Chapter 17: Is it possible?

358 8 0
                                    

‘PESTE!’ he hissed as Cybil stormed out of the function hall. Nanggigigil na sinipa ni BJ ang pader at nang hindi pa makuntento pinagsusuntok naman niya ito. ‘Agay…’ nakangiwi niyang sabi nang tumama ang kanyang kamao sa isang steel na nakadikit lang sa pader. ‘Shit!’ he said at tinignan ng masama ang nasuntok na steel. Naasar talaga siya sa sarili sa mga nasabi niya sa dalaga. Hindi naman siya normal na ganoon. Normally madiskarte at suave naman siya pagdating sa mga babae. Nasaan na ba ang suave at madiskarte niyang sarili? ‘Tsk…’ he said then followed it with a grunt. Sira nga pala lahat ng mga diskarte niya pagdating sa dalaga. Kung hindi man uubra, mababara naman ito ni Cybil.

He sighed. Hindi naman talaga niya intensyong insultuhin si Cybil kanina pero nang makita niya ang reaksyon nito matapos ng kanilang halik, for some reasons hindi niya alam ang sasabihin dito. Parang gusto niyang magsisi sa ginawa na para rin hindi. Gusto niyang magsisi dahil ginamit niya ang kanyang halik para panakot dito pero at the same time nag- enjoy siya sa halik na pinagsaluhan nila. Kaya sa kasugtuhan niyang may masabi, hindi na niya napansin na masasakit na mga kataga na pala ang kanyang nasabi rito. Siguro dahil na rin iyon sa kanyang nadiskubrihan nang gabi iyon. Dave might be Cybil’s first love but he was her first kiss. At least ngayon may lamang na siya kay Dave. And it really do good to his ego.

Muli siyang napabuntong hininga. Hahabulin sana niya ang dalaga ngunit napagpasyahan niyang palamigin muna ang ulo nito. Mahirap na baka matikman na naman niya ang lakas ng kamao nito. Wala sa sariling nasapo niya ang pisngeng sinampal nito. Sampal at hindi suntok, he thought silently. Nanglalaki ang mga matang napatingin siya sa pintuan ng function hall kung saan lumabas si Cybi. ‘Shit…’ mukhang nasaktan niya ng husto si Cybil. At mas masakit pa pala itong manampal kaysa sa manuntok. Napangiwi siya habang wala sa sariling minamasahe ang pisngeng natamaan ng kamay nito. ‘Patay ako nito…’

After thirty minutes tahimik na bumalik si BJ sa party at pasimpleng umiwas sa mga magulang. But his father managed to corner him and inquired about his missing girlfriend. ‘May nangyari sa mga kapatid nito kaya nagmamadaling umuwi si Cy- Krizia sa kanila,’ pagsisinungaling n’ya. ‘Ako nalang daw ang magpapaalam sa kanya sa inyo.’

Tumango lang ito. ‘So when will you take over the company and quit basketball?’

BJ helplessly shook his head and threw his arms in the air. ‘Come on! Not that again Dad.’ Tatalikuran n’ya sana ang ama ngunit pinigilan siya nito.

‘Sige ra kag ug basketball,’ saad nito na bahagya ng tumaas ang boses. ‘Palagi ka nalang nagbabasketball. Ano naman ang mapapala mo d’yan? Papasok ka bilang professional basketball player? Hindi lang ikaw ang nangangarap na maging propisyon ang pagbabasketball BJ marami pa iba… marami pang mas magaling kaysa sa’yo. Paano kung hindi ka makapasok? Then what?’ Tinungga muna nito ang laman ng kopita. ‘Baka nakakalimutan mong may responsibilidad ka sa pamilyang ito BJ? Paano ang kompanya-’

‘Hindi ko naman talaga ‘yan responsibilidad eh.’

‘Bakit ba nagrerebelde ka sa akin? Bakit hindi ka tumulad sa Kuya Wade mo-’

‘And you asked me kung bakit ako nagrerebelde sa n’yo Dad?’ Napatiim baga siya at pilit na pinapakalma ang sarili. Ito ang ayaw na ayaw niya sa ama. Palagi lang siya nitong ikinokompara sa namayapang kapatid and he hated him for that. Kaya ng maaga siyang bumukod sa mga magulang dahil sa issue na ‘yan. ‘Try asking yourself the same question Dad maybe you can answer that.’ Iiwan n’ya sana ang ama pero muli na naman siya nitong pinigilan. ‘You’re asking too much from me Dad. Buhay ko na ang basketball at ayokong iwan iyon para lang d’yan sa kompanya mo.’ He started walking away then suddenly he stop and without looking at his father he said, ‘And I’m not Kuya Wade Dad na sunod sunuran sa gusto mo.’ Nayayamot na lumabas na siya ng function hall na hindi man lang nagpaalam sa ina at mga kamag- anak.

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon