Chapter 1: Tukmol meets Cholera, Cholera meets Tukmol

699 14 1
                                        

‘Ah…’ huminga si Cybil ng malalim habang nakatayo malapit sa pintuan ng eroplano. ‘Na miss ko ang amoy ng Pinas!’ nakangiting niyang sabi. Kalalapag pa lang ng sinasakyang eroplanong at kasalukuyang pababa siya dito. ‘Cholera!’ malakas niyang sabi nang madulas siya at kamuntik na ma-out of balance. Napakapit tuloy siya nang wala sa oras sa balikat ng lalaking nasa unahan niya.

Nilingon siya ng lalaki. ‘Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Umandar na naman iyang kalampahan mo,’ buska nito. ‘Mag ingat ka nga Krizia.’

She pushed her glasses and then smiled charmingly at him. Sa loob ba naman ng isang taon niyang pagiging youth representative ng kanilang chapter, na sanay na siya dito. Ito si Ralph, katulad niya’y isa rin itong service chapter youth representative pero magkaiba sila ng chapter. He represented the national head quarters while she representing the Cebu chapter of RC. Naging magkaibangan lang sila pati na ng iba pang youth rep nang mapasabak sila sa isang activity noong isang taon. ‘Ang bait mo talaga sa akin Ralph ‘no?’ komento niya habang tahimik na inaayos ang kanyang salamin. Tumabingin na naman ito at hindi na halos niya makita ang dinaraanan.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at masuyo siyang ginaya pababa. ‘Lalampa- lampa ka kasi!’ buska na naman nito. ‘‘Bat ba parang nagmamadali ka?’

‘Kasi po may trabaho pa po ako ngayon at,’ sabi niya habang tinataas ang hintuturo upang pigilan itong magsalita. ‘Miss ko ang Mama at mga kapatid ko. Anim na linggo kaya akong hindi umuuwi. Sana nga lang hindi ako kinalimutang nga mga iyon!’ Ipinadala kasi siya sa mga seminars, trainings at kung ano- ano pang mga activities ng youth rep.

‘Adik!’ komento naman ni James na nasa likuran lang niya. ‘Nakatira ka na naman ba ng Methamphetamine?’ hirit nito. ‘May kinalimutan bang halos araw- araw kung tumawag and take note tumatagal pa talaga ng isa oras! Iyon ba ang kinalimutan?’

‘At tska merong pang,’ Christian cleared his throat. ‘Don’t forget to drink your milk and take you’re vitamins, okay?’ sabi nito habang nag boboses babae na dahilan upang magtawanan ang kanyang kasamahang lalaki.

Cybil stared at him, shook her head and chuckled. Siya naman ang nakita ng mga kasamahan niya. True, gabi- gabi siyang tinatawagan ng kanyang ina just to checked on her. Meron kasi siyang asthma at hindi mapapanatag ang loob ng kanyang mama hanggat hindi siya nito nakakausap. ‘Ewan ko-’

‘Hoy mga lalaki!’ mahinang sigaw ng isang matangkad at mestisang babae sa kanilang likuran. ‘Kung umasta kayo parang wala na kayong iba pang kasama ah…’

‘Ang bilis talaga ng karma,’ sabi niya sa mga kasamahang lalaki. Medyo may kalayuan na pala sila sa iba pang rep. ‘Lagot kayo ngayon kay Meg,’ sabi niya habang kinukuha ang mga bagahe. Si Margaret lang naman ang naturingang pinakamaldita sa kanilang mga babae. Maldita pero given a chance to know her, she was a sweet girl anyone can imagine and not to mention loyal. ‘So paano ba iyan,’ pagkuha niya ng atensyon sa mga kasamahan na busy sa pagkuha ng kanikanilang mga bagahe. ‘YM, Skype, Facebook, Friendster, MySpace, Multiply, text at call nalang tayo… in short see you when I see you…’

‘Hala, adik na talaga!’ narinig niyang komento ni James. Tulad ni James abala rin ang iba sa pagtulong sa mga kababaehan. ‘Hoy ingat ka baka mahuli kang may bitbit ng Meth madamay pa kami,’ tatawa- tawa nitong sabi. He intentionally mentioned methamphetamine sa halip na shabu. Para raw sosyal pakinggan.

‘Cholera ka!’ pabirong binatukan niya lang ito. Magsisimula na sana siyang maglakad papalayo sa grupo nang biglang may kamay na humawak sa kanyang braso. Niligon niya ang nagmamay- ari ng kamay and she saw Ralph. ‘‘Nong problema pare?’ maangas niyang tanong dito, tumaas baba pa ang kanyang kilay.

‘Hatid na kita.’ Prisenta nito. Alam nitong mawalain siyang tao. She was not really good at directions. Medyo nalilito lang siya ng kaunti. Ngumiwi siya nang maalaala kung gaanong hirap ang dinanas niya upang memoryahin ang airport na iyon. It took her several years, she sighed inwardly. Kasalanan ba n’yang madaming pasikutsikut sa loob ng airport? She sighed again. Okay fine, mawalain na nga siya!

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon