‘CYBIL!’
‘Cholera!’ nagulat si Cybil nang bigla may tumawag sa kanyang pangalan sa kanyang likuran. She turned around she saw a black Mercedes na mabagal ang takbo. Inside was Van. ‘Bakit ba nanggugulat ka ha?’ Pasimple niyang itinago ang nasugatang kamay.
‘Kanina pa kaya kita tinatawag.’ Inihinto nito ang sasakyan sa harap niya at dali daling lumabas. ‘What are you doing here alone? Malapit nang umulan.’
‘I need your help.’ Ipinakita niya ang sugatang kamay. ‘I need to go to the hospital. Maliit lang ang sugat pero medyo malalim. Kailangan itong tahiin para tumigil ang pagdugo.’ She smiled timidly at him. ‘Maari mo ba akong ihatid sa pinakamalapit na hospital?’
Napansin niyang mataman nitong tinignan ang kung ano man nakahuka ng atensyon nito sa likuran niya. Lilingunin na sana iyon ni Cybil ngunit bigla nalang nitong hinawakan ang kanyang kamay. Dumukot ito ng isang dark blue na panyo sa bulsa at tinali sa kanyang sugat. ‘I can do that,’ medyo pabulong na sagot nito. ‘But,’ he cleared his throat. ‘Can I invite you on a date?’ malakas na tanong nito. ‘Early dinner lang naman.’
Weird, tahimik na komento niya. Sa tingin kasi niya hindi ito ang tipong mag- aaya ng date just out of the blue. ‘Sure,’ nakangiting sagot nalang niya dito.
Their date went well. Van was such a gentleman. Kahit na maraming babae ang nagpapansin dito noon pumasok sila sa isang fine dining restaurant he just smiled at the girl or just wave his hand and after that nasa kanya na uli ang atensyon nito. Ni hindi nga siya nito binigyan ng pagkakataon na mailang. They were at a very famous fine dining restaurant after all at nakamaluwang na T- shirt lang siya, nakaponytail pa rin ang kanyang magulong buhok, nakablue jeans at nakasneakers. Unlike sa mga babae costumers doon na nakacocktail dress with matching hair do.
The only time na nailing siya dito ay n’ong mahuli niya itong matamang siyang tinitigan. At nang sinita niya ito, Van just smiled at her, reached up and took her glasses. ‘You got a very expressive amber eye. It such a shame how well you hid it.’ he said seriously. ‘It’s so expressive that I could see you’re pure and… I can see sorrow, pain, betrayal and loneliness.’
She just laughed at him at mabilis niyang kinuha ang salamin. Iyon na nga ba ang ayaw niya sa kanyang mata, ipagkalulo talaga siya nito noon pa man. Pero may sinabi ito sa kanya patungkol kay Rae that made her speechless. Kinukulit kulit pa siya nito para lang mapapayag siya. She did agree and giggled from the excitement.
Pagkahatid ni Van agad siyang nagtungo sa silid ng ina. Mamaya na siguro siya magrereport sa kanyang OR manager tiyak naman siyang maintindihan naman siya nito. Nadatnan niya si Rae sa loob ng silid ng ina, nakakunot ang noo habang kausap si Rina. I don’t like this. Tahimik siya pumasok sa silid ngunit agad naman siyang napansin ni Rae.
‘Cybil,’ nakataas ang isang kilay nitong tawag sa kanya. ‘Nasan ang boyfriend mo?’
Patay na ako… ‘Ahm… Nasa…’ hinatak niya ito palabas ng silid. ‘Let’s talk.’ Sanay na ang ina niya sa mga ganoong moments nilang dalawa ni Rae. Kinaladkan niya ito malapit sa hagdanan. Tiyak siyang walang makakarinig sa kanilang usapan.
‘What’s going on here Cybil?’ nakapamaywang na tanong nito. ‘Alam mo bang para akong tanga kanina. Ni wala nga akong masagot kay Mama sa mga tanong niya tungkol sa iyo at sa boyfriend mo which happened to be BJ.’ Mama na rin ang tawag nito sa kanyang ina. They were friends since highschool at close na sila sa pamilya ng isa’t isa. ‘Ano ba talaga ang nagyayari sa iyo ha? Na ospital lang si Mama nagkaroon ka na ng instant boyfriend. Ni hindi ko nga alam na nanliligaw na pala iyon sa iyo. Or boyfriend mo na talaga siya noong nasa beach resort nila tayo ‘tas hindi mo lang sinasabi sa akin.’ Magsasalita na sana siya ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagmomonologue. ‘Aba Cybi hindi na tama iyan! Naglilihim ka na sa akin-’
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."