‘YOU’RE late!’ sita sa kanya ni Kyle one of her younger brothers. Nakakunot ang noo nito at para bang bad trip na bad trip sa pagkahuli niya.
‘I’m just five minutes late Kyle…’ Siya ang pinasundo ng kanyang Mama sa mga kapatid. Medyo natagalan siyang umalis ng Chapter idagdag pa ang biglaang pagbuhos ng ulan at may kalayuan din ang pinapasukan ng dalawa sa Chapter.
‘A lot could happen in five minutes-’
‘Stop that Kyle,’ it was Kent. ‘At least Ate Cy’s here,’ nakangiting sabi nito sa kanya.
Cybil smiled at them. Identical twins nga naturingan ang mga ito, makapareho ng mukha, boses at body structure ngunit magkaibang magkaiba naman ang mga ugali ng mga ito. Si Kent, ang panganay sa dalawa, ay napakasweet, ipinapakita nito ang kanyang nararamdaman samanatalang si Kyle naman ay grumpy, pilosopo at malihim. Para ring siya ang dalawa, minsa sweet at kung may sumpong nagiging irritable at maldita. Pero natutuwa pa rin siya sa kambal. Kahit na magkaiba nga ito ng ugali, mababait at masunurin naman ang mga ito. Hindi pa binibigyan ng sakit ng ulo ang kanilang Mama. Well dahil na rin siya ang main receiver ng mga kakulitan ng dalawa.
The twins were ten years old. Kahit sa murang edad pa lang alam na ng mga ito ang biglaang pang- iiwan ng kanila ama sa kanila. Isang beses lang niyang narinig na hinanap ng mga ito ang kanilang ama. Iyon ay yung unang paskong hindi nila kasama ito. Ngunit after that mukhang napagod na ang mga ito sa paghihintay. They were just two years old then.
Lumapit sa kanya si Kent at humalik sa kanyang pisngi. ‘Ate Cy, bakit ang aga mo umalis kanina? Sabi ni Mama madaling araw ka pa raw umalis. Ate Cy may duty ka ba sa hospital kanina?’ he asked her sweetly.
‘Wala. Mamayang gabi pa ang duty ko,’ paliwanag niya at nang mapansin niyang hindi nito tinanggap sagot niya, she decided to tell him everything. ‘May report kasi akong ipapasa sa head naming sa RC kaya maaga na ako pumunta roon. Tapos pinapareport ako ni Ma’am Rachel kaya ayun…’ Tumango tango lang ito. ‘Tapos na po bang interogasyon ninyo sa akin?’ biro niya dito. Kent just grinned at her. ‘Ikaw Kyle may itatanog ka pa ba?’
‘Gusto ko nang umuwi. Gutom na ako at ang dami pa naming assignments,’ sabi nito na hindi man lang sinagot ang kanyang tanong. ‘Ang tagal mo kasi Ate eh!’ Lumapit ito kay Cybil at pinaggigilang hinalikan siya nito sa pisngi.
‘Sorry na nga eh! Magtataxi nalang tayo.’
Ngunit ang plano niyang magtaxi hindi yata uubra. Puno lahat ang taxi dumaraan sa harap ng paaralan ng kambal. Lalo tuloy napasimangot si Kyle at tinignan siya ng masama. Maya- maya may dumaang walang laman na taxi. Pilit niyang pinara iyon. Nang papabukas na siya ng pintuan bigla naman siyang inagawan ng isang matandang lalaki. ‘Ah… sa inyo nalang po itong taxi,’ magalan niyang sabi dito.
Kinausap siya nito sa bisaya. Alangan na ngumiti siya. ‘Sige po, ingat po kayo.’ Iyon lang at iniwan na niya ito at bumalik na siya sa kambal.
‘Nasaan na ang taxi?’ tanong ni Kyle sa kanya. Mukha namang nahulaan nito ang ginawa niya. ‘Ate naman! For once maging suwapang ka naman!’
‘Matanda na siya at tska marami pang dadaan na taxi. Hintay lang tayo.’ Matapos niyang magsalita, may isang silver BMW M3 sedan ang huminto sa tapat nila. Ibinaba ng driver ang bintana sa passenger side. Reluctantly she looked up.
‘Hi…’ masiglang bati nito sa kanila. ‘Need a ride?’
Tatanggi sana siya ngunit bago pa man niya ito masagot na unahan na siya ng kambal. ‘Yes! We sure need one!’ at nagsabay pa talaga ang mga bubwit.
She winced. At kailan pa naging magiliw ang kanyang mga kapatid sa isang estranghero? ‘Ah guys huwag na. Magtataxi nalang tayo okay?’ sabi niya dito habang inignora ang paglabi ni Kyle. ‘No thank you nalang Mr. Reynolds but-’
![](https://img.wattpad.com/cover/969635-288-k79679.jpg)
BINABASA MO ANG
My Man
Genç Kız EdebiyatıDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."