PASULYAP SULYAP si BJ sa katabi. Tahimik lang itong nakaupo habang ang attensyon ay nasa bintana. Paminsan minsan din nitong tinitignan ang hawak na cellphone at nagtetext. Tinatanya muna ni BJ ang mood nito bago magtanong. Dapat sakto ang timing niya para naman sagutin nito iyon.
Simula ng nagpagtripan siya nina JR may tatlong araw na ang nakaraan, hindi na mawala sa kanyang isip ang mga sinabi ng mga ito. Napansin niyang tumigil na ito sa pagpipindot ng cellphone kaya naman naisipan na niyang tanungin ito. Akmang magsasalita na sana siya ngunit bigla naman tumunog ang cellphone nito. Agad namang sinagot iyon ng dalaga.
Pasimple niyang pinakinggan ito kahit pa parang Spanish ang gamit na lengguwahe ng dalaga but a few minutes later he gave up. Wala kasi talaga siyang naintindihan kahit isang salita man lang at base na rin sa pagkakunot ng noo nito mahalaga ang pinag- uusapan nito. Ilang sandali pa ay binaba na nito ang telephone ang nagbuntong hininga.
‘Cy…’ sinulyapan siya nito. Mabuti nalang at nakared ang traffic light kaya naman nasa dalaga lang ang atensyon n’ya. ‘After kong mapasagot si Clarrise, ano ng balak mo?’ Hinarap siya nito at nagtatakang tinignan. ‘W-Wala lang… n-naisip ko lang itanong. A-Ano kasi… ang tahimik mo ngayon. H-Hindi lang ako sanay…’
Nagdududang tinignan siya nito pero makailang minuto ang lumipas nagsalita na rin ito. ‘Babalik sa dati,’ sabi nito. ‘Act as if we never met and dress just like before. Iyon naman siguro ang normal kong gagawin diba?’
Pinatakbo niya ang sasakyan nang magpalit ito ng ilaw. Inignora niya ang unang sinabi nito. ‘You mean babalik ka sa pagiging manang na baduy?’ hindi makapaniwalang tanong niya rito. Marahan itong tumango. ‘Cybil naman… pinaghirapan kong ‘yan,’ sabi n’ya sabay turo sa direksyon nito. ‘At isa pa mas bagay sa’yo ang ganyang ayos kaysa sa-’
‘Magbuot?!’ sarkastikong sabi nito making him smile charmingly at her. It was the second time he heard her said words in Bisaya. He heard her speak one or two words in bisaya noong sakay sila ng jeep. Kakatapos lang niya noong magdonate ng dugo at pinagbawalan siya nitong magdrive. ‘Cholera! Ano ba kita? Nangingialam eh,’ nakataas ang kilay na sabi ulit nito. ‘At mas gusto ko iyong dati kong hitsura. Mas tahimik ang buhay ko noon kaysa sa ngayon na balik na sa normal ang hitsura ko-’ tinakpan nito ang bibig na tila ba may nasabi itong hindi n’ya dapat malaman.‘Kung iyan ang normal mong hitsura, diba dapat hindi mo tinatago? Sabi nga nila ‘be yourself’ so hindi mo tinatago ang tunay na ikaw.’ BJ noticed Cybil looked at her weirdly kaya naman bahagya siyang napangiwi. That was after all the lamest thing he had ever said to her. ‘At pagpapanggap ‘yang ginagawa mo-’
‘Oh shut up! Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo sa akin kahapon. Cholera ka!’
Nginitian niya ito na parang ngiti ng aso. ‘Kasalanan ba ‘yon eh nag- enjoy ka nga sa zipline. Dalawang beses ka pa ngang pabalik balik,’ panunukso niya rito. Alam niyang bahagyang nagalit ito sa kanya kahapon nang ipinakilala niya ito sa mga kateammates niya. Nagkaayaan kasi silang magkakaibigan na magzipline at tumambay sa Mountain View kahapon at para na rin maipakilala niya si Cybil sa mga ito. Alam niyang aalma ang dalaga kaya naman hindi na niya ipinaalam dito ang plano. At umalma nga ito pero agad na nawala nang bumaba na ito sa zipline. Tumatawa at kinakausap na siya nito ng maayos, ni hindi na nga siya nito pinandidilatan ng mata kung maglalambing siya rito.
Napansin ni BJ na mas madali lang para kay Cybil na makipagkaibigan kina JR kaysa sa mga girlfriends ng kanyang kaibigan. The moment he introduced her to them, walang naging awkard moments. Agad na nag click ang mga ito and before they left the city ang turing na ng mga kaibigan niya sa dalaga ay isa ng barkada. Pero kabaliktaran naman ang nangyari noong ipinakilala niya ito kina Vesta. Naging pormal lang ang pakikitungo ni Cybil sa mga ito lalo na nang sinabi niya na close family friend ni Vesta si Clarisse. Tahimik lang ito sa tabi niya ni hindi nga ito nakisali sa usapan nila.
BINABASA MO ANG
My Man
Chick-LitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."