kwarto si Benj katabi si Lyne, abala sa pag-uusap. Tumabi ako sa kabila ni Benj.

"What's up!" I said cheerily.

Sabay tumingin ang dalawa. Napababa ng notes si Lyne.

"May exam tayo. Nakapag-review ka na?" tanong ni Lyne.

Umiling ako. "Hindi pa e. Tungkol saan ba?" Ni kaba, hindi matakot sa akin. I don't know why. I will let the luck gives the verdict for me. Kung hindi makapasa, okay lang. Kung makapasa, thank you, 'di ba?

Crash (SC, #0.5; ARTL, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon