Chapter 28: Her ancestor's story.

405 12 4
                                    

“BAKIT ang tagal mo?” nakakunot ang noo niyang tanong sa kauupo pa lang ng PI.

                “Personal kong inasikaso ang siguridad ng kapatid ng amo ko,” matamlay nitong sagot. Nanghihinang umupo ito sa bakanteng upuan sa harapan niya at napabuntong hininga ito sabay pikit ng mga mata habang isinandal ang likod sa sandalan. Mayamaya pa hinilot nito ang ilong at sentido. “‘Langyang mga taga- media ‘yan!  Ang kukulit! Daig ko pa ang nagprotekta ng isang Presidente o Prime Minister. Ang sakit sa katawan!”

                “Kumusta na siya?”

                Umayos ito ng upo. “Si Ms. Krizia Sir?” Tumango lang siya bilang sagot dito. “She’s okay. She got six stitches sa kanyang forehead and four stitches sa kanyang braso. It was a nasty fall kaya medyo malalim ang mga sugat na natamo niya. Aside sa sugat niya sa noo at braso at mangilan ngilang pasa at bukol, she’s okay.”

                “Ano bang nangyari?” Ikinuwento nito sa kanya ang nangyari nang umagang iyon. “What? Eh nasan na ang tumulak sa kanya?”

                “Nadeport na at doon sa London kakasuhan.” Naiiling ito. “Ewan ko kung puwede iyan pero with her family’s influence hindi malayong mangyari ‘yon. Ang yaman nga naman ng pamilya nila Ms. Krizia. Kahit pa pagsama samahin ang kayamanan ng amo ko at ng buong barkada nila wala pa siguro sa kalingkingan iyon kumpara sa kayamanan ng mga-”

                Eksaherado siyang tumikhim upang makuha ang atensiyon nito. When he did get his attention he looked meaningfully at his wrist watch.

                Agad naman nakuha nito ang ibig niyang iparating. Tumalima ito at may kung anong papel ang kinuha sa bag. “Sabi ni boss ipabasa ko raw muna ito sa iyo bago ko sagutin lahat ng mga katanungan mo.” Nagtatakang sinulyapan niya ito. “Alam niya ang pagtawag mo sa akin at may go signal na niya ang pagkikita natin ito. At sasagutin ko lahat ng tanong mo pero basahin mo raw muna ito.”

                Tahimik niyang binasa ang nakasulat. “You can ask Elmer every information you want patungkol sa kapatid ko. Elmer will answer you trutfully pero bilang kapalit hinding hindi ka na magpapakita kay Cy. Alam kong nag- aabang ka pa rin sa labas ng bahay nila matapos kitang pinagbawalan  magpapakita sa kanya. This is my last warning. Kapag nalaman ko na nagtangka kang lumapit or even attempt to talk to my sister o kahit ang pag- aabang mo sa labas ng kanilang bahay, kukumbinsihin ko na talaga si Cybil na magfile ng restraining order sa iyo.”

                Napabuntong hininga si BJ at wala sa sariling naihilamos ang kanyang mga kamay sa mukha. Bilib na siya sa ano mang radar mayroon si Sev. Nalaman talaga nito ang ginawa niyang pag- aabang sa labas ng bahay nila Cybil nitong nakaraan kahit ano pa ang ingat na gawin niya.

                Inaabangan niya si Cybil sa labas ng bahay nito hoping na kahit man lang sa malayo masulyapan niya ang dalaga. Pero sa loob ng apat na araw na pag- aabang niya wala ni anino nito ang nakita niya. Kahapon nga lang nagmamadali siyang umalis matapos ang kanilang practice para mag- abang sa dalaga, na ikinagalit naman ng kanyang mga kateammates. Napapabayaan na raw niya ang kanyang laro at ang team sa inaakto niya, which was true.

                “May pagkaparanoid si boss at OA iyan kung magprotekta sa mga kaibigan niya lalo na sa itinuturing niyang nakakabatang kapatid.” Ngumiti ito sa kanya. “Pero naintindihan ko siya. Kung mahalaga sa iyo ang isang tao, dapat lang naman talaga na protektahan mo siya ‘di ba Sir?”

                Wala sa sariling tumango lang siya.

                “So ano bang gusto mong malamang impormasiyon tungkol sa kapatid ng amo ko?”

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon