MATAMANG tinitigan ni Cybil ang nakaparadang itim na limousine sa harapan lang ng school nila. Pauwi na siya at kasalukuyang nag- aabang ng masasakyan. Kaarawan ng may- ari ng school na pinapasukan niya dati nang araw na iyon and instead of celebrating it normally he contacted RC to have a Pledge 25 among the school’s staff na pinangungunahan naman ng celebrant. Gusto raw kasi nitong tumulong sa organisasyong susi upang madugtungan ang buhay ng kaisa- isang inaanak nito. Sa kuwento nito sa kanila, nangailangan daw ng dugo ang inaanak nito ng operahan ito kamakailan lang at nagkaubusan na ng dugo sa mga blood banks ng mga ospitals. Tanging ang RC lang daw ang nakapagbigay ng dugo sa inaanak nito.
Siya at si Rae agad ang itinuro ng mga kasamahan niyang volunteer para manguna at magsupervise sa Pledge 25 na iyon na sinang- ayunan naman ng kanilang head kaya naman ngarag na ngarag siya nang araw na iyon. Hindi pa siya gaanong nakarecover sa pagod niya ng nagdaan araw nang makisali siya sa culminating activity ng Disaster Nursing Management sa Chapter. At nadagdagan pa ang pagkangarag niya nang nilapitan siya ng sakay ng limousine kanina. She was about to enter the school premises nang bigla nalang siyang hinarang ni Monsieur Dion Rewbell at nakikiusap na mag- usap silang dalawa. Leaving without much of a choice, pumayag siya.
Pero agad niyang pinagsisihan ang desisiyon nang may iabot ito sa kanyang newspaper from London and asked her to read the headlines. A certain someone named Larry had an attack daw and was rushed to a hospital after receiving news about the demise of his eldest granddaughter and youngest grandsons.
‘Cholera! Et ainsi de,’ nakataas kilay niyang tanong dito, in French. ‘And so?’ ulit niyang tanong.
Mataman siya nitong tinitigan bago walang salitang tumalikod at nagmatsa papalayo sa kanya.
‘Ang weird…’ sabi niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong banyaga. Nakita niyang pumasok ito sa isang itim na limousine at bago pa man nito nagawang isarado ang pintuan may nakita siyang isa pang lalaki sa loob ng naturang kotse. She just shrugged it off at nagtuloy ng lakad papasok ng school.
May ilang minuto ang lumipas at naging busy na siya. Hindi nila na anticipate na pati pala students from different colleges and departments magdodonate rin ng dugo kaya hindi nila napaghandaan ang pagdagsa ng mga tao. Humingi na siya ng assistance sa College RCY officers at itinoka niya sa mga ito ang mga paper works habang sila namang mga volunteers ang taga- bleed or tagakuha ng dugo.
Siya ang nagbleed sa celebrant at pagkaupo na pagkaupo pa lang nito agad siya nitong tinanong tungkol sa NLE, kung makakatake na ba siya ng taong iyon. Nginitian lang niya ito nang ipresenta nito ang sariling abogado para mag- ayos ng papels niya.
Dapit hapon na sila natapos kaya naman wala na siyang energy makipagkumustahan sa dating mg Clinical Instructors at mga dating kaklase na pumasok bilang CI sa school nila. Pinauna na siya ng mga kasamahan niya. Bigla kasi siyang inatake ng hika niya at kung nagkataong hindi pa niya nadala ang gamot niya, baka sa ospital ang bagsak niya. Mabuti nga lang at naagapan niya agad.
Napabuntong hininga siya habang pinanliitan ng mata ang tinatanaw na sasakyan. ‘Sino kaya iyong kasama ng Dion na ‘yon? At tsaka ano bang ginagawa nila rito?’ she intently looked at the car as if she got an X- ray vision. ‘Oh well… bahala sila sa buhay nila,’ she said with a shrug.
‘Cybil!’ humahangos na lumapit si BJ sa kanya. ‘Ano okay ka lang? Bakit ka nila pinabayaan mag- isa?’ hinaplos nito ang kanyang pisnge at malambing na nagtanong. ‘Okay ka na? Gusto mo dalhin kita sa ospital?’ Sa gulat niya bigla nalang siya nitong niyakap. ‘God I’m so worried!’ he said with a sigh. ‘Bakit ba hindi mo ako tinawagan agad?’
‘H-Ha?’
Inilayo nito ang katawan sa katawan niya and he looked straight at her eyes. Bakas sa mga mata nito ang matinding pag- aalala. ‘Rae called me up kanina telling me na inatake ka raw ng hika. Ayan kasi. Pabaya sa katawan. Kumain ka na ba?’
BINABASA MO ANG
My Man
ЧиклитDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
