‘ITO na po lahat ng nakalap kong impormasyon sa pinapahanap mo sa akin sir.’ Inabot ng PI sa kanya ang isang folder. Laman ng folder na iyon ang mga impormasyong ayaw sabihin sa kanya ni Cybil.
‘So, anong laman nito, Elmer?’ itinaas nito ang hawak na folder. Tamad pa siyang basahin ang nakalagay sa report nito.
Nagkamot muna ito ng ulo bago nagsalita. ‘She went to an international school in Manila, exclusive ang iskuwelahan iyon para sa mga Spanish children or may dugo o decendant na Kastila. Pero bukod doon, mayayaman at kilala sa lipunan ang isa pang criteria ng iskuwelahang iyon para makapasok ang isang istudyante. Hindi sana tatanggapin si Ms. Krizia roon dahil masyado pa siyang bata, she was ten years old then at required ng school at least twelve years old. Pero naimpress ang board sa mga records ni Ms. Krizia mula sa mga guro nitong naghome school sa kanya and added to the fact na linguist na ito at the age of ten kaya tinanggap nila ito.’ Uminom muna ito ng tubig bago nagpatuloy. ‘Noong second year high school siya simulang nahumaling sa Red Cross. Ang organization kasi ito ang unang tumulong sa kanya noong muntik ng mamatay ang kambal dahil sa dengue. She was in third year ng mag under gone ng first bypass surgery ang nanay niya and the year after. She was a working student but managed to graduate as a valedictorian. After graduation na assign ang kanyang ina dito sa Cebu kaya lumipat sila dito. She took up Nursing and graduated as Summa Cum Laude two months before her 18th birthday. May problema sa kanyang mga papeles kaya hindi siya nakatake agad ng board so she accepted RC’s offer to be a youth representative and ongoing ang training niya sa ospital sa pagiging OR nurse.’
Salubong ang kilay ni BJ sa narinig at nang mapagtanto niyang tapos na itong magsalaysay. ‘Iyon lang?’ Nakukulangan siya sa mga inpormasyong nakalap nito. Like, how come she went to an internation school and at the same time working student. Paano nito binayaran ang tuition nito? Malabo at parang pinili lang ang inpormasyong nakuha ni Elmer.
Marahan na tumango ang PI. ‘Opo iyon lang po?’
‘How about her family? Her father? Her life before sila napadpad dito sa Pilipinas.’
‘Eh sir… iyang mga informations lang ang inaallow-’
‘What do you mean?’
‘Confidential po ang mga information na binabanggit mo.’ Tumikhim muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. ‘Tight ang security at hindi puwedeng ihack iyon.’
‘Hindi puwede o ayaw mo?’
Nagtaas noo ito. ‘Hindi ko na kailangan ihack iyon, puwede ko iyong iopen kahit kalian ko gusto.’ Masamang tingin ang pinupukol niya rito. Kung puwede naman nitong iopen ang naturang files, bakit hindi pa nito ginawa? ‘Hindi po puwede,’ saad nito na tila nabasa ang iniisip niya. ‘Ayokong matanggal sa trabaho. Mas mahal ko ang trabaho ko sa angency keysa sa pagiging PI ko.’ Tinaasan niya ito ng kilay at mukhang na kuha naman nito ang nais niyang iparating. ‘Ako ang gumawa ng software para itago ang mga inpormasyon ipinapatago sa akin ni Bossing. Sir, hindi ko puwedeng basta na lang ibigay sa inyo ang mga iyon. Malaking risk at may buhay na manganganib.’ Napabuntong hininga ito. ‘At tsaka isa pa malapit na kaibigan ni Bossing si Miss Krizia kaya hinding hindi niya papahintulutan na may magleak na mga informations...’
‘NASAAN ang girlfriend mo Cap?’ nakasigaw na tanong ni Eric sa kanya. Ito ang kanilang center ang ‘big man’ ng first five. Nasa isang club sila sa Mango Avenue at kasalukuyang nagsecelebrate ng kanilang unang panalo sa pagbubukas ng CeSAFI. Sila lamang lima ang nagkasundong lumabas ng gabing iyon kasama ang mga girlfriend. ‘Ikaw lang at si Van ang walang partner ngayon.’
‘May nauna siyang lakad eh,’ natatawang sagot niya. ‘Hindi niya mahindian.’ Kahit nadisappoint siya nang tumanggi si Cybil na makilala ang mga kateamates at barkada niya hindi na niya ipinahalata sa mga ito. Hindi rin siya sigurado kung may lakad ba talaga ito nang gabing iyon o nagdahilan lang ito sa kanya. Simula noong isang araw sa party ni Clarisse iniwasan muna niyang kulitin ito. Mukhang hindi pa kasi ito nakarecover sa kung ano man ang pinag- usapan nito at ni Rewbell.
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
