Chapter 18: The second cut is the deepest?

357 12 2
                                        

NANGHIHINANG umupo si Cybil sa isang silya na malapit lang sa kama. Ang taas ng kanyang adrenaline level kanina after tumawag si Van kaya ngayon daig pa niya ang lantang gulay sa sobrang pagod na nararamdaman. Idagdag pa ang buong magdamag niyang pagtayo sa loob ng OR at RR. Napagtripan kasi siya ng kanyang OR manager at pinapasok siya sa loob ng OR kahit na day off pa n’ya. Napabuntong hininga siya. The past hours were hell for her. Puno iyon ng tensyo at pag- aalala para sa binata. Somehow ang galit na nararamdaman niya sa ginawa nito sa kanya ay bigla nalang naglaho. Mas importante sa kanya ngayon ang kaligtasan nito.

The moment Van told her about the sudden disappearance of BJ’s right lower quandrant pain, she immediately instructed Van to transport BJ sa ospital na pinagtatrabahuan niya para naman maipanatag niya ang kanya kalooban. Halos kilala na kasi niya ang mga tao sa OR team at masasabi niyang puro magagaling ang mga iyon at tska gusto rin niyang may easy access siya lalo na sa loob ng operating room. After Van hung up, she immediately called the emergency room doctor on his private number. She’d been assign in the ER when she was a student at medyo naging close na rin niya si Mark, one of the ER doctors and not to mention one of her makulit suitors. Sinabi niya rito ang kanyang assessment kay BJ at nang dumating na nga ang binata sakay ang ambulance ni-reassess nalang nito ang binata bago isinugod sa operating room. Nang sinabi ni Mark sa kanya na pinasok na ito sa OR saka pa lang siya nagpahatid kay Marguax.

Kulang na lang magwala siya nang dumating siya sa ospital at nalamang hindi pa nauumpisahan ang operasyon ni BJ. Tumangging pumirma raw ng consent ang taong nagdala kay BJ doon kaya naman hinihintay ng buong staff ang mga magulang ng binata. Nagdadabog na lumapit siya sa admitting officer, nagpakilala bilang girlfriend ng binata at kinuha ang consent. Sahalip na maniwala at ibigay ang consent form sa kanya, tinawanan lang siya nito. Sa loob ng mahigit isang taon niyang pagiging trainee sa ospital na iyon, kilala na siya halos lahat ng mga staff.

‘Weh? Boyfriend mo girl?’ nangunguksong tanong ni Jovani sa kanya. Medyo maypagka babae ito kung manalita at kumilos pero ayon dito hindi raw ito bakla. ‘Ambitious much Krizia?’

Magmamaldita sana siya rito pero bigla nalang sumulpot ang kanyang OR manager. ‘Oh for Christ sake give the damn consent to Krizia, Jovani!’ Nagkukumahog namang ibinigay nito sa kanyang ang naturang porma. ‘Bilisan mo d’yan at magprep ka na,’ sabi nito habang pinipirmahan niya ang consent. ‘Ikaw na ang magscrub sa case ng boyfriend mo-’

‘Puwede po bang ako nalang ang Circulating Nurse Miss Yena?’ she pleaded. ‘Wala po ako sa sarili ko ngayon baka magkamali lang po ako eh.’ Her OR manager rolled her eyes, ang akala niya hindi ito papayag sa gusto niya pero surprisingly pumayag ito. Ito na raw ang magiging Scrub Nurse –ang maghahandle ng sterile instrument at inaabot sa surgeon– habang siya naman ang Circulating Nurse nito –the one who handles the unsterile objects.

The first five minutes after the operation started was okay but when Dr. Angelo successfully opened the peritoneal cavity nagsimula na rin itong maging makulit. The said surgeon was notorious for that. ‘I heard boyfriend daw ni Krizia itong si Mr. Reynolds,’ natatawang sabi nito. ‘Kaya pala binasted ni Krizia si Doc Mark dahil mas gusto niya ang mga basketball players kaysa sa mga doctor.’

Ipagwalang bahala n’ya sana ito pero medyo naasar siya nang halos lahat na nasa loob ng theater ay tumawa. Agad na nag- angat siya ng ulo mula sa pagsusulat ng chart ni BJ at sa panggilalas niya, pati rin pala ang kanyang OR manager natawa sa sinabi ni Dr. Angelo. Cholera! ‘Ah… excuse me lang po ah, I’m here pa po.’ Itinuro pa niya ang kanyang sarili. ‘Kung makapagsalita po kayo para lang wala ako rito ah,’ asar niyang sabi sa mga ito. Ngunit sige pa rin ang mga ito sa pangungulit sa kanya. And the theater was filled with laughter at her expense. Hindi naman nakakaoffend ang mga sinasabi ng kasamahan niya kaya naman hinayaan nalang niya ang mga ito.

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon