‘Ayoko nga eh,’ medyong iritadong sagot ni Cybil sa pangungulit ni BJ. Kinukulit siya nitong sumama sa water safety demonstration slash celebration party ng mga ito. Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga cravat na ginamit ng mga trainees nang bigla itong lumitaw sa kanyang harapan at nagprisintang tulungan siya. Pumayag siya agad sa alok nito. Ngunit nang magsimula na itong mangulit sa kanya, she started to regret her decision.
Matagumpay naman ang naging demonstration ng mga ito. Everyone passed the bandaging and only few students failed the CPR. Most of the students have a medical history of asthma and their ventilations didn’t actually reach the ideal. They were given only two chances and luckily for them on their last try they passed. Kasalukuyang binibigay nga mga kasamahan ni Cybil ang mga ID at certificate. She felt bored kaya siya sinipag magligpit.
‘Bakit nga?’ Sinundan ni BJ si Cybil sa loob ng storage room. ‘Parang beach outing lang ‘yan at tska sa Maribago lang naman. Meron kaming beach resort doon na prinisenta kong ipagamit sa Chapter para sa water safety training namin at tska sagot ko naman lahat.’ Inilapag niya ang kahon ng cravat sa mesa at tumingin sa babaeng kausap.
‘Three days and two nights lang at kasama lahat ng mga volunteers. At,’ agad niyang dugtong at hindi na binigyan ng pagkakataong magsalita si Cybil. ‘Ipinaalam na rin namin ito kay Ms. Rachel and she’s cool with it. Mukhang sasama nga siya eh.’ Prenteng isinandal ni BJ ang kanyang balikat sa nakasarang pintuan. ‘Huwag ka namang KJ…’
She rolled her eyes. ‘Anong parte ba ng AYOKO ang hindi mo naiintindihan?’ sabi niya dito na nakataas ang isang kilay. Ang kulit talaga! sigaw ni Cybil sa kanyang isip. Inayos niya ang mga nakakalat sa loob ng silid. ‘Bat ba ako ang kinukulit ng isang ito? She quietly asked her self. Tumingin siya sa direksyon nito. Tahimik lang itong nakatayo, patiently waiting for something and just looking at him now, para bang napakaimportante para dito ang sumama siya sa beach party slash water safety demonstration. Wala sa sariling inayos niya ang kanyang salamin. Hay mga mayayaman nga naman, ang daming oras para maglaro! She audibly sighed and marched towards the door. Pinukol muna niya ito ng tingin at hinintay na tumabi ngunit nanatili lang ito sa kinatatayuan at mataman siyang tinitigan. ‘Do you mind moving your ass? Marami pa akong gagawin.’ maangas niyang sabi sa lalaking nakaharang sa pintuan. Ngumiti lang ito sa kanya. She glared at him pero hindi pa rin ito natinag.
‘Sumama ka na please…’ may halong pagpapacute ang pagmamakaawa nito.
She looked away and secretly winced. Mas lalo ‘atang gumuguwapo ito sa mga mata niya. HINDI! She gave her head a tiny shake para mabura ang kanyang iniisip. ‘Look,’ mahinahong simula niya. ‘I’m sorry, but I can’t...’
‘But Cy, this might be the last time we’re going to see each other.’
Her head snapped immediately to his direction. Ano raw? Hindi alam ni Cybil kung saan siya nagulat. Ang pagtawag ba nito sa kanya ng ‘Cy’ o ang kahulugan ng mga katagang binigkas nito. The former, she decided after she recovered from her minor shock. ‘You guys can visit us here. We’re not going anywhere,’ she said matter-of-fact.
Umiwas ito ng tingin kay Cybil. ‘Pero ikaw ang gusto kong makita,’ mahinang sabi nito.
Hindi sigurado si Cybil sa narinig. ‘What was that?’
Nag- angat ito ng tingin at agad naman nagkasalubong ang kanilang mata. ‘Nothing. Cybil sige na, sumama ka na. Please? Promise hindi kita kukulitin sa beyahe, hindi kita pipilitin maligo sa dagat at hinding hindi kita pipiliting sumali sa tagayan, just… please sumama ka lang. At tska diba dapat nandoon ka para ievaluate kami para sa aming water safety demonstration?’
‘No-’ naputol ang sasabihin sana ni Cybil nang may naramdamang nanginginig sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad sinagot ang tawag. ‘Yeah? Hello? Seff? Hello…? Hey-… Hello… Seff…? Hindi ko maintindihan… hello? Look call me back after two minutes.’ Tinapos niya kaagad ang tawag. ‘Please Mr. Reynolds let me out. It’s a very important call.’
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
