‘SUNSHINE, sabi ko naman sa’yo hindi ba na ipunin mo nalang iyang suweldo mo sa RC.’ Inabot ng Mama Katharina niya ang sobreng pinaglagyan ng kanyang sahod sa buwan iyon. Cybil just stared at her mother. ‘Naghirap kang kitain iyan kaya dapat ikaw din ang gumastos- what’s wrong Cy?’
May ilang minuto pa siyang walang kurap na tumitig sa ina. ‘You… you called me ‘Sunshine’ Mama. It’s just that… since we flew here from the Middle East… one called me that… You see... It’s just that-’
‘Que no estan acostumbrados a ello,’ dugtong nito sa hindi niya masabi sabi.
Nginitian niya ang ina. ‘Yes… I’m not used to it na Mama. Alam mo naman na sila lang ang tumatawag sa akin ng ganoon kaya…’ she triled of.
Nagbuntong hininga ito. ‘Cy, you know sooner or later mahahanap nila tayo at babalik tayo sa dati. And I know alam mo na may responsibilidad ka-’
‘Na hindi naman talaga dapat sa akin in the first place.’
‘Sa mata ng batas at mga tao responsibilidad mo ‘yon. Iyong iyo ‘yon Cybil.’ She took a deep breath and released it audibly. ‘Cy is it that hard to forgive and forget? Can’t you just forgive your grandfather and forget about it?’ malumanay na tanong nito. ‘Maybe something came up kaya ganoon ang nangyari. Alam mo naman ‘di ba na every action and decision na gagawin ng Lolo mo may dahilan.’
Naaasar man sa usapan nila na ‘yon, hindi nalang ipinahalata ni Cybil sa ina. ‘Matanong
lang kita Mama, kung sakali bang namatay ang kambal noon makakapagforgive and forget ka ba? Knowing na may means ka para dugtungan ang buhay nila pero may isang taong humahadlang?’ pinagmasdan niyang mabuti ang reaksyon ng ina. May ilang minuto muna ang lumipas bago nakita ni Cybil ang reaksyon nito. Naging mailap ang mga mata nito at mayamaya pa nagbaba na ito ng tingin. ‘My thoughts exactly,’ natatawang sabi niya sabay iling ng ulo. ‘If only you were there Mama to see how those two suffer from day one…’ she trailed off.
Noong kasi naospital ang kambal dahil sa stage 3 Dengue Hemorrhagic Fever, nasa Singapore ito for a week long seminar. Kaya naiwan siyang mag- isang nag- aalaga sa mga kapatid. She was so clueless and so scared back then. She didn’t know what to do. She was, after all, raised as a princess, a well protected and pampered princess na walang kaide-ideya kung paano dumiskarte sa buhay. And that time they were broke... flat broke. Iyon ‘yong time na bigla nalang tumigil sa pagpapadala ng pera ang kanilang Papa. And when she tried to withdraw from her accounts naman, laking gulat nalang niya ng malamang hindi na ito puwedeng withdrawhin kahit pa nasa pangalan niya ang mga accounts.
Kailangan ng kambal na maabunuhan kaagad ng dugo at platelet para maagapan ang pagdudugo ng mga ito. Masyado ng mababa ang platelet levels ng dalawa kaya madaling duguin at nagkataon namang bleeders pa ang mga ito kaya kapag nagbleed ang mga ito kahit na maliit ang sugat maraming dugo ang aagos. She badly needed the money in order to secure a blood and a platelet. Kaya naman tinawagan na niya ang pamilya niya sa London para humingi ng tulong. Pero muli na naman siyang nabigo. For some reasons hindi niya makontak ang lolo at uncle niya. Mapa private numbers man or kahit na nga through emails hindi talaga niya makontak ang mga ito. She also called her father pero ang manyak nitong amo ang nakasagot sa tawag niya and proposed a deal to her na kung babalik daw siya sa Middle East at pakakasalan ang anak nitong sagad hanggang langit ang kamanyakan tutulungan daw siya nito sa pagpapagamot ng kambal. Sa sobrang asar niya rito, minura niya ito in three different languages.
Susuko na sana siya noon ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng mga kaibigan. Tinulungan siya ng mga ito morally, spirituall and financially. They contacted RC’s national headquarter and pulled some strings just to secure an A(-) blood which nakuha naman nila agad. Ang mga ito na rin ang tumawag at nag- inporma sa kanya ina tungkol sa kalagayan ng kambal. At sinagot na rin ng mga ito ang lahat ng gastos sa ospital.
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
