‘NILOLOKO mo ba ako?’ halos pasigaw na tanong ni Cybil kay BJ. Nasa harap sila ng bahay nito sa South Hills Subdivsion sa Labangon. Ang akala ni Cybil na sa isang simpleng bachelor’s pad lang ito nakatira, maliit na bachelor’s pad pero laking pagkadismaya niya nang makita ang bahay nito. It was a two storey house at may malaki pa itong bakuran. Para itong mansion sa laki!
Bigla nalang sumulpot si BJ nang umagang iyon- matapos niyang ihatid ang mga kapatid sa paaralan at matapos niyang pakiusapan si Rae na magbantay sa kanyang ina- sa kanilang bahay at sinabing kailangan na niyang maglinis sa bahay nito.
‘Hindi,’ pasupladong sagot nito. Nagmartsa ito papasok sa bahay nito at sumunod naman siya. ‘Why waste my time to such crap?
‘Ayos ‘tong bahay mo ah! Parang lang landfeild. Ilang taon mo ng huling nilinisan ito,’ pang asar niya dito.
‘Umuwi si yaya sa probinsya last week kaya ganito ang hitsura ng bahay ko. Hala sige maglinis ka na dito. Tarunga ug hinlo.’ Itinuro nito sa kanya ang lalagyan ng mga gamit panlinis. ‘Ayosin mo ang paglinis,’ ulit nito. Umakyat ito sa hagdan. ‘Kung may kailangan ka, nand’on lang ako sa library. Dahil sa iyo na cancel ang pictorial ko ngayon,’ malakas na bulong nito.
Ang tinutukoy nitong dahilan ng pagkansela ng appointment nito ay ang namamagang mukha. ‘Hah! ‘Buti nga sa iyo. Sabi ko naman ng icold compress-’ may naramdaman siyang lumapit na mabalahibong creature sa kanyang tabi. ‘Ay pusa! Waaahhh!’ natataranta niyang sigaw. Agad siyang tumalima at tumakbo palayo sa hayop. Sa malas naman niya nasagi pa ang paa niya sa isang pizza box dahilan upang madapa siya. Agad naman siyang dinaganan ng hayop at dinilaan ang kanyang mukha.
‘Adik ka ba? Ikaw pa lang ang kauna- unahang taong napagkamalang pusa ang Siberian Husky.’ May halong amusement ang boses nito. ‘Frisky behave!’ utos nito sa aso. Ngunit tinignan lang ito ng aso at nang nagsawa ipinagpatuloy nito ang pagdila sa kanyang mukha.
‘Frisky… ang cute naman ng pangalan mo.’ She giggled. Naging mas enthusiastic ito sa pagdila sa kanya. ‘Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.’ She patted his head and tried to push him a little bit to gave her space. Nang sumunod ito nagdali dali siyang tumayo. Una niyang nakita si BJ nasa second floor na pala ito at naiiling na pinagmasdan siya. His lips might not be smiling at her but she could see that his eyes did.
Consiously, inayos niya ang kanyang tabinging glasses. Tumikhim muna siya bago hinarap ang naghihintay na aso. ‘Hi there,’ nakangiting ssad niya rito. ‘I’m Cybil and I’m so sorry kung napagkamalan kitang pusa kanina.’ The dog wagged his tail excitedly at her. ‘Its just that I’m scared of felines, at pareho kayong hairy n’on kaso mas malaki ka nga lang… hindi ko nga lang iyon napansin kanina… so pasensya na ha?’ she leaned forward and pet the dog. She might hate cats but she loved dogs so much. And she met a Siberian husky before pero si Frisky lang ang may bi- eye. Frisky’s got a gray color in on eye and an amber sa isa.
An hour passed pero wala pang nasisimulang trabaho si Cybil. She was overwhelmed sa dami ng kailangang linisin. Mga kalat sa sahig, mga bintanang gadangkal na yata ang kapal ng alikabok, at mga kalat sa garden. At to think may second floor pa nga siyang lilinisan. Kaya naman hinahunting niya ang binata ngayon. Balak niyang patulungin ito sa paglilinis.
‘Frisky,’ baling niya sa aso. Kanina pa ito sunod ng sunod sa kanya. Pinapalaro niya ito sa garden pero mukhang mas gusto pa nito ang sundan lang siya. ‘Alam mo ba kung saan ang library ng tukmol mong amo?’ The dog just wagged its tail and tilted his head slightly to the side, as if asking her who the hell she was talking about. ‘Forget that I ask.’
It took her another ten minutes para matagpuan ang library. Nang matagpuan na iya ang silid walang pahintulot na pumasok siya sa loob at padabog na isinara ang pinto. Startled, masamang tingin ang pinupukol ni BJ sa kanya. ‘Tukmol,’ tawag niya dito na mas lalong ikinasama ng tiningin nito sa kanya. ‘I- I mean Brent, I can’t clean your house alone. Sa daming dapat linisin, hindi ko talaga kaya.’
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."