Chapter 15: Hindi rin makulit si past eh no?

357 9 1
                                    

‘ANG kati… kati… kati… kati… kati… katiii ng katawan ko!’ makulit niyang reklamo habang nagkakamot sa likod, hita, binti, kamay at dibdib. ‘Cholera! Kasalanan mo ‘to Tukmol eh!’ paninisi niya sa katabi sabay hampas sa balikat nito.

‘Cybil!’ Hindi man lang siya sinulyapan nito. Nasa daan pa rin ang mga mata nito. ‘Bakit ba ako ang sinisisi mo? Hindi naman ako nagyayang uminom ah.’

Hinarap niya ito habang kinakamot ang tiyan. ‘Sana pinigilan mo man lang ako. Tignan mo tuloy ang nangyari sa akin.’

‘Hindi ko naman alam na may allergy ka pala. Akala ko drama mo lang iyong-’

‘Chorela. Anong drama?’ nanglalaki ang mga matang tanong niya dito. Sa asar niya sa tinuran nito nasabunutan niya ito ng wala sa oras. ‘Hindi ako nagdadrama lang ‘oy!’

‘Aray! Cybil ano ba,’ sabi nito na bahagyang inalis sa daan ang mga mata. ‘Umayos ka nga d’yan. Baka mabangga pa tayo nito.’

Nakangusong sumandal siya sa upuan habang wala sa sariling nagkakamot.

‘You drink your meds na?’

‘Yup,’ tipid niyang sagot dito. After noong nagising siya sa bahay nito matapos nilang mag- inuman, two days ago, naging maaalahanin na ito sa kanya. Every now and then na ito kung maka check sa kanya. Tawag dito, tawag doon at kapag hindi niya sinasagot ang tawag nito –which happened almost all the time- bigla nalang itong susulpot sa kung saan man siya.

Well, she couldn’t blame him. Nagising ba naman siyang kasing pula ng kamatis at nagkataon pang inatake siya ng hika at naglalabored breathing na agad naman ikinapanic ng binata. Kung hindi nga niya ito napigilan baka isinugod na siya nito sa ospital.

The moment she opened her eyes the night after she got ‘drunk’ umakto siyang parang wala lang nangyari. Hindi niya inungkat ang mga bagay na napag- usapan nila ng binata nang gabing iyon. She wasn’t drunk that night as what BJ insisted. Medyo tipsy lang siya pero hindi siya lasing. Kaya naman tandang tanda pa niya bawat salitang nabitawan nang gabing iyon at siyempre pa ang kalukohang ginawa para makaganti sa binata.

She knew about BJ contacting Elmer. Tinawagan siya ni Elmer sa mismong araw na kinontak ito ng kliyente nito para maghanap ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa kanya. Sinabi nito ang pangalan ng kliyente at para naman na pantig ang tenga niya sa narinig. Hindi nga lang niya nakompronta ang binata dahil kinaladkad na siya nito sa bahay nito para sa make over daw umano niya. Alam na rin ni Sev ang issue na iyon pero ang alam ng binata nagrarandom searching lang si BJ. Luckily for her hindi na gaanong nag- usisa pa si Sev patungkol kay BJ.

Kalkulado at pinag- isipan niyang mabuti ang mga sinagot niya kay BJ that night. All of that was true though. What scared her was the part about Dave. Hindi niya intensyong sabihin dito ang tungkol sa kanila ni Dave pero nang tanungin siya ni BJ tungkol sa lalaki basta nalang niya itong sinagot. Napakadali lang para sa kanya na ikuwento rito ang tungkol sa kanila ni Dave. There was something ni BJ na para bang kay dali lang makipagkausap dito. And after talking to him inaamin niya sa kanyang sarili na she felt good kaya nga niya ito pinagtripan eh.

‘We’re here na Cy,’ narinig niyang sabi nito. ‘Ako na lang kaya ang-’

‘Ako nalang,’ sabi niya habang tinatanggal ang seatbelt. ‘May tampo sa akin si Kyle ngayon and I was hoping to surprise with this para naman matanggal ang tampo n’ya.’ As a payment for rescuing her two nights ago, BJ demanded her to watch his game today. Kahit pa bahagya pang namumula ang kanyang katawa sa allergy, ipinagpilitan pa rin nito ang gusto nito. What made her grateful was that he wanted her brothers to come with them. Matagal tagal na rin silang hindi nakakapagbonding na magkapatid kaya nga may tampo si Kyle sa kanya ngayon so she grab the chance and be grateful about it.

Pinuntahan na niya ang kinaroroonan ng kambal at sinabi sa dalawa na manonood sila ng game ni BJ bago umiwi. Nakahinga siya ng maluwag nang agad na nawala ang tampo ni Kyle sa kanya. Upon hearing her news bigla nalang siyang niyakap ni Kyle at nahihiyang hinalikan sa pisnge. At nagpakandong pa ito sa kanya nang binabagtas nila ang daan patungong Cebu Coliseum. Naging fan na ni BJ ang kambal simula noong ipinakilala niya ito bilang boyfriend niya.

‘Kuya, sino ba ang makakalaban ninyong team ngayon?’ magiliw na tanong ni Kyle.

Napansin ni Cybil na bahagya nag- atubili ang binata. ‘T-Team nila,’ sinulyapan muna siya nito bago itinuloy ang pagsasalita. ‘Ken at Johan.’

‘Ayos ah!’ it was Kent. ‘Sila ang champion last season. Sana matalo ninyo sila kuya.’

Marami pang pinag- usapan ang mga ito pero hindi na niya nasundan pa. Abala siya sa pagmumuni- muni sa kung anong mangyayari mamaya kapag nagkita na naman sila ni Dave. She knew too well na manonood si Dave sa laro nila Kenneth. Iyon pa? Kahit na halos hindi na kilalanin ng mga kabarkada niya si Dave dahil sa ginawa nito sa kanya alam niyang kaibigan pa rin ang turing ni Dave sa mga ito. At ito ang klase ng kaibigang susuporta kahit anong mangyari.

Medyo maaga silang nakarating sa Cebu Coliseum kaya naman inihatid sila ni BJ sa kanilang upuan. ‘Natutulala ka na d’yan ah. Okay ka lang?’ tanong nito habang nakasquat sa kanyang harapan. Marami-rami na ang mga taong nakaupo sa kanilang banda at halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanila... sa binata.

‘Okay lang ako,’ sabi niya na pilit pinapasigla ang boses. ‘Bakit-’

‘Ate Cy… I want to wiwi…’

Patayo na sana siya upang samahan si Kent sa banyo nang bigla siyang pinigilan ni BJ. ‘Ako na ang sasama kay Kyle,’ nakangiting sabi nito habang patayo. Binalingan niya ang isa pang kapatid. ‘Ikaw Kent?’

Cybil smiled as she saw the twins winced in unison. ‘Dito lang ako kuya. Sasamahan ko si ate rito. And oh… I’m Kyle,’ sabi nito habang itinuturo ang sarili. ‘And that’s Kent Kuya…’

‘Hindi ko talaga kayo mahulaan dalawa,’ natatawang sabi nito habang ginugulo ang buhok ng kambal.

Pagtalikod na pagtalikod ng mga ito, agad na humarang sa daan ang mga fans ng binata. Kadalasan mga babae, mapadalagita man, dalaga at kolehiyala hanggang sa ginang nakikamay nagpapicture, nagpa- autograph at yumayakap sa binata. Meron pa ngang iba na medyo outrageous na. Inaamoy, hinahalikan at pinanggigilang kinurot ang mukha at braso ng binata. Game naman si BJ pero napansin ni Cybil na medyo nabura ng kaunti ang pormal na ngiti nito nang may magtangkang nakawan ito ng halik sa bibig. Pasimple itong napatingin sa kanya at ngumiti ng ubod ng tamis sabay kindat. It was as if to reassure her not to be jealous. Yeah right…

After five minutes, BJ politely excuse himself from the crowd. Halata namang ayaw pa sanang pakawalan ng mga ito ang binata pero wala na man ring nagawa nang tumalikod na ito at nagmartsa palayo. Kahit ang pagtalikod at paglayo ng binata ay documentado pa rin ng mga ito. Nakangiting napailing nalang si Cybil.

‘Ate Cy…’ tawag ni Kyle sa kanya na niyuyugyog pa ang kanyang balikat makuha lang agad ang kanyang atensyon. ‘Kuya Sev, ate Marguax and ate Rae are here also,’ itinuro nito ang kinaroroonan ng mga kaibigan.

Agad na napasulyap siya sa direksyon itinuro ni Kyle. There she saw her friends gaily talking to each other and when Marguax noticed her she happily wave a hand. Ngumiti lang sa kanya sina Sev at Rae. But what really caught her attention was the guy seated next to Marguax. Sa unang tingin para lang hindi ito kilala ng mga kaibigan niya. Kontodo deadma ang mga ito kay Dave at halatang hindi sinasali sa usapan. Napansin siya ng lalaki at matamlay na ngumiti habang pasimpleng itinaas ang isang kamay, tanda ng pagbati nito. Umiwas agad siya ng tingin.

‘Excuse me Miss…’

Isang maliit at morenang babae na naka tube top at short shorts with gladiator sandals ang nakita niya nang lingunin niya ang tumawag sa kanya. ‘Yes?’ Namumukhaan niya ito. Ito ang babaeng pilit magnakaw ng halik kay BJ kanina.
‘Naa lang unta ko… ay kami diay. Naa lang unta miy pangutana nimo Miss ba.’

‘May tanong po kayo sa ate ko?’ tanong ni Kyle dito. Alam niyang pasimpleng itinatranslate nito ang mga sinasabi ng dalaga. ‘Ano po iyon?’

‘Nahibong lang mi ba. Tig-unsa mong BJ?’ Agad namang nagsilapitan sa kanila ang mga alepores nito.

‘Nagtataka po kayo kung magkaano ano ang ate ko at si kuya BJ?’ nakataas ang kilay na tanong ulit nito sa babae. ‘Hindi rin po kayo halatang tsimosa ‘no? Mangialaman daw bang sa buhay na may buhay?’

‘Kyle-’

‘Uyab… dili ba obvious?’ nakangiting salo ni BJ. Nasa likuran lang pala ito ng babae at nakalapit sa kanila nang hindi man lang nila napapansin. Kasama nito ang kanyang kapatid na kasalukuyang may hawak na dalawang hotdog on stick.
‘What! G-Girlfriend nimo?’ hindi makapaniwalang tanong nito.

Lumapit si BJ sa kanya at masuyo hinawakan ang kanyang kamay.

‘Bakit, hindi ba ako bagay maging boyfriend ni Cy at ganyan ka na kung makareact?’ Bahagyang siyang yumuko upang maitago ang ngiti niya sa labi. Halata na kasi ang pagkaasar ni BJ sa dalaga kaya ganoon ito kung makasagot.

Hindi nagtagal nagpaalam na rin ito sa kanila. Mayamaya nagpaalam na rin si BJ sa kanila. Dumating na raw ang mga ka teammates nito at naghahanda na sa baba. ‘Cy,’ tawag nito sa kanya. ‘Uupakan ko talaga si Dave kapag sumubok pa siya makipag- usap sa’yo.’ Hinaplos nito ang kanyang pisnge. ‘Don’t worry okay?’ Napangiting tumango lang siya rito.
‘‘TOL! Mukhang distracted tayo ngayon ah,’ masiglang puna ni Van sa kaibigan.

‘Oo nga Cap,’ sangayon ni Eric. ‘Naghiwalay na ba kayo ng girlfriend mo?’

Nanglliit ang mga matang sinulyapan niya ito. Natatawa naman nagtaas ito ng kamay. ‘Hindi kami maghihiwalay,’ mariin niyang sabi sa mga ito. ‘I’m worried about her. Kagagaling lang nito mula sa pagkakasakit kaya medyo nagdadalawang isip ako ngayon kung tama bang kinaladkad ko siya dito para manood ng game natin,’ pagsisinungaling n’ya. What made him worried was the fact that Cybil’s ex was in the crowd. Hindi niya maipaliwanang ang takot na nararamdaman sa tuwing iniisip niya na magtatangka itong makausap ang dalaga. Lalo na ngayong walang kasiguraduhan ang nararamdaman ng dalaga para sa lalaki. Marami pa akong plano at ayokong si Dave lang ang sisira n’on. Kung siya nga lang ang masusunod, pinagbawalan n’ya na sana si Cybil na makausap or kapipagkita kay Dave.

‘Worried about the ex?’ panghuhula ni Jay. Nasabihan na niya ang mga ito tungkol sa kaguluhang nangyari sa opening ng bar ni Sev. Well, pinilit lang naman talaga siya ng mga ito. Kinulit kulit siya ng mga ito at hindi tinigilan hangga’t hindi niya ikinuwento lahat ang patungkol kay Cybil at sa lalaking muntik na nitong gulpihin sa dance floor. What puzzled him was his friends and teammates never ask him about his ‘thing’ for Clarisse. ‘I saw him at the entrance minutes ago together with Sev and Marguax.’

‘Then?’ patay malisya niyang tanong. Napansin niyang tahimik na nagkatinginan sina Jay, Eric at JR habang si Van naman ay tahimik na nagbibihis. ‘What?’ BJ kneel down to tie his shoe lace.

JR first smiled mischievously at him while the other two was patiently waiting for JR to somehow say the words. ‘‘Tol, alam mo ba kung sino ang pinakamantinding karibal mo sa pag- ibig ng girlfriend mo?’

BJ flinched upon hearing his friend’s question. ‘Ano ‘to puzzle?’ Tumayo siya ng tuwid and tucked his jersey shirt to his shorts. ‘Bakit hindi ninyo nalang ako deretsuhin para matapos na itong kalokohang naiisip ninyong tatlo.’

‘Minsan talaga napaka KJ mo Cap,’ komento ni Eric sa kanya habang napapailing.

‘It’s the love before you…’ Jay said out of the blue. Nakakunot ang noong tinignan niya ang kaibigan. Mukhang nakuha naman agad iyon ng binata at nagpaliwanag. ‘Ang pinakamatindi mong karibal sa pagmamahal ng girlfriend mo ay ang pagmamahal o ang pag- ibig niya… bago ikaw.’

He abruptly stopped stretching at wala sa sariling napatingin sa mga kaibigan. Suddenly naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Cybil noong mag- inuman sila at agad siyang nakaramdam ng pagkabahala. Oo nga at matindi ang nararamdaman nitong galit sa binata pero kung huhupa na ang galit na nararamdaman nito? Ano na? tahimik niyang tanong sa sarili. Sabi nga nito hindi ito sigurado kung mahal pa ba nito ang dating nobyo o hindi. Kung magkataon mangyayari iyon, paano na sila? Hihiwalayan ba siya nito para makipagbalikan sa dating nobyo?

All of the sudden BJ heard someone chuckle. It was Van. ‘Mukhang affected ka sa mga kalokohan ng tatlong ito ah, BJ,’ natatawang sabi nito at ang nagpasurok pa ng dugo niya, sinabayan pa ito ng tatlo.

‘Atay…’ he cursed making his friends laughed harder at him. ‘Mga peste… yawa… animal mo!’

‘ATE ang galing ni kuya BJ kanina ano?’ nakangiting turan ni Kyle sa kanya. Mahigit tatlumpong minuto ng tapos ang laro at naglalakad na sila papuntang sasakyan ni BJ pero ang kanyang mga kapatid hindi pa rin makaget over sa naging laro ni BJ. Hinintay muna nilang makalabas ng coliseum ang mga manonood bago sila lumabas. Kasabay nila kanina si BJ ngunit may binalikan itong gamit na naiwan daw umano nito sa loob ng locker room kaya ibinigay nalang nito sa kanya ang susi ng kotse.

Ilang minuto pa nakarating na nila ang parking area ng coliseum. Ipinasakay muna niya ang mga kapatid sa backseat at kinabitan ng set belt. Just as she closed the car’s door, a certain figured appeared in front of her making her literally jump in surprise. Ang akala niya si BJ lang iyon at napagtripan na naman siya. She planned to just ignore him but he didn’t let her. Mabilis nitong nahawakan ang kanyang balikat at pinihit paharap. ‘Puwede ba Tukmol-’

‘Cybil…’ nakabulong tawag ni Dave sa kanya. It took her a while to react ang when she did react, without a word, she twisted the arm he used to hold her and when she was free nanggigilig na itinulak niya ito malapit sa sasakyan ni BJ. Kulang na lang mahalikan ni Dave ang gulong ng sasakyan ni BJ sa lakas ng kanyang pagkakatulak. Narinig niya napaungol ito sa sakit. Bibirahan niya sana ito ng talikod ngunit nagawa nitong hawakan ang isang paa niya. Kahit na nahihirapan sa puwesto nagawa pa nitong mahawakan mabuti ang kanyang paa. ‘Please… let’s talk.’ Hindi siya umimik sahalip pinilit niyang binabawi rito ang kanya paa. ‘Kulang pa ba?’ narinig niyang sabi nito. ‘Kulang pa ba iyon? Sige saktan mo pa ako… basta ang gusto ko lang makausap tayo. Cy please… kung gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo-’

‘Puwede ba-’

‘Or we can talk here… Hindi kita pakakawalan hangga’t hindi tayo nag- uusap,’ he said stubbornly. ‘Kahit gumawa ka pa ng eksena rito, I don’t care.’

Lihim na napangiwi si Cybil. Hindi niya magagawang abugin si Dave ngayon gamit ang kanyang lakas. She long vowed to herself not to be violent in font of her brothers. Without a choice she agreed to his wishes. Nagpaalam muna siya sa mga kapatid at nang mag- usisa ang mga ito tungkol kay Dave, she just gave them a warning look and the twins just shut up.

After issuing instructions to her brothers to never get out of the car and follow her, Dave immediately stood up, took her hand and guided her a little far from where BJ’s car was parked. Cybil tried to jerk her hand free but Dave held it firmly. She stopped trying after a minute of failure so instead she narrowed her gaze to his hand holding hers. Nakatiim baga na siya nang tumigil sila sa isang bahagi ng car park. Halos mag- isang linya na ang kanyang kilay habang ang kanyang mga kamay at paa nangangating manuntok at manipa. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng lalaki at patitikimin niya ito ng boxing combinations niya… basta lang hindi makita ng kanyang mga kapatid.

Naghanda na siyang bigyan ito ng isang matinding upper cut. Pero ang planong saktan ang lalaki ay hindi niya nagawa nang sa pagpihit nito paharap sa kanya agad siya nitong hinila at kinulong sa bisig nito sa isang mahigpit na yakap. Agad siyang naestatuwa sa ginawa nito.

‘I missed you so much Cy…’ Dave tenderly whispered while tightened his embrace.

Cybil was shocked. Ni hindi na nga niya magawang magkareact. But suddenly bigla nalang naghiwalay ang mga katawan nila ni Dave and the next thing she knew nakaupo na siya sa sementado at maalikabok na sahig ng coliseum. She heard some sort of commotion just near her. Wala sa sariling napaangat siya ng tingin at natutulalang tinitigan si BJ habang binubogbog si Dave. Dave tried to fight, though pero hindi binigyan ng pagkakataon ni BJ na makaganti ito. Sige lang ito sa pagsusuntok sa lalaki at kung hindi pa siya nakakita ng dugo hindi siya matatauhan.

Napakurap muna siya ng ilang beses to make sure what she saw was real, when convinced she slowly stood up… and stared. Hindi niya alam ang gagawin. Kung aawatin ba niya ang dalawang binata o hahayaan nalang si BJ na bugbugin si Dave -halos hindi na makaganti si Dave sa binata. Alam niyang dapat niyang awatin ang dalawa bago pa mapatay ng mga ito ang isa’t isa pero sa nakikita niya ngayon nag- eenjoy siyang panuorin nasasaktan si Dave. Alam niyang mali pero gusto niyang maramdaman ni Dave ang sakit na ipinadama nito sa kanya noon. Gusto niyang kahit man lang sa pamamagitan ng paggulpi ni BJ dito ay makaganti siya sa lahat ng ginawa ni Dave sa kanya.

‘Oh my!’ matinis na tinig na sigaw ng kung sino man ang nasa kanyang likuran. Napalingon siya sa kinaroroonan ng tinig at agad niyang nakita si Marguax at iba pa niyang mga kaibigan na nagkukumahog na lumapit sa kanila. Inawat nina Johan at Sev ang dalawang lalaki.

‘Bakit hindi mo man lang sila inawat Cybil?’ nakasigaw na tanong ni Rae sa kanya.

‘Cy naman… baka kung ano pang mangyari sa dalawang iyan eh,’ sigunda naman ni Marguax.

‘Bakit ko aawatin eh matagal ko ng hinahangad na masaktan iyan,’ sabi niya sabay turo sa direksyon ni Dave. ‘Actually nga pinagplanuhan ako kanina naunahan lang ako ng boyfriend ko.’

‘Cybil!’ kurong sabi ng mga kaibigan niya.

‘What?’

Nakita niyang pasimpleng inilayo ni BJ ang katawan nito kay Sev at tinignan ng masama si Dave. ‘If you dare to touch my girlfriend again higit pa d’yan ang makukuha mo sa akin.’

‘Are you threatening me?’

‘Yes! I’m threatening you,’ sabi ni BJ at lumapit pa ito kay Dave at akmang uupakan na naman.

‘Brent!’ pag- aawat niya ngunit napakawalan na ng binata ang isang right jab. ‘That’s enough na. You’ll hurt yourself pa.’ Her friends helplessly looked at her and she only gave them a sardonic smile to irritate to them more. Hinarap niya si Dave at inignora ang pumutok na labi nito at namumulang kaliwang mata. ‘Siguro naman ngayon-’

‘Puwede na tayong mag- usap,’ pagpapatuloy ni Dave. Kumawala ito sa pagkakahawak ni Johan.

Agad na tumaas ang kanyang kilay sa narinig. ‘Cholera ka! No way!’

Nagmartsa ito papalapit sa kanya at tangkang hahawakan ang kanyang kamay. Pero bago pa man nito matagumpayan iyon nakaharang na si BJ sa kanyang harapan, as if shielding her from Dave. ‘Ano pa bang gusto mong gawin ko Cy para lang magkausap tayo ng matino?’ he asked her with pleading eyes. Agad naman siyang nag- iwas ng tingin. ‘Nabugbog na ako ng boyfriend mo. Ano pa?’

‘Gusto ko…’ sabi niya. She stood next to BJ. ‘Ako ang gumulpi sa’yo.’

‘Cybil!’ It was Sev at sa tono nito alam na niya ang susunod na sasabihin nito bago pa man ito magsalita. ‘Bakit hindi mo nalang pagbigyan ang gusto ni Dave?’ Tumaas agad ang isa niyang kilay. ‘Para matapos na ang ‘drama’ na ito. May nagkakasakitan na Cy, kung hindi mo napapansin.’

Napanguso siya sa sinabi nito. Ayaw na niyang makipag- usap dito. Para sa kanya useless na. Nasaktan na siya at hindi na nito mababago pa iyon. Kaya ano pa ba ang dapat nilang pag- usapan ni Dave? ‘Wala-’

‘Marami Cy…’

Nanliliit ang mga matang tinignan niya si Dave. Sinalubong naman nito iyon ng walang takot. Cholera! Tahimik niyang sabi sa sarili. Parang siya naman yata ang natatakot. Suddenly she felt BJ interlock his fingers to hers and tenderly squeezed it. It was a simple act to reassure her and somehow a permission. Weird man pero pakiramdam niya binibigyan siya nito ng permisong makipag- usap kay Dave. Sinulyapan niya ulit ang naghihintay na binata at napipilitang nagsabi ng, ‘Fine.’ Binuntutan pa niya ito ng malalim ng buntong hininga.

Naglakad na naman ito papalapit sa kanya. ‘Hep!’ pigil niya sa binata. ‘Payag akong mag- usap tayo but we can talk here… in front of them.’ Napansin niyang nakapunot ito ng noo. ‘Mabuti ng marinig din nila ang sasabihin mo para hindi ko na kailangan ulitin pa sa kanila.’ Napansin niyang pag- aalinlangan nito. ‘Kung ayaw mo… eh ‘di mas mabuti.’ Binalingan niya si BJ. ‘Let’s go Brent-’

‘P-Payag na ako Cy…’ narinig niyang sabi nito.

Inirapan niya ito. ‘Papayag naman pala eh… ang dami pang arte,’ she murmured in Spanish.

Mayamaya nagsimula na itong magsalita. Wala naman daw talaga itong relasyon kay Lia. Ang sabi nito noong nakita raw niya ito at si Lia sa mall nagpapanggap lang daw ang mga ito na magkasintahan dahil na rin sa mga magulang. Ang mga magulang kasi raw ng mga ito ang may gusto na maging magkasintahan ito at ang dalaga kahit pa hindi raw gusto nito at ni Lia ang isa’t isa. Kasama raw ng mga ito ang mga magulang kaya hindi siya ang pinili ni Dave. Kung nagkataon pa na wala raw ang mga magulang nito at ni Lia siya raw ang pipiliin nito and he never had second thoughts about it. But that time raw nagiingat itong hindi malaman ang munting sekreto nito at ni Lia lalo na sa mga magulang ng dalaga. Na bankrupt daw ang kompanya ng daddy nito at ang sa kompanya nina Lia ito kumukuna ng pangfinance sa pag- aakala na magkasintahan ang dalawa.

Iginiit din nito na nandoon ito sa lugar na dapat nilang pagtagpuan pero hindi raw ito lumabas sa pinagtataguan dahil daw naduwag ito. Sa loob pala ng isang taon, updated pala ito sa nangyayari sa buhay niya. Naghire ito ng PI para subaybayan siya at buwanan kung magreport. Nalaman daw nito ang biglaang pagkawala ng kanyang ama na naging dahilan ng pagkahirap nilang mag- iina. Ayaw na raw nitong dagdagan pa ang mga aalalahanin niya kaya hindi nalang ito lumabas sa pinagtaguan at tinanaw lang daw siya nitong nag- iisang naghihintay.

Eh bakit bumalik ka ngayon at ginugulo ang tahimik kong buhay? Tahimik na tanong niya sa sarili habang patuloy pa rin sa pagmomonologue si Dave. Ilang sandali pa at natahimik na ito at tumitig sa kanya na tila ba tinatantya nito ang kanyang reaksyon. ‘Ayos ah! Akala ko ngayon lang nauso iyang pagpapanggap na ‘yan,’ sabi niya habang napapangiting napailing. ‘Pati rin pala noon… may pretend boyfriend and prendent girlfriend na.’ Mayamaya naramdaman niyang kinurot siya ni BJ sa kanyang tagiliran. Ngiti at kindat lang ang sinagot niya rito. ‘Tayo na nga Brent.’

‘Cy-’

‘What?’ asar niyang tanong. ‘Cholera ka. Pinakinggan na nga kita-’ natigilan siya nang bila nalang itong ngababa ng tingin. Napabuntong hininga siya. Gagawin talaga nito ang lahat makuha lang ulit siya. Doubtful na siya rito kung totoo bang mahal pa siya nito. He didn’t accept ‘no’ for an answer nga at sa paghindi niya mukhang nasagi talaga niya ang ego nito. ‘Look here Dave,’ simula nya. ‘I’m stupid if I’ll say I didin’t love you… Minahal kita,’ nag- angat ito ng tingin at nangingislap ang matang tumitig sa kanya. Nakita ni Cybil sa mga mata nito ang pag- asa. Pag- asa? Pag- asang magbalikan? she grunted to answer her own question. ‘But it’s better to become stupid than to love you again.’ Iyon lang at walang lingon- likod na iniwanan niya ito.

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon